00:00May nalunod na naman sa Baseco Beach sa Maynila.
00:04Isang grade 2 student niya na hindi raw alam ng mga magulang
00:08na naligo pala doon kasama ng kanyang mga kaibigan.
00:12Nakatutok si Jomer Apresto.
00:19Wala ng buhay na matagpuan ng mautroyedad ng grade 2 student na si Jamrik Ashpanis
00:23sa dagat ng Baseco sa Maynila, pasado alas 8 kagabi.
00:26Ang walong taong gulang na biktima, nalunod daw matapos mapunta sa malalim na parte ng dagat
00:31habang naliligo ayon sa barangay.
00:33Pasado alas 5 na raw ng hapon ang lumapit sa barangay ang magulang ng bata
00:37para ipaalam na nawawala ang kanilang anak.
00:39Nagsagawa ng search and rescue operation sa dagat ang Philippine Coast Guard, BFP, MPD at barangay.
00:44Gumamit ng drone sa mga otroyedad na kayang magdetect ang body heat sa dagat.
00:48Yung Philippine Coast Guard naman po, nagconduct na po sila ng dive dun sa area.
00:56Then, dun po sa malalim na park is may barko po kasi dun na hinukay.
01:03So, malalim na area po talaga siya kung saan nakita po yung bata.
01:08Sa kwento ng nanay ng bata, pasado alas 11 ng umaga kahapon
01:11nang umuwi si Jamrik galing sa eskwelahan.
01:13Dumiretsyo raw ito sa computer shop para maglaro.
01:16Pero hindi alam ng mga magulang ng biktima na naligo pala sa dagat ang bata
01:19kasamang ilang kaibigan at nalunod na.
01:21Hindi nila sinabi. Tapos, inutusan niya yung mga batang kasama niya
01:26na bukas na lang daw sabihin sa amin.
01:29Tapos, tinago nila yung damit.
01:31Ngayon, yung bata na hinahanap namin, wala dyan.
01:34Yung 12 years old.
01:36Kung nagsumigaw sana sila, maraming tao po sa dagat na naliligo.
01:40I-imbestigahan naman daw ng polisya ang sinabing ito ng nanay ng biktima.
01:43Malalim na investigasyon ang kailangan natin dyan.
01:45Actually, yung kaso ay inakyat na yung investigation sa homicide.
01:51Dinala na sa punerarya si Jamrick at nakatakdang iburol ngayong araw.
01:54Una namang sinabi ng barangay at polisya na matagal lang ipinagbabawal
01:57ang pagligo sa dagat ng Baseko.
01:59Dahil dito, muli silang nakiusap sa mga magulang na bantayang maigi ang kanila mga anak
02:03upang hindi na maulit pa ang nangyaring insidente.
02:06Noong nakarang Agosto, matatandaan na isang labing tatlong taong lalaki naman
02:10ang namatay matapos malunod habang naliligo rin sa dagat ng Baseko.
02:14Jomer Apresto, Nakatutok, 24 Oras.
02:20Jomer Apresto