00:00Umabot na sa ilang bahay ang paghampas ng malalaking alon sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Rosal.
00:07Sa Batanes, mahigit sang daang pasahero ang stranded dahil isinara ang airport.
00:12At nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:20Ramdam ang bagsik ng Bagyong Rosal sa Batanes.
00:24Umaabot ang paghampas ng malalakas at naglalakihang alon sa mga kubo sa gilid ng Dalampasigan.
00:32Ganyan din sa Basco Port.
00:35Pansamantala rin munang isinara ang Basco Airport.
00:39Stranded doon ang mahigit isan daang pasahero.
00:42May mga nagtumbahan ng puno na humambalang sa mga kalsada.
00:48Pati ilang taniman pinadapa.
00:51Sa Mavatoy Road, nagkaroon ng rock slide.
00:55Agad namang nagsagawa ng clearing operations.
00:59Nagkaroon din ang rock slide sa ilang lugar sa bayan ng Saptang.
01:07Apektado rin ng bagyo ang power supply sa Batan Island dahil sa line fault ng Batanelco.
01:13Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang repair at restoration sa ngayon.
01:18Sa Ilocos Norte, may mga residente rin naapektuhan ng storm surge.
01:24Dahil sa mga naglalakihang alon sa Dalampasigan ng Pagudput, umabot na ang tubig sa kalsada at ilang kabahayan.
01:32May ilan ding nasiram bangka.
01:35May mga bahay rin pinasok ng tubig sa Apari, Cagayan dahil sa malalakas na alon.
01:43Ramdam din ang malakas na hangin at hampas ng alon sa probinsya ng Aurora, dulot ng Bagyong Rosal.
01:50Batay sa huling ulat ng pag-asa, humina at posible ng lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Rosal
01:59bukas ng umaga.
02:01Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.