00:00Wala mong bagyo o low pressure area, umulan at bumaha sa ilang bahagi ng Middanao.
00:05Yan ang unang balita ni Chino Gaston.
00:11Dahil sa malakas na buhos ng ulan, pinasok ng kulay putik na baha
00:14ang ilang bahay sa bayan ng Norala sa South Cotabato,
00:18ang mga residente, kanya-kanyang taas na mga gamit.
00:21Sa paunang tala ng otoridad, apat ang apektadong barangay
00:25at mahigit isang daang pamilya ang inilikas.
00:28Pinasok din ng baha ang ilang bahay sa bayan ng Tantangan.
00:33Agad namang nagsagawa ng paglilinis na mga sapa at daluyan ng tubig ang mga otoridad.
00:39Nag-iwan ng makapal na putik ang humupang baha.
00:44Nagmistulang dagat naman ang ilang lugar sa bayan ng isulan sa Sultan Kudarat.
00:49Tumaas din ang tubig sa mga sapa at kanal, kaya abot-tuhod ang baha sa ilang kalsada.
00:56Ganyan din ang naging sitwasyon sa bayan ng Mangudadato sa Maguindanao del Sur.
01:01Pinasok ng mataas na baha ang para lang ito.
01:04Ayon sa uploader, abot-binti ang taas ng tubig.
01:07May mga bahay ding pinasok ng tubig na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa.
01:13Nakaranas din ang malakas na ulan ilang bahagi ng Coronadal City.
01:16Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang dahilan ng masamang panahon sa ilang bahagi ng Mindanao.
01:23Ito ang unang balita.
01:26Chino Gaston, GMA News.