00:02Maglabas ng ebidensya. Yan ang hamon ng palasyo sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na gagamitin umano ang
00:102027 National Budget para gawing bargaining chip para i-pressure ang mga Senator Judge at bigyang pabuya ang mga kongresista
00:18na bumoto ng yes para umusad ang impeachment trial.
00:22Sabi ng Malacanang, madaling magturo pero mahirap mapatunayan.
00:26Kung siya ay may duda sa budget na ito, alam naman natin sino ngayon, nasa kaninong kamay ngayon ang nagsasagawa
00:35ng budget ay ito ay nasa kongreso.
00:39So kung meron siyang duda para maliitin ang impeachment court, mas maganda siguro umupo siya sa BICAM conference kung meron
00:52na.
00:52Para mas maintindihan niya kung saan mapupunta yung budget at paano ito ginagastos na hindi napupunta sa bulsa ng iilang
01:05tiwali sa gobyerno.
01:07Hinggil naman sa pagpuna ni Committee on Finance Chairperson Sen. J.V. Ejercito sa realignment ng nasa 206 billion peso
01:15sa bersyon ng kongreso para sa proposed 2027 National Budget,
01:19sinabi ng Palacio, maaari naman nila itong ayusin sa bersyon ng Senado bago maipasa sa Pangulo.
01:25Kasabay nito ang pagbibigay diin na malinawang gusto ng Presidente.
01:28Hindi papayagan na ang pondo na maibibigay na magkakaroon sa 2027 ay magamit sa kung saan saan.
01:41Dapat ang pondo, bawat piso ay para sa Pilipino.
01:46Sinabi naman ng Malacanang na walang nasayang na pondo at oras sa paggulong ng impeachment trial ng BICAM.
01:52Yan ay kahit pabinawin ang prosecution ng tatlong articles of impeachment, taliwas sa sinabi ng defense team na nasayang umano
01:58ang pera ng taong bayan.
02:00Lahat po ng concerned na parties ay nagparticipate.
02:06So, walang maaaring masabing nasayang kung mayroon namang na ipakitang mga facts, data na maaaring makapagpaliwanag sa taong bayan.
02:24So, since wala namang objection from the defense team, I think it is just but right for the senator judges,
02:33although hindi po tayo nagkakaroon ng pre-judgment dito or conclusion.
02:38Because if there's no objection, talagang mag-grant ang withdrawal.
02:43Pinabulaanan din ng Malacanang ang sinabi ng depensa na posible umanong magkaroon ng mistrial
02:48dahil nabigyan naman ang pagkakataon ng magkabilang panig na magsagawa ng cross-examination at magharap ng ebidensya.
02:55Kenneth, Pasyente para sa Bayan.