Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At tapos ang higit isang buwan na aresto na ng mga otoridad,
00:03ang umano'y live-in partner ng babaeng natagpo ang patay sa loob ng ref
00:08sa isang apartment unit dito sa Rodriguez, Rizal.
00:14Sa tapat ng convenience store sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City,
00:19na aresto ang 32 taong gulang na lalaking ito kagabi.
00:23Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ang Paranaque RTC Branch 195
00:28para sa kasong Serious Illegal Detention na isinampan ang kanilang kasambahay noong 2025.
00:35Lumalabas po sa investigasyon natin na yung kaso po nitong Serious Illegal Detention,
00:39ito po yung ang nag-file po ng kaso nito is yung kasambahay po nung biktima
00:44na natagpuan po ang patay dito sa ating area of responsibility.
00:49Ang lalaki, itinuturing ding person of interest sa pagpatay sa babaeng natagpo ang nakasilid sa refrigerator
00:56sa isang apartment unit sa Rodriguez, Rizal noong September 16.
01:01Dinala sa Rodriguez Municipal Police Station ang lalaki at ang kanyang sasakyan.
01:06Nagsagawa ng inventory o inspeksyon ng pulisya sa mga gamit sa loob nito.
01:11Tumangging magbigay ng pahayag ang lalaki.
01:13Pero ang sabi raw niya sa pulisya?
01:16Well, ang sabi niya lang sa atin isa wala daw po siya sa mga oras na noon,
01:21wala daw po doon siya sa area noong nangyari yung insidente.
01:25Noong September, tumawag ang landlord ng isang apartment sa pulisya.
01:29Matapos umalingasaw ang mabahong amoy sa unit kung saan na-discovery ang katawan ng biktima
01:34na nakabalot ng kumot sa loob ng ref.
01:37September 9 daw, huling makausap ng landlord ang babaeng biktima.
01:42Kasama pa noon ang ipinakilalang live-in partner ng babae.
01:45Patay sa investigasyon ng pulisya, sinakalang babae at saka isinilid sa refrigerator.
01:51Nahanap din ang lubid na ginamit umano para patayin ang biktima.
01:56Hihintayin po natin yung resulta ng DNA exam.
02:01After that, then we will submit yung case folder na yun,
02:06yung complaint na ihahain natin sa provincial prosecutor ng Rizal sa kasong murder.
02:20Igan, itong sasakyan na ito yung nabanggit natin sa ating ulat na dinala dito sa Rodriguez Municipal Police Station.
02:27Ito yung sasakyan ng person of interest, yung manoy live-in partner ng babaeng biktima.
02:33Sa pakikipagugnayan natin sa mga investigador, merong ilang personal belongings na nakuha dito sa sasakyan na ito.
02:41May lang cellphone, charger, and other personal belongings.
02:44Pero kung ito'y personal belongings ng person of interest,
02:48ay kapagka may lumapit dito na kanyang kaanak, ay ibibigay naman daw ito sa kanila.
02:54At kapagka may lumapit din na kaanak, ay posible rin ibigay na rin itong sasakyan ng person of interest.
03:01Doon sa inisyal na impormasyon na nakalap natin, ay itong sasakyan na ito ay bagong bili.
03:08So sa ngayon, ay nasa custodial facility sa aking likuran,
03:13yung person of interest, yung manoy live-in partner ng biktima.
03:16Hanggang ngayon, sinusubukan pa rin natin hingan ng pahayag yung lalaki,
03:21pero hindi pa siya humaharap sa atin.
03:23Maski kagabi, nung inabutan natin siya pagkatapos niyang magpa-medical examination,
03:29ay kahit magpakita ng muka, ay hindi niya ginawa kagabi.
03:34Yan muna ang latest mula rito sa Rodriguez Rizal, Gabriel Gonzalez, GMA News.

Recommended