00:00Video ng umunoy mga maleta ng pera na dineliver daw sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez
00:06ang ipinakita sa pagsisimula ng bail hearing ni Romualdez sa Sandigan Bayan.
00:12Kinwestiyon ng Depensa ang authenticity ng video na iyan.
00:15Punto rin nila, hindi kay Romualdez mismo inabot ang umunoy pera
00:19at hindi rin daw nakita si Romualdez sa nabanggit na bahay ng dineliver ito.
00:25Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Sa 13-second cellphone video na kuha ni George Villalon Jr., isa sa mga tinaguriang maleta boys,
00:36nakuna ng nakahilera ang mga maleta na dineliver umano nila noong November 21, 2023
00:41sa bahay ni dating Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park, Makati.
00:46Nasa 20 maleta yan, sabi ni Villalon sa witness stand bilang testigo ng prosekusyon sa plunder case laban kay Romualdez.
00:53Dating Marines at dating bodyguard ni Ko si Villalon.
00:56Sabi ni Villalon ang nakaitim na t-shirt na nagbibilang ng maleta, tao daw ni Romualdez.
01:01Ang naka-blue na polo naman si John Paul Estrada, dating staff ni dating ako Bicol Partylist Representative Zaldico.
01:09Kinunan daw ito ni Villalon para i-update ang kanyang asawa dahil hindi niya nasagot ang paulit-ulit nitong tawag.
01:15At nang ipadala sa messenger, may message din ang asawa ng puro pera laman yan, deliver kay Romualdez.
01:21Ang sagot ng kanyang misis, akin na ang isa para magka-pera man lang.
01:26Ang mismong chat ng mag-asawa na flash sa screen ng Sandigan Bayan 3rd Division.
01:31Napicturan din ni Villalon ang mga maleta sa kondominium ni Zaldico sa BGC Taguig, bago umano ito ihatid sa Forbes
01:38Park.
01:39Nawala na ang cellphone na ginamit dito pero na-save ang video sa laptop ni Villalon.
01:44Inilipat daw nila ang video sa isang USB para suportahan si Orly Guteza kasama nilang dating bodyguard ni Ko nang
01:51tumestigo ito sa Senado.
01:53Inatras na ni Guteza ang kanyang salaysay at sinabing pinilit lang siyang ituro si Romualdez ni na Sen. Rodante Marcoleta
02:00at dating congressman Mike Defensor.
02:02Noong November 21, 2023, delivery umano sa Forbes Park, alam daw ni Villalon na pera ang laman ng mga maleta
02:09dahil tinulungan niya si John Paul Estrada nang masira ang zipper ng isa sa mga maleta.
02:14Kasama rin sa delivering yan si Johnny Buduan, dating Marines at dating bodyguard ni Zaldico.
02:20Nang iupo siya sa witness stand ng prosekusyon, sabi niya alam niyang pera ang laman ng mga maleta dahil tinulungan
02:26niya si John Paul Estrada na ilipat ang pera sa isang small luggage na aabot sa 30 million pesos.
02:33Labing apat sa mga maleta isinakay sa isang super grandia elite, ang iba sa itim na Inova.
02:38Pero sabi ni Buduan, batay sa group chat ng mga bodyguard ni Cole, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo
02:45ang delivery sa bahay ni Romualdez ng maletang pununang kung tawagin nila ay basura.
02:50Sa cross-examination, pinaamin ng mga abogado ni Romualdez ang mga testigo na hindi kay Romualdez mismo inabot ang pera
02:57at hindi rin nakita si Romualdez sa nabanggit na bahay nang diniliver ito.
03:02Pinayagan ng korte na via video conference ang pagdalo ni Romualdez para sa unang araw ng kanyang bail hearing.
03:08Nasa korte ang hindi bababa sa walo sa kanyang mga abogado.
03:12Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.