00:02Mahalaga para sa government employee na si Gina Lee ng pagpapanotaryo ng kanyang mga dokumento.
00:07Bukod kasi sa pag-aari niyang lupa, nagbebenta rin siya ng ilan sa ari-arian na nangangailangan ng katibayan.
00:12Aminado siya na pahirapan din ang pagpapanotaryo.
00:16Magpapamasahi ka, yung pipila ka.
00:19Sometimes kasi sa mga abogado na nagtotong notary, may mga papers dyan na nakabindin na nauuna pa bago yung ikaw
00:27na bago pa lang.
00:28Pero nang malaman niyang may electronic notarization ang inilunsad ang Korte Suprema,
00:33sabi ni Gina Lee, hindi na magiging ganoon kahirap ang proseso para magpavalidate ng dokumento.
00:38Accessible ang online registration portal para sa e-notarization.
00:42Pwedeng mag-avail ng servisyo sa mga accredited electronic notarization facilities ng Supreme Court.
00:48Kabilang dito ang tiwala, Q-Legal at Notarize It.
00:51Pagkatapos mamili ng notarization facility, pwede na rin mamili ng electronic notary public
00:56mula sa listahan ng Commission E&Ps na makikita sa website ng kataas-taas ang hukuman.
01:02Alam nyo ba na sa bagong in-notarization rules ng Supreme Court,
01:06gumagamit na ng geolocation at high-tech security ang sistema?
01:10Ibig sabihin, kahit wala sa isang lokasyon,
01:13yung nagdo-notaryo at kanyang kliyente basta parehong nasa Pilipinas,
01:16e pwede nang magpanotaryo via video call.
01:19Sa ilalim ng bagong rules on electronic notarization ng Korte Suprema,
01:23hindi na kailangan ng papel at wet signature.
01:25Ang mismo electronic document o digital file na kasi ang lalagyan ng e-signature at e-notarial seal ng notaryo.
01:32Sa in-person electronic notarization,
01:34haharap pa rin ang personal ang kliyente sa notaryo,
01:37pero digital na ang lagda at dokumento.
01:39Sa remote electronic notarization naman,
01:41pwedeng gawin ang pagpapanotaryo online sa pumamagitan ng video call
01:45o video conferencing gamit ang Accredited Electronic Notarization Facility.
01:49Garantisado rin verified ang pagkakakilanlan sa pumamagitan ng identity verification system
01:55dahil rektang may a-upload ang notarized document sa Central Notarial Database
01:59ng kataas-taas ang hukuman para maiwasan ang peke at iligal na pagpapanotaryo.
02:05Shilan Natividad para sa Bayan