00:00Tinawag ni Chris Aquino na irresponsable at uninformed opinion
00:05ang mga sinabi sa isang podcast kung saan ginawang katatawanan
00:09ang panganay niyang si Josh Aquino na nasa Autism Spectrum.
00:13Nag-sorry na ang mga host ng podcast,
00:15pero tuloy pa rin ang investigasyon ng National Bureau of Investigation.
00:20Nagpalabas na ito ng mga saptina at nakatutok si Mark Salazar.
00:27Laman ng online post ni Chris Aquino ang kanyang mga anak.
00:31Ang kanya raw sandigan habang lumalaban sa karamdaman.
00:34May mga post siya tungkol sa panganay na si Josh
00:37at kung paano nito ipinapakita ang pagmamahal sa kanyang mama.
00:41Kwento ni Chris sa isang post,
00:43tinatabihan daw siya ni Josh sa pagsisiesta sa hapon
00:46kaya mahimbing siyang nakakapagpahinga kapag nasa braso ng anak.
00:51Nahihirapan man daw makagalaw,
00:53araw-araw itong ginagawa ng anak para alagaan siya.
00:57Paglalarawan ni Chris kay Josh,
00:59generous o mapagbigay at kind-hearted o may mabuting loob.
01:03Nakuha raw ito sa kanyang lola na si dating Pangulong Corey Aquino.
01:08Paborito rin siya ng uncle at textmate na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
01:13Naglabas ng pahayag si Chris sa nangyaring panlalait kay Josh
01:16ng podcasters ng Machong Chismisan.
01:20Kung saan habang nagtatawanan,
01:22tinukoy bilang walang kwenta
01:24at nakatunga nga lang ang anak na nasa autism spectrum.
01:28Tinawag ni Chris na irresponsible at uninformed opinion
01:32ang mga sinabi sa podcas tungkol sa kanyang anak.
01:36May mga tao raw na hindi niya pagkaaksayahan ang hininga.
01:40Huwag itong pansinin at mamamatay na lang ang issue.
01:43Ang tito ni Josh na si Senador Bam Aquino ipinagtanggol ang pamangkin.
01:48Si Josh at si Bimby, napakabait nila.
01:51They're good Filipinos, they're good kids,
01:55and walang karapatan ng sino mang tao na maliit sa mga taong may kapansanan.
02:00Hindi ka dapat na may vision ng mga taong may kapansanan.
02:03That's basic and that's decency.
02:05Sa pinakahuling statement na pinost ng matchong chismisan kahapon,
02:10inulit nila ang paghingi ng sorry sa pamilya Aquino, lalo na kay Chris at Josh.
02:15Inaaku raw nila ang responsibilidad para sa nangyari sa podcast episode.
02:20Alam daw nilang wala sa katwiran, napaka-insensitibo,
02:24at lubhang nakakasakit ang kanila mga sinabi at ginawa.
02:28Hindi raw sila magdadahilan.
02:29Sa ilalim ng Magna Carta for Persons with Disabilities,
02:34ipinagbabawal ang pangungutya, panlalait,
02:37o panunukso sa mga persons with disability dahil sa kanilang kapansanan.
02:42Kanina, naglabas na ng sabpina ang NBI
02:45para sa mga hosts ng podcast na sina Tito P at Makoy Pare.
02:50Sabi ng NBI, natanggap na raw ng dalawa ang kanilang sabpina
02:54para humarap sa NBI sa October 20.
02:57Kahapon, nagpadala na kami ng sabpina doon sa mga membro sa podcast na yan
03:02at yung dalawa sa kanila, especially yung pinakamprinsipal nagsalita.
03:06May republic up to yung protection doon sa mga special na sa NBI,
03:10mga PWD, meron yan.
03:12Tsaka sa cyber libel, pwede rin doon pumasok.
03:15Hinihinga namin ang reaksyon dito ang limang host ng podcast.
03:19Mark Salazar, Nakatutok, 24 Oras.
03:24Mark Salazar, Nakatutok, 24 Oras.