Skip to playerSkip to main content
Malaking hamon na nga ang pagkakaroon ng anak o kamag-anak na may special needs, dagdag kalbaryo pa ang mahabang pila sa mga Developmental Behavioral Pediatricians o Dev Ped.

Ngayong 2026, mayroon lang 122 board-certified Dev Peds sa buong bansa. Pero patuloy raw na gumagawa ng hakbang ang Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics para matugunan ang shortage.

Ano nga ba ang sanhi nito?

Alamin sa report ni Vonne Aquino.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inula ng kritisismo at mga negatibong komento ang isang podcast.
00:04Matapos nilang gawing paksa ng kanilang biro ang kondisyon ng panganay na anak ni Chris Aquino na si Josh na
00:10may developmental disability.
00:13Pinagbabawal ang public ridicule o yung ginagawang katatawanan ang disability ng isang tao
00:18na posibleng makapag-intimidate sa kanila o maging dahilan para mawalan sila ng kumpiyansa sa sarili.
00:29Nag-issue ng public apology ang mga host ng nasabing podcast.
00:33Hindi lang sa pamilya Aquino, kundi maging sa pamilya ng mga batang may special needs at mga individual na may
00:40disability.
00:43Batay sa mga dating interview ni Chris, ang panganay niyang anak na si Josh ay may autism spectrum disorder o
00:50ASD.
00:52Isa itong panghabang buhay na neurodevelopmental condition na nakaka-apekto sa behavior
00:57at kakayanan ng isang tao na makipag-communicate at gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad.
01:03Ayon sa Autism Society Philippines, as of January 2025, isa sa bawat isang daang Pilipino ang may ASD.
01:11Katumbas ito ng mahigit isang milyong Pilipino.
01:15Batay naman sa datos ng The Second Congressional Commission on Education o EDCOM-2,
01:20may mahigit limang milyong batang may disabilities sa Pilipinas as of 2025.
01:27Pusibling mas malaki pa raw ang aktual na bilang ng mga may disabilities
01:31dahil hindi lahat ay nadadiagnose ng developmental pediatricians.
01:37Ayon sa Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics, as of October 2026,
01:44mayroong 122 board-certified developmental pediatricians sa buong bansa.
01:50Kulang na kulang ito sa bilang ng mga batang may disabilities sa bansa.
01:57Bakit nga ba kulang ang developmental pediatricians sa Pilipinas?
02:06Ang Developmental Behavioral Pediatrician o DevPed ay isang board-certified na doktor
02:11na nag-specialize sa pag-evaluate, pag-diagnose ng mga pasyenteng may developmental delay
02:16gaya ng mga batang late nagsasalita.
02:19Developmental Disabilities gaya ng Otisim at Cerebral Palsy.
02:24Learning Disorders gaya ng Dyslexia.
02:28Attention at Behavioral Issues gaya ng ADHD.
02:32Magin yung may mga regulatory at habit disorders gaya ng hirap sa pagkain o pagtulog.
02:37Ang mga DevPed ang nagbibigay ng tiyak na diagnosis para maibigay sa isang pasyente
02:42ang kinakailangan niyang intervention.
02:45Gaya halimbawa ng occupational therapy at speech therapy.
02:49Pero hindi basta-basta ang pag-aaral at training na daraanan ng isang doktor
02:53bago maging isang DevPed.
02:55Matapos ang apat na taong pre-medical course,
02:58labing isang taon na pag-aaral pa ang gugubulin para dito.
03:01After a pre-medical course, you have to go into medicine
03:06where inclusive of the internship,
03:10that will be about five years worth of studying.
03:13And then after that,
03:14you go into the residency training program of pediatrics,
03:18which is required prior to even becoming a specialist in developmental pediatrics.
03:24So that will take about three years.
03:26And then it will be another three years
03:29for a developmental and behavioral pediatrician
03:33to be trained and mentored.
03:36Ang developmental and behavioral pediatrics
03:39sa isang subspecialization
03:40nagagawin pagkatapos ng residency.
03:43Ayon sa PSDBP,
03:46sa pag-recruit pa lang ng mga doktor
03:47na gustong sumabak sa pediatrics residency training program,
03:51panirapan na.
03:52Paano pa raw kaya ang recruitment
03:54na mga gusto pang ituloy ang pag-aaral
03:56para sa subspecialty?
03:57If there are less graduates
04:00from the pediatric residency program,
04:02therefore, there will also be a lesser number
04:06who might want to subspecialize
04:08not only in developmental pediatrics,
04:10but also in the other subspecialties.
04:12When we choose the fellows
04:14who are applying to train
04:16for developmental pediatrics,
04:19not only do we look at their capability,
04:23but also, you know, of course,
04:25where they will practice
04:26and then their passion
04:29and their determination
04:30to really serve the patients
04:33that we cater to
04:34in developmental and behavioral pediatrics.
04:37Limitado rin ang SLUD
04:39para sa training program
04:40dahil kailangan nilang sundin
04:42ang ratio
04:42na isang trainer
04:44sa kada dalawang trainee.
04:46At kung limitado ang bilang
04:48ng board-certified devpeds,
04:50limitado rin ang pwedeng mag-train
04:52pati na ang kanilang resources.
04:54Pero tuloy ang pagsisikap
04:56ng PSDBP
04:58para matugunan ang shortage
04:59ng devpeds sa Pilipinas.
05:02Mula sa dating dalawa,
05:04naging lima na
05:05ang kanilang training institutions
05:07kung saan sinasanay
05:09ang dalawa hanggang tatlong trainees
05:10per year level.
05:13Maximum ng nine trainees
05:15ang kayang i-accommodate
05:16ng bawat institusyon
05:17para sa buong training program.
05:21Meron na rin 203
05:22na government
05:23at private facilities
05:24station-wide
05:25kung saan pwedeng kumonsulta
05:27ang mga pasyente
05:28sa mga devped
05:29at makakuha
05:30ng therapy sessions.
05:33Tuloy rin ang koordinasyon
05:35ng PSDBP
05:36sa DepEd,
05:37Edcom2
05:37at iba pang ahensya
05:38ng gobyerno
05:39para sa mga hakbang
05:41natutugon
05:41sa kakulangan ng devped
05:43sa bansa
05:43at sa mga problemang
05:45kaakibat nito.
05:46We are also
05:47working towards
05:49the possibility
05:50of frontliners,
05:53medical frontliners
05:54so meaning
05:54general pediatricians,
05:57maybe family practitioners,
05:58family medical practitioners
06:00in the front line
06:01to be able to do
06:02developmental screening.
06:04Maybe not give a diagnosis,
06:06but be able
06:07to evaluate
06:08what the current needs
06:10are of the child
06:11so that
06:12we can already
06:13start intervening.
06:15Be that
06:16in terms of
06:17therapy,
06:18occupational therapy
06:20or speech therapy
06:20or inclusion
06:21in an educational program.
06:23Ang sinasabi
06:24ng PSDBP,
06:25bagaman mahalaga
06:26ang formal diagnosis,
06:28pwede nang ipasok
06:29sa therapy
06:29ang mga batang
06:30may senyales
06:31ng developmental disability
06:33habang hinihintay
06:34ang konsultasyon nila
06:35sa depped.
06:36Umaapila rin sila
06:37ng pagunawa
06:38at pagtanggap
06:39sa publiko
06:39sa mga individual
06:41na may special needs.
06:42Iba man ang kanilang
06:43mga kakayanan
06:44at abilidad,
06:45deserving sila
06:46ng respeto
06:47at pagmamahal
06:48mula sa komunidad.
06:49Ako po si Bon Aquino
06:51para sa GME News.

Recommended