00:00.
00:02Patuloy na ipinagluluksa ng Philippine Air Force o PAF ang apat na pilotong nasawi sa salpukan ng dalawang SF-260
00:11aircraft sa gitna ng training flight sa Lipa City, Batangas.
00:16Nakaburol sila ngayon sa Fernando Air Base sa Batangas at Villamore Air Base sa Pasay City.
00:23Bumisita rito si PAF Commanding General Lieutenant General Arthur Cordura at tiniyak niya ang suporta sa mga naulilang pamilya ng
00:33mga nasawing piloto.
00:35Base sa hiling na privacy ng pamilya, hindi isinapubliko ng PAF ang kanilang pagkakilanlan.
00:42Pasado alas 3 ng hapon noong biyernes nang magsalpukan ang dalawang SF-260 aircraft habang nasa himpapawid.
00:50Wala namang nadamay sa base perimeter kung saan bumagsak ang mga naturang eroplano.
00:56Sa kabila ng insidente, may mga hindi magagandang komento sa social media na kinondina ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
01:07Nakalulungkot na meron pang mga sarcastic and inhuman comments na nakatalagado.
01:16Ito ay unacceptable talaga at ito ay sampal mismo sa sakripisyo na ginagawa ng sandatahang lakas.
01:27At meron pang nagmamagaling na sinasabi ang lawak-lawak ng himpapawid, nagbanggaan pa daw.
01:35Dagdag ng kalihim, hindi tamang iugnay ang aksidente sa girian ngayon ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
01:44Unang-una, hindi natin ginagera yung China. Mali na yun. Kamangmangan na yun.
01:49Yun nga lang, tumatayo tayo para sa dignidad at para sa teritoryo ng Pilipinas.
01:57Pangalawa, sa kabila ng sakripisyo nitong mga batang ito, ganyan pa ang maririnig mo.
02:05Ito na nga, nagsisilbi. Pwede naman pumunta sa airline itong mga batang ito eh.
02:10Pero nag-decide ito na magsakripisyo, ganoon pa naman ang comments.
02:16Ito ay katriduran na rin sa Republika ng Pilipinas.
02:21At hindi ka rapat-dapat tawagin na Pilipino ang mga nagsasalita na ganito.
02:25Nanawagan din ang Philippine Air Force Flying School Alumni Association Incorporated sa publiko
02:32na iwasan ang premature judgment at pagpapakalat ng maling impormasyon.
02:38Iginiit ng grupo na dapat kilalanin ang sakripisyo ng mga nasawing piloto
02:44at irespeto ang pagluluksa ng kanilang pamilya.
02:48Nagpapatuloy ang investigasyon ng Philippine Air Force kaugnay ng insidente
02:54kung saan pansamantalang grounded o hindi muna pinapalipad
02:59ang lahat ng SF-260 aircraft bilang bahagi ng precautionary measures.
03:05Ito ang ikalawang aksidenteng sangkot ang SF-260 aircraft ngayong taon.
03:11Noong Mayo, dalawang piloto ang patay nang bumagsak ang kaparehong modelo ng eroplano sa Tuba Benguet.
03:19Patrick De Jesus para sa Bayan.