00:00Pumarap sa National Bureau of Investigation ng isa sa mga host ng podcast kung saan kinutsa ang kondisyon ng panganay
00:06ni Chris Aquino na si Josh.
00:08Ang mismong host na kumutsa kay Josh hindi sumipot.
00:11Balitang hati ni John Consulta.
00:17Dumating sa NBI ang podcaster na si Daniel Vivar ng podcast na Machong Chismisan.
00:23Do you have any statement to give sir para sa publiko?
00:26It's a cyber crime division tayo ng diretso, no?
00:30Meron bang remorse sir sa mga nasabi?
00:34Kahit man lang yung bagay na yan, meron bang remorse?
00:37Isa si Vivar sa host ng podcast na pinasupinang kaugnay ng kontrobersyal at binatikos na episode ng Macho Chismisan
00:44kung saan habang nalikatawanan ay kinutsa ang anak ni Chris Aquino na si Josh na ipinanganak na may autism.
00:50Kasama ang kanyang abogado, kinausap sila ng NBI agents mula sa NBI cyber crime division.
00:55Pagkatapos lamang ng wala pang 30 minuto, bumaba na ang podcaster at di na nagbigay ng anumang pahayag.
01:02Pinasupin na rin ang NBI ang podcast co-host na si Tito P o si Philip Joshua De Leon pero
01:07hindi ito dumating.
01:09Nagpadala lamang siya ng sulat sa mamagitan ng kanyang abogado.
01:12Ayon sa NBI, sinabi niya kanyang abogado na dahil sa kondisyon ni De Leon na ADHD at bipolar,
01:19nag-aalala silang baka lumala ang kanyang kondisyon sakaling pumunta ito sa NBI.
01:23Si De Leon ang podcaster na nagbitaw ng mapanirang pahayag laban kay Josh.
01:28We have to verify kung talaga bang diagnosed si Sir, si Tito P,
01:33nang sinasabi niyang bipolar and ADHD kasi wala na ma-attachment yung letter.
01:37So we love to see them.
01:39And third, it will never be an excuse.
01:42So hindi po natin hayaan na gamitin din yung kapansahanan para makalusot sila sa ginawa nila sa mga kapansahanan.
01:48Kung hindi man po sila dumating, ang pagbabasihan pa rin po natin dito ay yung kanilang mismong podcast at saka
01:53yung nangyari.
01:55Malinog sa batas, sa ilalim ng Magdacarta for Persons with Disabilities, Republic Act 7277,
02:02na ito'y inamendahan ng Republic Act 9442,
02:06ipinagbabawal ang pangpublikong pangungutsa at paninirampuri laban sa taong may kapansahanan na may kakibat itong multa at pagkakakulong.
02:15Pinag-aaralan ngayon ng NBI ang pagkapanagot sa production house ng podcast na Macho Chismisan
02:20matapos malaman na September 30 ang nangyaring shoot at October 5 ang pag-ere ng mapanirang episode.
02:27John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
02:35John Consulta.
Comments