00:00Partners in Crime, ang mag-asawa sa Marikina na arestado dahil sa pagsusupply o manon ng droga.
00:06Sa palengke sa Marikina, nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:16Walang kawala ang mag-asawang ito matapos mahuli sa isang by-bust operation ng Eastern Police District Drug Enforcement Unit
00:23sa Marikina Public Market kanina madaling araw.
00:26Ang mga sospek, matagal ng target ng pulisya dahil sumasabay umano silang magbenta ng kontrabando
00:32sa mga nagde-deliver ng produkto sa palengke.
00:36Based sa aming intelligence report na sila yung nagbabagsak ng basura o shabu dito sa palengke
00:43at yung parokyano nila, yung mga beheros na galing ng ibang lugar, pupunta rito, magbabagsak ng mga produkto nila.
00:54Tag-bikol ang lalaki habang taga-marikina naman ang kanyang asawa.
01:11Nasabat sa kanilang halos 10 gramo ng hinihinalang shabu at 500 pisong by-bust money.
01:17Mahaharap ang mga sospek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
01:22Inaalam na rin ang pulisya kung saan kumukuha ng iligal na droga ang mga ito.
01:27Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.