Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
Mahal na bilihin, matumal na bentahan, at paghina ng halaga ng piso. Paano na nga ba ang mga Pilipino sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya? Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, tanong ko lang po sa inyo.
00:03Kumusta po kayo in this economy?
00:05Aba, kayo ba'y nagpapanik?
00:08Lahat po tayo ramdam ang mahal ng bilin.
00:10Medyo nag-aalala.
00:11Tapos may mga negosyong nagsasara.
00:13At ang piso, bagsak na ang halaga.
00:16Ang Pangulo nagbigay po ng pahayag tungkol sa paghina ng piso.
00:21Don't panic. It is an effect of really of still the rising prices of oil.
00:26However, people can take solace in the fact that our policy towards the piso
00:35is to continue to defend the piso as hard as we possibly can.
00:40We have all the tools to defend the piso.
00:45Aba, hindi nga ba tayo dapat magpanik sa sitwasyon natin ngayon?
00:49Heto, kinubusta natin ang ating mga kapuso.
00:52Asap na ako ngayon, medyo matumal pa rin po.
00:54Pero malaman, siguro after undas yan siguro.
00:57Sa mga bilhin din po, nahihirapan din po kami or ako as estudyante.
01:02Kasi siyempre ngayon po, pag namimili po kami ng pangpa-projects,
01:06is tumataas na din po yung mga bilhin.
01:11Tipid-tipid lang pa sa student po.
01:15At para pag-usapan yan, makakasama natin ang economist na si Professor Emanuel Leico.
01:21Good morning po, Prof.
01:22Good morning. Magandang umaga.
01:24Aba, eh Prof, ano ba ba talaga?
01:26Talaga bang dapat hindi magpanik?
01:27Eh kahapon po, naitala ang lowest in history na value ng piso kontra dolyar na nasa 64.17 pesos.
01:35Ang sabi ho ng Pangulo, eh don't panic, eh diba?
01:38Eh tama ho ba na hindi tayo magpanik?
01:41Depende rin kung ano ang laman ng bulsa mo.
01:43Okay, depende.
01:44Kung ang laman ng bulsa mo ay dolyar, mukhang papaypayan mo pa para umakyat ang dolyar.
01:50Pero kung ikaw ay minimum wage earner, eh mukhang nag-aalala ka.
01:55Mag-aalala ka talaga?
01:56Mag-aalala ka.
01:56Kasi parang yung buying power mo, paliit na ng paliit dahil nga doon sa pagtaas ng mong alaga ng dolyar.
02:02Tama yun.
02:03Oo, so ba't hindi ka magpapanik? Eh dami mong gastusin.
02:06Eh totoo yan.
02:07Ano po, bayarin sa kuryente, pang masay. Ayun, natataas na naman daw ang kuryente.
02:11Pero prof, linawin lang din natin kasi baka marami pong naguguluhan.
02:14Ano po ba ang nangyayari kapag humihina ang piso?
02:18Ang iba, malungkot sa pagbaba ng halaga ng piso.
02:21Pero may iba naman naman saya, lalo yung may mga natatanggap na dolyad, diba? Buwan-buwan.
02:25Pwede nyo ba ipaliwanag ano nga po ba ang pros and cons ng pagbaba ng halaga ng piso?
02:30Okay, ipagpaumanhin nyo na na sa ngayon ay balik silid-aralan muna tayo.
02:37So, ang dahilan, ang pangunahing dahilan ng pagbaba, pagdausdos ng halaga ng piso ay napakalaki ng ating inaangkat sa labas
02:47ng Pilipinas.
02:48At ang ginagamit natin na pangangkat ay dolyar.
02:51Binibili natin ang dolyar ng ating piso.
02:54Pero yung dollar revenues natin, yung inflows ng dolyar ay kakaunti.
02:59Kumpara doon sa inaangkat natin na ang gamit natin ay dolyar.
03:03So, kumbaga, mataas ang ating importation, mas mababa ang ating exports.
03:09Kakaunting dolyar ang pumapasok sa bansa, mas malaki ang lumalabas.
03:13Iyon ang pangunahing nagpapahina ng halaga ng piso.
