00:00Umuwi sa Pilipina, sangkaunahang Asyano at Pilipinong hinirang na Dean of College of Cardinals ng Simbahang Katolika, si Cardinal Luis
00:10Antonio Tagle.
00:12Nagmisa pa si Cardinal Tagle sa kanyang hometown na Imus Cavite. Nakatutok si Maris Umari.
00:22Doble ang selebrasyon ng parokya ng San Roque rito sa Imus Cavite.
00:26Bukod kasi sa idineklara ng isang parokya ngayong araw, ang dating maliit at payak nilang kapilya,
00:31mismong si His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle ang nanguna sa kanilang misa ng pasasalamat.
00:37Espesyal yan dahil hindi lang laking imo si Cardinal Tagle, kundi sampung taong naging obispo ng Diyosisis.
00:44Ito ang kauna-unahang pagkakataong bumalik sa bansa at sa sariling bayan ng Cardinal
00:48mula ng mahirang na Dean of College of Cardinals na mga kapwa Cardinal Bishops nito October 8
00:54at inaprubahan sa mismong araw ni Pope Leo XIV.
00:58Siya ang kauna-unahang asyano at Pilipino na maluklok sa posisyong ito,
01:02habang patuloy na ginagampana ng pagiging pro-prefect ng Section for First Evangelization
01:07and New Particular Churches within the Dicastery for Evangelization.
01:11Bagamat ang kanyang homily ay binanggit sa misa sa parokya ng San Roque,
01:15ito rin daw ang mensaheng nais niyang iparating sa buong sambayanang Pilipino.
01:20Biruin nyo ngayon, parokya na ang ating sambayanan.
01:25At natutuwa po ako dahil dito sa atin, gumagawa ng bagong parokya.
01:35Sa ibang bahagi ng mundo, nagsasara ng parokya.
01:42Alam nyo kung bakit sinasara yung ibang parokya,
01:45wala na kasing pinagpasahan ng pananampalataya.
01:52Para raw may pagpatuloy ito, tatlong bagay ang dapat gawin gaya ang ginawa ng patrong si San Roque.
01:56Una, sa salita ng Diyos.
02:02Salita ng Diyos na pinahahayag, pinakikinggan, tinatanggap, sinasapuso, sinasabuhay.
02:13Ang ikalawa po ay ang mga sakramento, lalo na ang Eukaristiya, ang misa.
02:22Patuloy na pinadadaloy ng Panginoon ang kanyang biyaya sa bawat yugto ng ating buhay,
02:33paglilingkod ng may pag-ibig.
02:37Mananatili ang Kardinal dito sa Pilipinas hanggang ngayong linggo lamang
02:40bago pumunta sa susunod niyang misyon sa Macau.
02:43Maris Umali, Nakatutok, 24 Horas.
02:45Maris Umali, Nakatutok, 24 Horas.