Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 22, 2026


- Ilang nagbebenta ng karneng baboy, tuloy sa pagtitinda sa kabila ng ikinasang pig holiday ng hog raisers | Ilang nagbebenta ng karneng baboy, nalulugi dahil mas tinatangkilik daw ng mga mamimili ang frozen o imported meat | Pig holiday, ikinasa ng hog raisers hanggang Sabado dahil sa pagkalugi

- Ilang taga-Batanes, naglagay ng tapangko sa mga bintana at itinali ang mga bubong bilang pag-iingat sa Super Typhoon Rosal | Malacañang: Nakahanda ang mga ahensiya ng gobyerno sa epekto ng Super Typhoon Rosal

- Korte Suprema: Pondong idineklarang unconstitutional sa 2024 at 2025 General Appropriations Act, hindi kailangang ibalik kung mapatunayang ginastos in good faith | Desisyon ng Korte Suprema sa mga GAA, mahalaga para mapanatiling sumusunod sa konstitusyon ang mga susunod na budget, ayon sa ilang eksperto | Korte Suprema: Mga lumabag sa pagbuo ng GAAs, posibleng maparusahan kung hindi umaksiyon in good faith | VPSD: May pananagutan si PBBM at Kongreso sa unconstitutional GAAs; Malacañang: Malinaw sa desisyon ng Korte Suprema na walang liability ang Pangulo | Malacañang: Solgen, inatasang umapela sa SC decision na unconstitutional ang 2024 at 2025 GAAs at ilang bahagi ng 2026 GAA | Pagbuo sa 2027 national budget binabantayan ng ilang mambabatas para masigurong naaayon sa ruling ng Korte Suprema

- Sen. Raffy Tulfo: 6M PWD I.D. sa bansa, peke; dapat linawin ang I.D. requirements | DOJ: P88B ang nawawalang kita sa buwis at P166B sa mga negosyo dahil sa paggamit ng pekeng PWD I.D. | DSWD, DOF, at DOH, pipirma ng revised implementing rules & regulations para sa pag-issue ng PWD I.D. | DSWD, inaalam kung paano nakakakuha ng pekeng PWD I.D.

- DOH-EB: 10,269 kaso ng influenza-like illness, naitala sa nakalipas na 2 linggo | DOH: Posibleng tumaas pa ang mga kaso ng influenza-like illness sa papalapit na holidays; walang dapat ikabahala

- Boy Abunda at Kris Aquino, may reunion sa special 2-part birthday episode ng "Fast Talk With Boy Abunda"

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Category

🗞
News
Transcript
00:09Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:01Igan, good morning. Business as usual pa rin ang mga magbababoy dito sa Balintawak Public Market sa Quezon City.
01:10Sa kabila yan ng ikinasang tatlong araw na pig holiday ng hog racers dahil sa matinding pagkalugi ng local hog
01:17industry.
01:18Pero aminado naman silang natatalo na sila nung mga nagbebenta ng frozen or yung imported na baboy.
01:29Madaling araw pa lang abalang-abala na ang mga magbababoy dito sa Balintawak Public Market.
01:35Tuloy sila ng pagbebenta ng baboy sa kabila ng 3-day pig holiday na ikinasanang hog racers simula ngayong araw
01:42hanggang sa Sabado dahil saan nila'y matinding pagkalugi ng local hog industry.
01:46Gusto ko po rin i-announce na ang buong samahan ay muling nagkaisa na samasamang huwag munang magbenta ng baboy
02:00sa loob ng tatlong araw.
02:03Ang tawag po namin lahat dyan ay pig holiday.
02:08Ang magbababoy na si Mericher Luyan hindi daw kayang huminto sa pagbebenta kahit isang araw dahil sa dami nang binabayaran
02:16niya.
02:17Pero kung susumahinaan niya, nalulugi na siya dahil tinatangkilik daw ng mga mamimili ang frozen o imported meat.
02:24Oo nga, kasi yung mga galing ibang bansa, yung lagi ang ano eh, dapat sariwa yung galing dito sa ano,
02:33galing dito sa atin.
02:34Lalo pag mataas, ano kami, luging-lugi kami.
02:38Kasi yung imported ang pina-priority ng mga mamimili.
02:44Sapat lang yung kinikita namin dito eh, ticket namin yung sa business permit.
02:51Ang iba pang nagtitinda ng baboy gaya ni Josephine Rodriguez, umaaray na sa liit ng tubo sa bentahan ng sariwang
02:58baboy.
