00:00As a state witness, ang pagsalang kanina sa Sandiga Bayan ni Henry Alcantara.
00:06Siya yung former district engineer ng DPWH Bulacan 1st District.
00:10Yes, ang dinidinig ay yung bail hearing sa kasong plunder ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:17Here's what we know so far with Maki Pulido.
00:21Source ng perang diniliver kay dating Speaker Martin Romualdez
00:24ang gustong patunayan ng prosekusyon kanina sa bail hearing ni Romualdez sa kasong plunder.
00:30Para dyan, sinalang ng prosekusyon si Henry Alcantara,
00:33ang dating district engineer ng DPWH Bulacan 1st District na ngayon ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program.
00:42Sa korte, sabi ni Alcantara, ang diniliver niyang pera ay advance payment ng mga kontraktor
00:47na nagkonsyabahan sa mga moro-morong bidding ng mga flood control project.
00:51Mag-ahatid na raw ng pera kay dating ako, Viggo Partilist Representative Zaldico,
00:56kung nakalista na ang proyekto sa National Expenditure Program
00:59at ang balanse kung napondohan na ng Department of Budget and Management ang proyekto.
01:05So mula 20%, naging 25% daw ang komisyon ng maging speaker si Romualdez.
01:11Pero sabi ni Alcantara, si Zaldico ang bahala sa partihan ng komisyon.
01:16Noong umpisa, nilalagay daw ang pera sa plastic box, kalaunan, sa maleta na.
01:22Pinalabas ng mga abogado ni Romualdez sa kanilang pagtatunong kay Alcantara
01:26na ang tanging katransaksyon ni Alcantara ay si Zaldico.
01:30Tinapos na kanina ang pagtestigo ni Alcantara sa bail hearing ni Romualdez.
01:35And that's what we know so far.
01:37Mackipulido, GMA News.