00:00Formal na nagpalitan ng pwesto kahapon si na-Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez.
00:07Sa pag-alis ni Dizon sa Department of Public Works and Highways, kabilang sa mga dokumentong iniwan niya kay Lopez,
00:13ang listahan ng mga dapat daw si Bakin sa kagawaran.
00:17May unang balita si Ian Cruz.
00:23Sa kanilang palitan ng pwesto, makapal na mga envelope na may markang sikret ang itinurn over ni Outgoing Department of
00:32Public Works and Highways
00:33o DPWH Secretary Vince Dizon kay incoming Secretary Giovanni Lopez.
00:38Kita niyo to? Ito ipapasa ko kay SECB ngayon. Imbes na flag, ito ipapasa ko sa kanya.
00:45SECB, ikaw nang baga sa mga yan.
00:48Ang laman ay mga dokumentong may kinalaman sa mga taga-DPWH na maaaring si Bakin ayon kay Dizon.
00:56Pabalik si Dizon sa pagka-Secretary ng Department of Transportation na siyang iiwang pwesto ni Lopez.
01:03Tanggalin mga gato yung mga yan. Sorry, ganun talaga eh.
01:06We have to get rid of the rotten apples and protect the good ones.
01:09Hindi po magagawa ng kahit na sinong magaling na kalihim kung hindi po kasama ang buong kagawaran.
01:18Ito po ay mas importante sa mga tao o sa mga kawani ng kagawaran na talaga pong matagal na po
01:26nagtrabaho sa DPWH.
01:29Sana po magtulungan tayo na manumbalik po yung pagtitiwala ng taong bayan sa DPWH.
01:37Bago umalis si Dizon sa DPWH, ay may walumpong empleyado nito ang sinibak na sa pwesto.
01:44Tatlumpot siyam na kaso naman ang isinampa kognay ng flood control scam.
01:48Habang mahigit sandaan ang inireklamo sa ombudsman o sa Department of Justice.
01:53Dalawampong kontraktor din ang blacklisted habang siyam ang suspended.
01:58Pero tapos na ba tayo? Hindi pa. Magayaw pa. Madami pang dapat panagutin.
02:03Pero tingin ko wag ang makakasabi na hindi tinupad ng Pangulo ang kanyang pangako last year
02:08nung sinabi niyang mahiya naman tayo lahat sa nangyari.
02:11Maayos na pagpapatupad ng proyekto ang ipinakong itutuloy ng incoming public works secretary
02:18mula pa lang sa paghahanda ng budget.
02:20Ang mga reforma ang dyan na ho.
02:23Ang gagawin lang po natin ngayon ay araw-araw, araw-araw na gagawin nating tama ang proseso.
02:33Reaksyon ng dalawa sa palitan nila sa huling dalawampung buwan sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:39Parang coach eh, di ba? Alam niya kung kailan ipapasok yung mga player, kung para saan, anong role.
02:45Surpresa ako but I did not ask why.
02:49Samantala, pinatututukan naman ni Lopez kay Dizon ang 2027 budget ng transportasyon
02:54para umabot sa mga target date ang mga big ticket projects kabilang ang MRT 7 at Metro Manila Subway.
03:03Sa pagbabalik ni Sekretary Vince Dizon sa Department of Transportation,
03:08isa sa kanyang mga tututukan ang pagpapabuti ng kondisyon ng mga commuters sa mga pampublikong sasakyan.
03:15Ang sabi sa akin ng Pangulo, yung hirap ng pagbabiyahe, pag-commute, kailangan ayusin niyan.
03:23Ito ang unang balita, Ian Cruz, GMA News.