02:59Halimbawa, prosent o 20, ito to 40 o may 20.
03:05Mas mura.
03:07Pero ang hindi nila alam, nagtutubig yung prosent, ito hindi.
03:12Parang pantay lang.
03:14Eh yung prosent, ano pa yun?
03:16May gamot pa yung baboy.
03:18Hindi rin nag-isip yung mga mamimiling iba eh.
03:21Ang basta na silip nila, mura eh.
03:23Bakit prosent yung bidili?
03:25Paninda.
03:25Wala ka na kasi kikitain pag ano, yung sariwa talaga.
03:32Bakit? Mas mura pa?
03:33Medyo.
03:34Pero ang ilang nagtitinda ng imported o frozen meat,
03:37hindi raw naniniwalang mas tinatangkilik ang frozen meat,
03:41dahil mataas din ang presyo nito.
03:43Mas mura ngayon ng sariwa.
03:46Mas mura sariwa ngayon?
03:47Kesa ngayon sa frozen.
03:50Kahit saan sila eh.
03:51Gusto nila ang sariwa, gusto nila frozen, kahit alin doon.
03:54Sa ngayon naglalaro sa 220 to 240 ang kada kilo ng lokal na kasim at pigi,
04:00habang 280 naman ang liyempo.
04:02Ang frozen o imported naman na baboy,
04:04nasa 200 to 210 lamang ang kilo ng kasim at pigi,
04:08habang nasa 250 lang ang liyempo.
04:10Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines,
04:14masyado ng malaki ang nalulugi sa lokal na hog industry araw-araw,
04:18mula ng dumamiang imported na baboy sa merkado.
04:21Layon daw ng pig holiday na maiparating sa pamahalaan,
04:25ang matinding dagok na kinakarap ng industriya dahil sa importasyon at smuggling.
04:30Kung patutuloy pong araw-araw ay hindi naaaksyonan at hindi mapipigilan ang ganitong mga pagkalugi,
04:41350 milyon na po araw-araw ang nalulugi ngayon.
04:46Kung ang iintayin ay January 1,
04:53madadagdagan po ng 24,850,000,000,000 ang madadagdag na lugi.
05:04Ibig sabihin, 29.6 billion ang magiging total na lugi.
05:12Ako po ay naniniwala kung ito po ay mangyayari.
05:16Hindi po bababa sa 50% na magbababoy ang tuluyang mawawala sa kanilang hanap buhay, bakyab at even commercial racers
05:31ng ating baboy.
05:46Gabriel Yones, inaasahang sasama ang maraming mga magbababoy dito sa tatlong araw na Pigal Day pero wala naman daw pilitan.
05:54At yan ang unang balita mula rito sa Quezon City, Gabriel Gonzalez, GMA News.
06:00Nasa ilalim ng Code Red Alert ang Batanes dahil sa Super Typhoon Rosal.
06:05Ang ilang residente roon naglagay na ng mga tapangko o window shutters at tali sa bubong sa ilang gusali at
06:12bahay roon para hindi matangay ng malakas na hangin.
06:15Sa Adams, Ilocos, Norte naman, makagang inani na ilang magsasaka ang kanilang mga talim na gulay para hindi masira ng
06:22malakas sa ulan na dala ng bagyo.
06:24Piniyak na malakas niyang nakahanda ang mga hensya ng gobyerno sa epekto ng Super Typhoon Rosal.
06:30At ngayong may bagyo sa gitna ng El Niño, maaari raw gamitin ang pagkakataong ito para makapag-ipon ng tubig
06:37mula sa ulan.
06:42So since kung ang lugar ninyo ay magkakaroon ng malakas na pagulan, tamang-tama.
06:52Baka mayroon kayong pagkakataon na mag-ipon ng tubig kung kayo ay nakakaranas ngayon ng tagtuyot sa inyong lugar.
07:00Magandang pagkakataon nito at ipagdasal na lang natin na huwag sanang ganon kalakas, tamang lakas lang para maibsan ang epekto
07:13ng El Niño sa tatamaan ng bagyo.
07:32Ang buwelta naman ng Malacanang, naintindihan daw ba ng bise ang naging desisyon ng Korte dahil malinaw daw sa desisyon
07:39na walang pananagutan ng Pangulo?
07:42Aapelan pala siya sa desisyon ng Supreme Court. At narito ang aking unang balita.
07:50Matapos i-deklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang 2024-2025 General Appropriations Act,
07:56Tanong na marami, kung ibabalik ba ang pondo? Sagot ng kataas-taas ang hukuman, hindi na kung mapatunayang ginastos ito
08:04in good faith.
08:05The court mentioned that for those programs, irreversible programs, where the beneficiaries acted in good faith,
08:14under the doctrine of operative fact, they would be considered valid. So yeah, there will be no funds returned in
08:20that case.
08:21Particular na tinukoy sa desisyon ang P449.5B na idinagdag sa Unprogrammed Appropriations noong 2024
08:29at P17.99B na pagtaas ang Special Road Fund noong 2025.
08:35Pero pagdating sa Special Provision sa 2026 Budget na idiniklarang labag sa batas,
08:40hindi na raw pwedeng i-implement o gastusin.
08:43Sabi ng Korte Suprema, hindi naman daw talaga labag sa konstitusyon ang mismong Unprogrammed Appropriations.
08:48Pero dapat itong mabantayan.
08:50The court in this case provided guardrails to ensure that these do not become a means
08:56of bypassing constitutional limits on public spending.
09:01Since the 1987 Budget, Unprogrammed Appropriations have provided standby funding
09:07for specific purposes when government revenues exceed projections.
09:13Ano nga bang magigiepekto ng desisyong ito ng Korte Suprema?
09:15Very important decision. Pinagtitibay nito ang pambansang budget na dapat itong sumusunod talaga sa konstitusyon.
09:26Hindi maaaring baguhin ng lampas sa itinakdang kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan.
09:35Paliwanag na ekonomistang si Dr. Sir Percival Peña Reyes.
09:38Bagamat pwedeng baguhin ang Kongreso ang isinumintid nitong budget na ehekutibo,
09:43hindi nito pwedeng lampasan ang total ng pondong hiningi ng Pangulo.
09:46Kasi ano po ito, it can be subject to discretion, to abuse.
09:53And yun na nga po, ang naging epekto niyan also, yung sa ekonomiya natin,
10:01nagkaroon ng slowdown dahil naantala yung paggastos.
10:07Bawat Pilipinong lumalaban ng patas sa buhay, nag-aambag ng malinis para sa ikaw-unlad ng ating bansa.
10:18Kailangang mabantayan ang pambansang budget upang maitiyak natin na ang pondo napupunta talaga sa mga tunay na pangangailangan ng bansa.
10:28Kaya isa sa ipinagbawal ng Supreme Court ay ang Ayudang Sagip o Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs
10:36noong 2024 at 2025
10:38dahil lump sum ito o buong pondo na walang detalye kung para saan.
10:43Kapag nasa lump sum, nakalagay lamang ang halaga pero hindi pa nakadetalye kung saan ito eksaktong gagamitin.
10:49Ayon sa ekonomistang si Prof. Emanuel Leico, maaaring raw maabuso mga ganitong budget dahil pwedeng magpasyang Pangulo
10:55kung saan dadalhin ang pera na hindi na kailangan pa-aproba sa Kongreso.
10:59Parang ito yung patronage. Sila ang mamimili at sila ang mag-aallocate doon sa mga proyekto na kanilang napili.
11:12Hindi po tama yun. Ito po talaga ang tanda ng corruption-ridden na budget.
11:20Pagka malaki ang unprogrammed appropriations at malaki ang lump sum at nagiging arbitrary ang pamimili.
11:30Dapat daw may managot sa paglalagay nito sa budget.
11:33Ikaw ang nag-propose, ikaw ang nag-mandate, ikaw ang nag-aproba, ikaw ang pumirma.
11:41May pananagota naman siguro. Para yung toothpaste.
11:45Pagka inilabas mo na, hindi mo na maibabalik.
11:48Pero yung mga nagpatupad niyan, yung mga pumisil niyan, ay may pananagutan.
11:54Yun po yung importance nito nangyayari ngayon.
12:00Yung accountability, establishing na hindi tama talaga yan.
12:06Batas na, Korte Suprema na ang nagsalita.
12:09Yung due process, that has to be upheld.
12:12Nabuti nga may due process.
12:15And of course, definitely, I would think na dapat talaga rin may panagot dyan.
12:24Paglilinaw ng Korte Suprema, hindi accountability o pananagutan ang punto ng desisyon nito.
12:29Pero pwede raw kasuhan ng mga mapapatunayang hindi umaksyon ng naayon sa good faith.
12:34The accountability was not an issue in this case, but the court did say that the author, implementer, or perpetrator
12:42of the unprogrammed appropriations that violate the Constitution,
12:48they can be subject to civil, criminal, or administrative liability, provided that they did not act in good faith.
12:55Because if they acted in good faith, then that could be an excuse.
12:58Kung kasama ang Pangulo sa maaring ituring na implementer ng budget na naideklarang unconstitutional, sabi ng Korte Suprema.
13:04We do not know that. I mean, it will depend on the case that's filed and the evidence presented.
13:10But so far, all just the court just said was about whoever implemented it, whoever, who authored it.
13:17Pero si Vice President Sara Duterte naniniwalang dapat managot si Pangulong Bongbong Marcos at mga miyembro ng Kongreso.
13:24Dapat daw sagutin ng Pangulo kung bakit niya nilagdaan ang isang budget na hindi naman tumutugma sa panukalan ng kanyang
13:30administrasyon.
13:32Pinatunayan daw ng desisyon ng Korte Suprema na hindi umano ginagawa ng Bicameral Conference Committee ang trabaho nito.
13:38Pero buwelta ni Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro.
13:42Nabasa at naiintindihan daw ba ng vice ang naging desisyon ng Korte?
13:46Malinaw daw na walang nakalagay sa desisyon ng Korte na may anumang liability o pananagutan ng Pangulo.
13:53Wala namang nilalabag na batas, walang nilalabag na probisyon sa konstitusyon.
13:57Ang administrasyon na ito ay tumutupad lamang sa mga naging proseso na isa na sa adin naman sa batas.
14:06So wala tayo nakikita ang anumang maaari maging pananagutan ng Pangulok.
14:11Inatasan na ng Palasyo ang Office of the Solicitor General na maghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.
14:18Dagdag pa ng Palasyo. Hindi sila sangayon sa ilang mga kondisyong itinakda ng desisyon.
14:22Ginawa nitong inutil at hindi na magagamit ang mekanismong ito para sa mga programa ng pamahalaan.
14:29Kabilang sa tinututulan ng Palasyo ang inilatag na kondisyon ng Korte Suprema na dapat lumagpas muna ang koleksyon ng buwis
14:35at ibang kita ng pamahalaan sa program appropriations bago ito gastusan.
14:40Binabago umano nito ang kondisyong inilatag na ng Kongreso.
14:44Sa ating pananaw ay tahasang pagbabago ng mga kondisyong itinakda ng Kongreso.
14:51Binang sangay ng pamahalaan na naatasan ng ating konstitusyon na bumalangkas ng taonang pambansang budget.
15:01Sabi ng Department of Budget and Management, takikipagunayan na sila sa Office of the Solicitor General at iba pang concerned
15:06officers sa pagre-review ng desisyon.
15:09Ang isa sa mga kumukwestiyon sa Unprogrammed Depropriations so UA sa 2026 Budget na si ML Partylist Rep. Laila de
15:17Lima
15:17nagpasalamat sa paglinaw ng Korte Suprema sa limitasyong itinakda rito ng konstitusyon.
15:23Pagdidein niya, standby funds talaga dapat ito kung kailangan na ekstra pondo at hindi ginagamit na paraan para may pork
15:31barrel na kukuhanan ng pondo.
15:34Nakabantay na rin sa 2027 National Budget ang isa pang petitioner na si Congressman Egeirise.
15:40Partikular o manong tatamaan ng Local Government Support Fund o LGSF na hindi nakadetalye ang pagkakagastusan.
15:46This will touch on the LGSF, yung Local Government Support Fund na pinunduhan ng 62 billion na very wide yung
15:56latitude, yung parameters, tapos slumsang, pagkatapos ay post-enactment, ang identification.
16:07Sa Senado naman, hinihimay na ang panukalang budget para sa susunod na taon.
16:11Ayon kay Finance Committee Chairperson J.B. Ejercito, aarali nilang mabuti ang ruling ng Korte Suprema para sa preparasyon, approval
16:19at implementasyon ng 2027 National Budget.
16:23Tiniyak din ni Senate President Pro Tempore Tito Soto na hindi papayagan sa Senado na magkaroon ng irregularidad o kwestyonabling
16:30items sa pambansang budget.
16:32Well, what we did with the 2026 budget, if you recall, is we made it transparent. At lahat yung mga
16:40sinasabi na hindi pwede, hindi lang ipinayaga.
16:43There are allegations that I heard na mayroong mga ginalaw. And it will fall into the category of what the
16:52Supreme Court is saying. We will not allow it in the Senate.
16:55Ito ang unang balita. Ivan Mayrina, GMA News.
17:00Sinalakay sa pagdinig sa Senado ang pagdami ng mga peking persons with disability ID sa bansa.
17:06Ay kay Sen. Rafi Tulfo, umabot na yan sa 6 na milyon.
17:10Bilyong piso raw ang nawawala sa mga negosyo pati sa kita sa buwis sa gobyerno.
17:15May unang balita si Mark Gonzalez.
17:21Noong 2023, kumuha ng PWD ID si Mark, hindi niya tunay na pangalan, para makakuha ng discount sa gym kasama
17:28ng mga kaibigan niya.
17:29Sabi nila, try mo pre kasi meron kang salamin. Basta magpaano ka lang doon sa doktor ng taglito, certification.
17:40Pumunta ko doon sa LGU namin. Ang pinakita ko lang yung doctor certification.
17:46Tapos parang wala pang 3 minutes in-issue na yung ID sa akin. Parang ganun lang siya kadali.
17:53Tapos, ayun, parang yung sabi din kasi nung kaibigan ko na yung misis niya doon nagtatrabaho sa City Hall namin.
18:04Ginagawa nila yun kasi pinapatas nila yung utilization kasi unti lang daw yung kumukuha ng PWD ID.
18:09So medyo nagluluwag sila. So ganun ko nakuha yung PWD ID ko.
18:13Sa medical certificate na in-issue ng doktor, nakasulat daw na wala siyang nakikita pag walang salamin.
18:19Totoo naman daw ito, pero hindi pa rin siya pasok sa legally blind na kwalipikado kumuha ng PWD ID.
18:26Sa pagdinig ng panukalang 2027 budget ng Department of Social Welfare and Development,
18:31isiniwala ni Sen. Rafi Tulfo na 6 na milyon sa 8 milyong PWD ID sa bansa ang peke.
18:37Kaya dapat daw linawin kung ano ang requirements para makatanggap ng PWD ID at anong kapansanan lang ang sakop nito.
18:45Halos lahat mga kilala ko na may PWD ID na lalaki ng katawan, nakalagay doon psychosocial.
18:53Meron pa nga sabi ko, ba't ka merong PWD ID? Kasi may sinusitis ako eh.
18:58At binigyan ng doktor. Meron pa ako alam, basketballista.
19:02Mga basketball player, Madam Chair, medyo na balian lang.
19:07Pupunta ng hospital. O, pera ng doktor. Gusto mo, bigyan kita ang PWD ID. Sige, bigyan.
19:11And then permanently, permanent na yung PWD ID. Naabuso po yung PWD ID at ang kawawa po dito yung mga
19:20maliliit na tindahan, restaurant.
19:23Base anya sa report ng Department of Justice, aabot sa 88 billion pesos ang nawawalang kita sa buwis
19:29at 166 billion sa kita ng business establishments, particular ng mga restaurant.
19:34Nag-umpis sa ito, after the pandemic, mapapansin po namin na merong isang buong pamilya, yung tatay, yung nanay, yung
19:42mga anak.
19:43Ultimo yung kasama pa yung yaya na nagbibigay ng PWD ID.
19:50Sa mga conversations namin with NCBA, with DOH, and sa mga nakita namin online, napakadali po kasi na bumili ng
19:58PWD online na peke.
20:01Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, meron na sana silang unified PWD ID system.
20:08Pero ang problema, hindi sila pwede mag-issue ng PWD ID patay sa kasalukuyang implementing rules and regulations.
20:151,500 distinct designs of IDs, 1,500 issuing agents or LGUs, and 1,500 signatures ng mga ibang-ibang
20:26nag-i-issue.
20:27Wala ko kami doon. So meaning, our solution was ready, but the problem is we had to work on the
20:33reform muna nung what the set up, the current status quo.
20:37Sa susunod na dalawang linggo ay pipirma na ang DSWD, DOF, at DOH ng revised IRR para masolusyonan ito.
20:45Kung gagamitin ang unified ID ng DSWD, QR code na lang at wala ng physical ID.
20:51Scan lang ng establishment, no new requirements, cellphone lang nila, pwede na. Nakapigibak rin siya sa e-gov.
20:58Para naman sa mga walang cellphone, pwede raw itong iprint ng LGU para sa kanila.
21:03Tinutugunan na rin daw ng ahensya kung paano nakakakuha ng pecking ID.
21:07Gaya na lang ng DOH administrative order na nagtatakda kung anong klaseng doktor lang ang pwedeng mag-issue ng partikularan
21:14na PWD ID.
21:15Ito ang unang balita. Mav Gonzalez, GMA News.
21:20Nakapagtala po ng pagtaas sa mga kaso ng influenza-like illness sa nakalipas na dalawang linggo ang Epidemiology Bureau ng
21:30Department of Health.
21:31At inaasahan po natataas pa ang bilang na ito habang papalapit ang holidays pero wala naman daw pong dapat ikabahala.
21:38Narito po ang aking unang balita.
21:45Alalang-alala si Mommy Rhea nang biglang makaranas ng hingal at hirap sa paghinga ang pitong buwang gulang niyang sanggol
21:52na si Baby Guia.
21:53Kaya agad niya itinakbo sa Philippine Children's Medical Center.
21:56Hiningal po siya tapos may retraction siya. Kaya naisipan namin na ipacheck up na lang siya.
22:04Yung impression po is pneumonia sa viral po. Siguro sa mga nakasalamuan ng baby ko na siguro may trangkaso, parang
22:14ganun, eh nahawa siya.
22:15May influenza-like illness na pala si Baby Guia na usong-uso sa mga panahon ito.
22:21Sabi ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, nakapagtala na sila ng 10,269 na kaso ng influenza-like illness
22:28sa nakalipas na dalawang linggo.
22:30Mas mataas ng 16% kumpara sa 8,853 na kasong naitala mula August 30 hanggang September 12.
22:37Yung pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness na naitatalaan natin ay actually expected natin.
22:47Dahil nakikita natin base sa historical data na kapag nagsimula na yung pag-uulan, tapos patungo na tayo sa malamig
22:55na panahon,
22:56meron talaga tayong ine-expect na pagtaas ng mga kaso.
23:00Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ay sa Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.
23:08Maging ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng influenza-like illness.
23:15Umabot na sa 1,578 ang kanilang kaso mula January 1 hanggang October 15, 2026.
23:21Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, tumaas na 13% ang mga kaso noong September 27 hanggang October
23:3010 sa 221 mula sa 195 na kaso sa naon ng dalawang linggo.
23:35Sa Philippine Children's Medical Center, ramdam ang pagtaas na ito.
23:39For the past two weeks, we have been getting patients na may influenza-like symptoms like fever, cough and colds.
23:46Pag hindi natin nababakunahan yung mga bata, mas prone din sila na magkaroon ng flu.
23:52And pag kunyari may isang bata ka na nagkaroon ng flu, ang bilis kasi niyan maghawa-hawa.
23:57Ang influenza-like illness ay isang syndrome o pangkat na mga sintomas gaya ng lagnat na may kasamang ubo at
24:03sipon.
24:04Inaasahan posibleng tumaas parao ang mga kaso sa papalapit na holidays.
24:07Pero wala naman daw dapat ikabahala.
24:10Nakikita din natin na yung pagtaas ay within the expected numbers pa rin.
24:14Wala tayong tinatawag na mga alert or epidemic threshold na nabibreach sa ngayon.
24:22Para makaiwas sa sakit, payo ng mga doktor, laging maghugas ng kamay.
24:27Magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing.
24:30Panatilihing maayos ang ventilation, magmask at magpakonsulta na rin daw agad sa doktor
24:36kapag may maranasang sintomas.
24:38Ito ang unang balita.
24:40Marise O'Malley, GMA News.
24:48Ni-reveal na ang mystery sa teaser poster ng The King and Queen Are Back.
24:55Babalik man, dapat ang babalikan, yung kasama mo yung hari.
25:01The King and Queen Are Back.
25:05OMG! May reunion si na King of Talk Boy Abunda at Queen of All Media, Chris Aquino.
25:11Ang grand reveal na yan in-announce sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda kahapon.
25:15Special guest si Chris para sa birthday special episode ni Boy na papapanood sa October 28 and 29.
25:22She spoke about her health.
25:24We even talked about money.
25:26She talked about how generous, how pure Josh is.
25:34She spoke about how BIMB stayed with her in this journey.
25:46Wasa
25:47with
25:47Steve
25:47McTier
Comments

Recommended