00:00Kinwestiyon ang kampo ni Sen. Bato de la Rosa sa Korte Suprema
00:04ang batayan ng pag-aalok ng 50 milyong pisong pabuya para ma-aresto siya.
00:11Ang hiling nito, pigilan ang pagpapatupad ng reward.
00:15Nakatutok si Chino Gaston.
00:20Muling dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni Sen. Bato de la Rosa
00:24sa gitna ng mga hakbang ng gobyerno para sa kanyang pag-aaresto.
00:28Sa isang manifestation, humingi sila ng temporary restraining order
00:32para pigilan muna ang pagpapatupad ng 50 milyong pisong pabuya
00:37na inaalok ng DILG at PNP.
00:40Kinikwestiyon ng kampo ni de la Rosa ang mga legal na batayan ng pabuya,
00:43pati mga hakbang para arestuhin siya dahil wala umanong warrant of arrest
00:47laban sa Sen. mula sa isang korte sa Pilipinas.
00:51Matatanda ang nagsimulang magtago ang Sen. nang subukan siyang arestuhin noong Mayo
00:55sa visa ng arest warrant mula sa International Criminal Court
00:58bilang indirect co-perpetrator sa kasong Crimes Against Humanity
01:03ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:05Hiling ngayon ni de la Rosa ang agarang pagresolba sa kanyang motion for reconsideration
01:10para baliktarin ang pagbasura ng Supreme Court sa hiling na pigilan ang kanyang pag-aresto.
01:16Katwira ng mga abogado ni de la Rosa, lalong nalagay ngayon sa panganib ang Senador.
01:21Bukod sa 50 milyong pisong bounty, binanggit nila ang pagturing sa kanyang armed and dangerous
01:27pati ang pagbigay ng isang linggong palugit ng PNP para sumuko si de la Rosa.
01:33Matatapos ito sa biyernes at 30 ng Oktubre.
01:36Sa ngayon, hindi pa raw nagpaparamdam si de la Rosa ayon sa PNP.
01:40Wala pa rin pong feelers. Ang kagustuhan po ng lahat, most especially ng Philippine National Police,
01:45is this matter to be resolved peacefully, na wala pong nasasaktan.
01:49We are appealing to the senator to surrender.
01:53We are extending the same appeal to the family.
01:56Maybe they could talk to the senator and prevail upon him to voluntary surrender.
02:04Kahapon, nanawagan ang asawa ni de la Rosa na huwag gamitin ang senador para sa personal agenda.
02:10Tulong daw ang kailangan niya at hindi persecution.
02:14Sa isang pahayag, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
02:18na hindi totoong persecution lamang ang pagpapaaresto kay de la Rosa.
02:23Noong pa raw nakalatag ang reklamong pakikipagsabwata nila sa pagpapatupad ng madugong war on drugs.
02:30Dagdag ni Castro, kung malinis daw ang konsensya, hindi ito matatakot, humarap sa kaso sa ICC.
02:37Sino gasto na katutok? 24 oras.