00:01We are proceeding to our planned route. Anatan Shoal is part of the Philippines Inclusive Economic Zone. Over.
00:08Magkasabay na nagsagawa ng Maritime Domain Awareness o MDA Flight ang Philippine Coast Guard at Philippine Air Force
00:15sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea mula sa PCG Aircraft.
00:21Narinig ang pangigipagpalitan ng radio challenge ng PAF sa People's Liberation Army Navy at Air Force ng China.
00:54We are proceeding to our planned route.
00:57Walang naranasan na interference o pangharasa mula sa anumang kwersa ng China sa halos isang oras na MDA Flight ng
01:06PCG.
01:07Nakababa pa nga ng 200 feet itong aeroplano na ating sinasakyan mula sa ibabaw ng Scarborough Shoal.
01:15Isa sa pakay ng MDA Flight ay upang makumpirma ang napaulat na umano'y mistulang istruktura na inilagay sa isang
01:24bato sa bahura.
01:25Pero sa pag-iikot sa Scarborough Shoal, hindi ito nakita.
01:30Namataan naman ang dalawang boya sa loob at labas ng bahura na noong nakaraang taon pa inilagay ng China.
01:37Muli ring nakaharang sa entrada ng Scarborough Shoal ang isang floating barrier.
01:42Nasa bisinidad naman ang isang research vessel ng China, isang warship ng PLA Navy at Chinese Maritime Militia Vessel.
01:52Patrick De Jesus para sa Bayan.