00:03Makakamenos na sa gastusin sa erigasyon ng tubig ang magsasakang si Timong.
00:07Dahil sa mahal na gasolina, bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa gitnang silangan,
00:11malaking ginhawa niya para sa kanila ang mga alternatibong mapagkukuhanan ng enerhiya
00:16para na rin sa kanilang mga makina sa pagsasaka.
00:19Napakalakas ang tulong nitong solar system dito.
00:22Dahil dati, nung wala pa itong solar,
00:25yung ginagamit namin, nakukay kami ng baka ng tubig at saka ginagawang at pinapanan ng water pump para isupply sa
00:33palayan.
00:33Mismo ang presidente rin ng Tonay Solar Irrigators Association na si Judith Nahinerio
00:38aminadong magandang maidudulot sa kanila ng malaking pagbabago sa sistema sa kanilang erigasyon.
00:45Malaking tipid kasi anya kung gagamitin ang sikat ng araw sa patubig
00:49imbes na bumili ng mahal na petrolyo para sa mga makina sa pagtatanim ng palay.
00:54Pasi dati, kung minsan lalo na pag tuloy-tuloy ang init,
00:59ang ano namin, ang tanim namin, kung minsan hindi maganda ang bunga.
01:05Pero ngayon na may solar na, mamaintain na ang tubig at maganda na ang tuloy-tuloy ang pag-grow sa
01:14taniman namin.
01:15Positibo rin ang naging pagtingin dito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:20matapos inspeksyonin ang solar-powered pump irrigation project sa Kananga, Leyte.
01:25Higit isandang ektare ang sakahan kasi sa barangay Tugbong at Santuninyo sa Kananga
01:29ang makikinabang sa irrigation system.
01:32Mabe-benepisyohan dito ang higit anim na pong magsasaka,
01:35lalo na ngayong may banta ng matinding tagtuyo to strong el ninyo.
01:39Malaki ang nagiging savings ng ating mga magsasaka.
01:44Kaya patuloy natin ginagawa ito, lalong-lalo na ngayon, naging mahalaga ito.
01:48Ito'y programa na nagsimula ito 2022 pa.
01:52Kung pag-upo ko, ay kaagad ay sinabi ko napakahalagaan itong problema nga ito.
01:58Kailangan talaga natin tutukan itong problema nga ito.
02:0191.5 milyon pesos ang inilagak na pondo ng gobyerno sa proyekto
02:06at target ding mapalawig pa ito sa ngala ng lokal na produksyon.
02:11Bayan, makikita ninyo rito sa aking likuran
02:13yung malawak na ilog na pinagbumulan ng supply ng tubig
02:18na naipararating sa mga sakahan dito sa may Kananga.
02:21At gagana yung solar pump irrigation system.
02:24Sa paumagitan nito, aakyat yan doon sa may apat na tubo
02:28hanggang makarating doon sa solar powered na irrigation
02:32hanggang sa madistribute na siya sa dalawang barangay.
02:35Tulad ng barangay Santo Niño at dito sa barangay Tugbong sa Kananga sa Leyte.
02:41At inilang dito, meron ang irrigation system.
02:43Sa katunayan, isinusulong yung ganitong klase ng proyekto
02:46para makatulong sa mga magsasaka sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:51Bahagi ang solar powered irrigation
02:53sa isinusulong ng National Irrigation Administration o NIA
02:57tungo sa mas matitid at modernong patubig gamit ang renewable energy.
03:01Ayon kay NIA Administrator Eddie Gullien,
03:04hangad ng gobyerno na mas mapalakas ang agrikultura sa bansa
03:07sa pumamagitan ng mga makabagong teknolohiya.
03:11Ang proyekto nito ay bahagi ng marami ng nahihatid na proyekto
03:15na patubig para po sa buong bansa
03:17upang higit na mayahanda ang ating mga sistema
03:21sa tagtuyot at ipapanghamon ng climate change.
03:24Umaasa naman ang mga magsasaka na ipagpapatuloy ng pamahalaan
03:29ang mga ganitong inisyatiba,
03:30hindi lang para mabawasan ang kanilang gastusin,
03:33kundi para na rin matiyak ang sapat na suplay ng tubig
03:36sa kanilang mga taniman.
03:39Mula rito sa Kananggalite,
03:42Shilan Natividad, para sa bayan.