00:02Activated na ang contingency plans ng gobyerno para sa mga sektor ng enerhiya, kalusugan, agrikultura at mga vulnerable communities na
00:12maaapektuhan ng El Niño alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at NDRRMC Chairman at Defense Secretary Gilberto
00:20Chodoro Jr.
00:21Ang mga eksperto na po ang nagsasabi na ang effects po ng El Niño kaya po natin yan sa lubungin,
00:28yung kahandaan po natin, yung preparedness ay sama-sama natin pong pagtutulungan.
00:32Umabot na sa 6.87 billion pesos ang pinsala sa agrikultura na nakaapekto sa tinatayang 223,000 na magsasaka at
00:41mga ngisda habang 76.4 million pesos ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong lugar.
00:47Sa ngayon, nabigay na ang pamahalaan ng Climate Resilience Seeds, Cash Assistance, Food and Non-Food Items at Water Filtration
00:55Systems upang matugunan ang kakulangan sa malinis na inuming tubig.
00:59Nagdeklara na ng State of Calamity ang Isabela, Cagayan, Camarines Norte, Dinagat Islands at Agusan del Sur dahil sa matinding
01:08tagtuyot.
01:08Habang ipinatutupad naman sa ilang paaralan ang blended learning at suspensyon ng klase sa hapon upang maprotektahan ang mga mag
01:16-aarala laban sa matinding init.
01:18This is a phenomenon na not just in the Philippines po, it's a global phenomenon na hindi dapat natin katakutan.
01:29So yung awareness po, uulitin ko, is to listen to the right agencies.
01:34Inaasahang magpapatuloy ang epekto ng El Niño hanggang kalagitnaan ng 2027, kaya nagsasagawa na ang OCD ng imbentaryo ng mga
01:42water tanker, desalination unit, filtration device at iba pang kagamitang kailangan sa pagtugon sa kakulangan sa tubig.
01:49Tiniyak ng OCD na may nakalaang pondo para sa agarang pagtugon at rehabilitasyon kasabay ng maagang pagbili ng mga kinakailangang
01:57kagamitan.
01:57It is a whole of nation, whole of government and whole of community approach po, sir.
02:04Hinimok din ang OCD ang publiko na magtipid at magreuse ng tubig kung maaari.
02:09Takpan ang maayos ang mga imbaka nito upang maiwasan ang pagdami ng lumok na nagdadala ng dengue.
02:14At sumunod lamang sa verifikadong advisories mula sa mga kinauukulang ahensya.
02:18Elijah Canlas, Para sa Bayan!