03:18At ang isa pa, napakataas na ngayon ang presyo ng petrolyo.
03:22Yan, wala tayong magagawa dyan.
03:24Wala tayong magagawa dyan.
03:25Tapos, ang dolyar naman, pinalalakas nila sa Amerika.
03:29Remember, meron silang eleksyon.
03:30So, hindi papayagan ng presidente ng Amerika na mas mababa ang kanilang dolyar.
03:36Ngayon, pumapasok sila sa eleksyon.
03:38Next week, may eleksyon.
03:40At pag-uusapan din naman ng Federal Reserve, itataas ba namin ang interest rate?
03:44Pagka nagtaas sila ng interest rate, babagsak naman, aasahan na natin yun.
03:49Baba ba ang halaga ng piso?
03:52Dahil ang interest rate nila, at ang interest rate natin ay magkaiba.
03:56Kumbaga, ang inflation rate natin ay 7.2%.
03:59Ang inflation rate natin ay 5.5%.
04:02Talo yung may mga piso na inilalagay lang nila sa bulsa kasi meron silang 1.7% na negative.
04:10So, ipagpalagay na rin natin na ang purchasing power ng mga Pilipino ang isang pinakapangunahin na nagsasuffer dito.
04:21Kumbaga, noong 2018, ang piso natin ay buong-buo ang halaga.
04:26Ngayong 2026, nasa may 73 centimos na labang.
04:33Dumaos-dos ang halaga ng piso.
04:35Ibig sabihin, ang piso mo noong 2018, 73 centimos na lang ang mabibili mo.
04:42Kung yung dati ay isang kilo, ngayon ay three-fourths na lang ng kilo ang mabibili mo.
04:48So, ano naman yung cons?
04:51Kasi siyempre, ang sinasabi nga dyan, kung ako ay may kamag-anak sa abroad na nagpapadala sa akin ng dolyar,
04:57malaki palit ko.
04:59Diba? $100 sa limawasan ngayon.
05:01So, $6,400 yun pag pinalit mo.
05:03Ano yun ba yung isang bagay na ikasasaya ko o hindi rin ng mga nakakatanggap po ng dolyar?
05:10Pwede mong ikasaya yun, pero panandalian labang. Bakit? Kasi pagka umakyat na ang inflation, kung anuman ang ganansya na nakuha
05:19mo dahil sa mas mataas na palitan ng dolyar, kontrapiso, mawawala rin yan dahil sa inflation.
05:26Kasi halimbawa, tumaas nga, tumaas din naman lahat ng bilihin mo dito, yung bayarin mo sa kuryente, sa tubig, pamasahe.
05:34So, parang wala ka rin ganansya doon.
05:36Yun ang ibig kong sabihin. Kumbaga, meron silang buffer. Kesa dun sa mga iba na walang dolyar, wala silang buffer.
05:44Wala din. At po, yung sektor po ng negosyante, prof, umaaray na rin. At sinasabi, may marami mga maliliit na
05:50negosyo, yung nagsara na daw, marami rin post na nagsasabi na hindi raw tamang panahon para mag-negosyo, diba?
05:58At kahit kasi magpapasko, eh mahina pa rin ang kita. Ano masasabi niyo dito? Bihira nga ako makarinig ng mga
06:03Christmas songs ngayon eh.
06:05Hindi, dahil ba sa ano, medyo tayo ho ay nalulungkot sa nangyayari sa paligid, sa paghinaan ng piso laban sa
06:12dolyar, prof?
06:13Ah, totoo yan. Kasi yung pangamba ng mga mamamayan ay ramdam na ramdam natin.
06:19Yung kumpiyansa nila sa ekonomiya ay napakahinanan sa mga panahon na to.
06:23So, ngayon, imbis na magbumasto sila, ibubulsa na lang muna nila. O kaya wala na silang mahugot eh.
06:28Sa baga, parang ang nagiging ano ngayon, nagiging matalino na rin yung mga tao sa paggastos.
06:33Kasi, diba, parang yung mga pwede ka namang mabuhay nang wala, eh hindi mo na muna bibilhin.
06:38Tama yan.
06:38Hindi mo gagastusan. Doon ka maggagastos sa mga talagang kailangan.
