Skip to playerSkip to main content
Chinese Ambassador, pinatawag ng DFA; sinabihang hindi katanggap-tanggap ang kaniyang mga ‘mapanghamong’ pahayag 


“Mapanghamon at hindi katanggap-tanggap” ang kaniyang mga pahayag.


Iyan ang direstsahang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines nang ipatawag siya ng Department of Foreign Affairs.


May resolusyon na rin laban sa kaniya na inihain sa Senado. #24Oras




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Mapanghamon at hindi katanggap-tanggap ang kanyang mga pahayar.
00:06Yan ang diretsyang sinabi sa Chinese Ambassador to the Philippines
00:11na ipatawag siya ng Department of Foreign Affairs.
00:14May resolusyon na rin laban sa kanya na inihain sa Senado.
00:19Nakatutok si J.P. Soriano.
00:24Kasunod ng pahayag na ito ni Chinese Ambassador to the Philippines, Ching Chuan.
00:28If we want to use force, we may easily win.
00:32But no, we will not choose use force.
00:37Pinatawag si Ching ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro sa DFA headquarters kanina.
00:42Ayon sa DFA, diretsyang sinabi ni Lazaro kay Ching na mapanghamon at hindi katanggap-tanggap ang kanyang pahayar.
00:50Lalo lang daw ito nagpapalala sa sensitibong relasyon ng Pilipinas at China
00:54at hindi nakakatulong sa pagsusulong ng mutual understanding at cooperation ng dalawang bansa.
01:01Ang naunang pahayag ni Ching, inawag ni Pangulong Bongbong Marcos na isang banta.
01:05Nanawagan din ang ilang mambabatas na ideklarang persona ng grata ang ambasador
01:10kung hindi aniya babawiin ang kanyang pahayag.
01:16Kanina, naghain ng resolusyon si Senate Committee on Foreign Relations Vice Chairperson Sen. Erwin Pulfo.
01:22Kaugnay niya, sinagot ng Chinese Embassy ang mga batiko sa pamamagitan ng sunod-sunod na social media posts.
01:29Tinawag nilang anti-China politicians ang mga mambabatas na pumuna sa pahayag ng ambasador
01:35kung may gusto raw gawin ang mga tinawag nilang anti-China forces.
01:38Gawin na raw ito agad.
01:41Sabi ng DFA, wala sa posisyon ang isang foreign diplomatic mission na punahin sa publiko
01:47o tuyain ang mga opisyal at mambabatas ng Pilipinas na ginagampanan lang ang kanilang mandato.
01:53Pinahalagahan ng Pilipinas ang freedom of expression
01:56at hindi nito tatanggapin ang anumang pagkatangka ng isang foreign envoy
02:01na takutin ang mga gumagamit ng kanilang karapatang magpahayag.
02:07Ang Malacanang, ginagalang daw ang mga opinion ng mga mababatas
02:11pero pinipili pa rin daw ng Pangulo ang daan ng diplomasya
02:14at mahinahong pakikipagpugnayan sa China.
02:19Hindi po niya na naisin na magkaroon ng ganitong klaseng pagdideklara
02:23kahit kaninun pa man na representative ng ibang bansa dito sa ating bansa.
02:29Si Defense Secretary Gilbert Yudoro, naniniwalang deliberate ang ginagawa ng Chinese Ambassador
02:35alinsulod umano sa gobyerno nila.
02:38Very deliberate. Hindi pag-uugali ng Ambassador yan, pag-uulag gali ng gobyerno nila yan.
02:44You're dealing with that kind of repressive government.
02:46Wala pang pahayag ang Chinese Embassy kaungay sa naging pulong nila sa DFA.
02:51Tiniyak naman ang DFA na sa kabila ng nangyayari.
02:54Mananatining bukas ang komunikasyon nito sa China
02:57pero maaari pa rin daw itong magsagawa ng kalagdagang diplomatic action kung kinakailangan.
03:02JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended