Skip to playerSkip to main content
  • 6 minutes ago
Malacañang, tiniyak na nakaantabay ang pamahalaan para tumugon sa pangangailangan ng mga maapektuhan ng bagyo | Ulat ni Floyd Brenz

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00I'm sorry.
00:02Ang Pangulo naman, sabi nga natin, ang bagyo ay lagi naman tayong binibisita ng malalakas na bagyo.
00:10Ang DSWD, ang DPWH, ang DNR, lahat ng ahensyang concern, pati po ang DOH,
00:22handa po sila sa mga ganitong mga kondisyon at sitwasyon.
00:27Yan ang mensahe ng Malacanang matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Rosal.
00:35Tiniyak ng Malacanang na nakaantabay ang pamahalaan para tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
00:42Samantala, itinaas na ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang Blue Alert Status bilang paghahanda sa nasabing bagyo.
00:52Layon nito na makapaghanda ng puspusa ng probinsya sa inaasahang epekto ng sakuna.
00:58Sa katunayan, una nang nagpulong ang PDRRMO para tukuyin ang mga kagamitan, tauhan at relief items na kakailanganin.
01:07Maagang naghanda ang Ivana Police Station sa Batanes para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa Bagyong Rosal.
01:15Katuwang ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, lokal na pamahalaan at mga residente,
01:21inilikas sa mas ligtas na lugar ang mga bangka at kagamitan ng mga mangiisda para maiwasan ang pinsala sa kanilang
01:29kabuhayan.
01:30Tiniyak ng Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon na handa ang kanilang mga rescue equipment para sa posibleng epekto ng
01:38Super Typhoon.
01:39Nagsagawa ang Coast Guard ng static display at readiness inspection para matiyak na nasa maayos na kondisyon at magagamit agad
01:48ang mga rescue equipment.
01:50Itinaas na rin ng Aurora Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang blue alert status.
01:56Nagkaisa naman ang Philippine Coast Guard, mga guro at magulang ng Kalayan Central School sa Kagayan sa paghahanda ng mga
02:04silid-aralan at pasilidad.
02:06Binabantayan ng Philippine Ports Authority o PPA ang ilang pantalan sa Bicol Region matapos makansela ang mga biyahe sa Legaspis
02:16City at mas batid dahil sa bagyo.
02:18Sinabi ni PPA spokesperson Yunis Samonte na nakahanda na ang mga ready-to-eat meals sa bawat pantalan bilang agarang
02:26tulong sa mga maapektuhan ng cancelled trips.
02:29Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kahandaan nito sa Bagyong Rosal.
02:37Ayon kay DSWD Spokesperson Assistance Secretary Irene Dumlao, nakahanda na rin ang mga evacuation centers ng mga local government unit
02:46at maging ang kanilang quick response team.
02:49Bilang augmentation support, may nakastandby din umanong pondo ang mga regyon at LGUs.
02:55Para sa mga kababayan nating posibleng maapektuhan ng Super Typhoon Rosal,
03:00pinaaalalahanan ang publiko na lumikas sa mga itinalagang evacuation center,
03:04lalo na ang mga nakatira sa mga baybayin at lugar na posibleng bumaha o magkaroon ng pagguho ng lupa.
03:11Maghanda rin ng emergency go bag na may laman na pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.
03:18Floyd Brands, para sa bayan.

Recommended