00:00Kinontra ng ilang grupo ng mga magsasaka ang Opinion No. 16 ng Department of Justice
00:06na tila magpapadali umano sa pagkamkam ng mga sakahan.
00:11Ayon sa Magsasaka Partilist at Federation of Free Farmers,
00:15kung pagbabasehan ang opinyong ito, hindi na kailangan ng Land Transfer Clearance
00:20mula sa Department of Agrarian Reform o DAR para maiparehistro
00:24ang paglilipat ng pagmamayari ng pribadong sakahan.
00:27Nakababahala umano yan dahil mawawala ang limitasyon sa lawak ng lupain
00:33na pwedeng bilhin o maaring panatilihin ng isang may-ari.
00:37Maaring mawalan din umano ng lupang sakahan ang maliliit na magsasaka
00:42at maapektuhan ng food security.
00:45Posible rin umanong mas dumami ang makukuhang lupang sakahan
00:49ng mayayamang individual at kumpanya.
00:54Since you remove the DAR clearance requirements,
00:56yung investor na yun, baka isipin niya,
01:00uy, pwede ko nang isalin itong aking nabili
01:04into subdivisions, into tourism sites,
01:09di ba, resorts, industrial sites.
01:12Baka isipin niya, pati yung DAR conversion clearance,
01:15hindi na kailangan.
01:16Mangyayari, magiging Land Return na po.
01:18Babalik po yung konsentrasyon ng lupa
01:20sa ilampung mga malalaking korporasyon,
01:24malalaking tao.