00:00Mula sa home decor hanggang sa fashion at lifestyle products,
00:04itinatampok sa Manila Fame 2026 ang talento at pagkamalikhain ng mga Pilipino.
00:09Kasama ang mga oportunidad para sa kanilang mga likha sa global market.
00:13Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.
00:22Mula sa mga malikhaing kamay at isip ng mga Pilipino,
00:26muling isyo-showcase ang galing at pagkamalikhain ng mga local designer,
00:31artisan at negosyante sa Manila Fame 2026.
00:34Sa ikapitumput-apat na edisyon ng trade show na ito,
00:38bit-bit ang temang bloom.
00:40Opesyal itong binuksan sa World Trade Center Metro Manila
00:43na dinaluhan ni First Lady Liza Araneta Marcos,
00:47kasama si Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque
00:51at ng iba pang mga opisyal.
00:53Ang bloom actually has two meanings.
00:55Figuratively and literally.
00:57Pero more importantly is the figurative meaning of bloom,
01:01which is really the blooming once again of our industry,
01:05our artisans, our manufacturers, our designers,
01:08and all the entire design community.
01:10Blooming once again after so many challenges,
01:15from the pandemic to geopolitical tensions, etc.
01:19Tampok rito ang mga muebles, home decor, fashion,
01:24at iba pang lifestyle products.
01:26Kitang-kita rito ang talento at kwento
01:28ng mga taong nasa likod ng bawat disenyo.
01:31Tinatayang nasa 360 exhibitors ang kasali
01:35sa eksibisyong naglalayong ikonekta
01:37ang mga local producer sa mga international buyers
01:40at makakuha ng bagong oportunidad.
01:43My work is designing, product designing.
01:46So I try to share as much as possible
01:49to our fellow countrymen who needs designs,
01:54manufacturers who needs to change their product
01:57or upgrade their product.
02:00Ang positioning pa rin ng Pilipinas ay
02:03meron pa rin siyang kaluluwa.
02:05Meron siya talagang touch by the human hands.
02:10Parang talagang ibig sabihin yan ay
02:12may puso pa rin siya,
02:14hindi siya makina,
02:16tao pa rin ang gumagawa
02:18at maraming mga pamilya
02:21ang natutulungan ng industriyang ito.
02:24Hindi nagtatapos sa pagpapakita ng mga produkto
02:27ang layunin ng Manila Fame.
02:29Dahil tampok rin dito
02:30ang mga paraan para mas mapanatili
02:32ang responsabling paggamit ng materyales
02:35at pagpapatupad ng mas sustainable na business practices.
02:39We have the Sustainability Solutions Exchange
02:43at the Philippine Trade Training Center naman.
02:45And of course, yung Likhang Filipino,
02:48we would like to introduce Likhang Filipino
02:50as our permanent showroom for exportable products.
02:54Ang Manila Fame ay ang patunay na sa tamang pagkakataon
02:58at suporta,
02:59ang mga likhang Pilipino ay may potensyal na makilala
03:02hindi lang sa sariling bayan,
03:04kundi sa buong mundo.