00:02Chinese Ambassador to the Philippines, Jin Chuen.
00:03Matapos ang pagpapatawag ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06kay Chinese Ambassador to the Philippines, Jin Chuen,
00:09kaugnayan na naging pahayag dito na madali umanong matatalo ng China ang Pilipinas
00:13sa isang military confrontation,
00:15tiniyak ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro
00:19na hindi nais ang Pangulo na masira ang ugnayan ng Pilipinas sa China,
00:23kaya nais itong makipag-usap sa China sa diplomatikong paraan.
00:26Iba po kasi ang relasyon natin sa China pagdating sa trade and investment,
00:32pero iba rin po ang usapin patungkol sa pagprotekta natin
00:36sa ating teritoryo at sa ating interest sa West Philippine Sea.
00:41So hindi nakikita, hindi nais makita ng ating pamahalaan ng Pangulo
00:49na darating yung punto na hindi magiging maganda yung relasyon ng China at Pilipinas.
00:55Kaya ang utos ng Pangulo, ang pakikipag-usap sa pamunuan ng China
01:03ay in a diplomatic manner.
01:05Dahil hindi nais ng Pangulo na masira ang relasyon ng dalawang bansa,
01:13but still, nandun pa rin po yung pagprotekta ng gobyerno, ng administrasyon, ng Pangulo
01:19sa interes nating lahat sa West Philippine Sea at sa ating teritoryo.
01:23Aniya, posibleng sa lunis magbigay ng update ang palasyo kung kailan ipatatawag ang ambasador ng China.
01:30Kaugnay niyan, iginiit ni Deputy Majority Leader at Mukidnon 2nd District Representative
01:35Jonathan Kate Flores na hindi lakas militar ang batayan ng karapatampang dagat,
01:39kundi ang international law.
01:41Ayon kay Flores, suportado niya ang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:46na hingin ang paglilinaw ng Chinese ambasador sa kanyang pahayag.
01:50Dagdag pa niya, dapat maprotektahan ang mga manging isdam Pilipino
01:53at malayang magampana ng Philippine Coast Guard ang mga legal itong tungkulin
01:58ng walang panggigipit o pananakot.
02:00Nanawagan naman ang House Young Guns ang formal na diplomatic protest
02:04at hinimok ang publiko na tanggalin ang pananaw
02:06na ang hindi pagpapalala ng tensyon ng mas makapangirihang bansa
02:10ay katumbasan ng tunay na kapayapaan.
02:13Ayon kay House Deputy Speaker Representative Paulo Ortega V,
02:17hindi nag-aalok ng siguridad ng isang makapangirihang bansa
02:20kapag pinapaalala nito sa mas maliit na bansa
02:23na kaya niyang talunin ito gamit ang pwersa.
02:25Sa halip, isa itong pagpapakita ng dominasyon at pananakot.
02:29Binigyang diin naman ni Deputy Speaker Representative Jay Kong Hun
02:33na dapat nakabatay ang kapayapaan sa paggalang sa isa't isa
02:37at pagsunod sa international law.
02:39Dagdag pa niya, kabalik na rin ang pahayag na ambasador ng China
02:43ang patuloy na paggamit nito ng water cannon,
02:46pagbangga at pagharang nito sa Philippine vessels.
02:49Velco Studio, para sa bayan!