06:43Tama yan.
06:43Mga necessities. Ano po, prof?
06:45Tama yan.
06:46Ganun yung nagiging attitude na yun.
06:48Ah, oo. Yung consumer behavior, talagang ang uunahin nila pagkain.
06:55Mga basic needs natin.
06:57Siyempre, meron din mga pasaway na sige pa rin doon sa mga ibang na rin.
07:02Ay, yung pasaway eh. Tapos ito...
07:03Pero kaunti lang yan.
07:04Oo. Ano yan, pasaway ka ngayon, tulala ka pagdating ng araw.
07:09Ano po sa tingin nyo, prof, ang pwedeng gawin ng gobyerno?
07:12Ayan, para mapabagal kahit pa paano yung paghina ng piso.
07:15Kaya pa ba itong maibalik sa below 60, sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya?
07:19Dahil sinabi nga ng presidente, don't panic.
07:22Oo, bago tayo nag-umpisa, tinignan ko ano ba ang ginawa ng mga kapitbahe natin dito sa Asia.
07:28Sa kanila, combination. Meron silang price ceiling, merong subsidy.
07:33Tayo, puro market. Let the market decide.
07:37Pero meron din tayong kaunti ng mga price subsidy. May ayuda, may ganyan.
07:43Pero tayo ang pinakamalala ang dinaranas ngayon.
07:47Probable yung ginawa sa ibang bansa, nagtakdaho ng mga price ceiling.
07:50Kasi parang nagkakaroon din ngayon, pagsasamantala yung iba, di ba?
07:54So, kaya hong gawin sa atin yun? Pwede ho?
07:56Pwede, pwedeng pwede. Lalo na, ngayon, meron ng kapangyarihan ang Pangulo na tanggalin, iatras ang ating excise tax.
08:06May value-added tax na tayo. Kumikita na ang gobyerno doon sa value-added tax.
08:11Tanggalin mo yung excise tax, hindi malulugi ang gobyerno.
08:14Kumbaga, nabawasan lang.
08:16Samantalang nung dati, ang 12% nila, limaon sa 58, mga limang piso.
08:23Pero ngayon, doon sa 100 pesos, 12 pesos.
08:28So, ihati na lang nila yung value-added tax, ibalato na lang doon sa consumer, tanggalin ang excise tax.
08:35O, may magagawa naman?
08:36Magagawa yan.
08:37Prof, sa tingin nyo po, may mas titindi pa ba o worst case scenario pa ba tayo na iniintay?
08:44At kung meron, ano po yun, Prof?
08:46Mahirap sabihin, don't panic.
08:48Dahil parang nagbabadya ng mas malalapa.
08:52Pero sa palagay ko, hindi pa ito natatapos eh.
08:55Hanggat tuloy-tuloy ang gera sa Middle East, patuloy ang pagtaas ng presyo, ang halaga ng dolyar, patuloy pa rin
09:04dadausdos ang halaga ng piso.
09:06Kung kaya, sa atin, sa mga Pilipino, eh, tingnan natin, huwag tayong mawawala ng pag-asak.
09:11Kapit lang tayo.
09:12Pero at the same time, lagi tayong nagmamachad.
09:15Lagi tayong nagbabantay, lalong-lalo na sa pondo ng bayan.
09:18Apo, syempre.
09:19Kailangan, kailangan natin, bantayan, kada centimo, kada sinko, siguraduhin natin na hindi ito makukurapot.
09:27Pansan tayo kakapit, Prof?
09:29Kanina tayo kakapit?
09:31Kumapit tayo sa isa't isa, kapit-bisig tayo.
09:34At pagka tayo ay kailangan kumilos, kailangan kumilos tayo ng sabay-sabay.
09:39Nabanggit niyo po yung iba na ating kababayan, parang nawawala na na pag-asa.
09:43Nako, dami ho ganyan.
09:44Yung iba, nagsasabi, baka kailangan ng mga ibang bansa, lumipat doon ng ibang bansa.
09:49Ano po yung may papayon niyo sa mga Pilipino, sa mga kababayan natin,
09:52nahirap, nahirap na sa lagay ng ating ekonomiya.
09:55Kasi totoo yung, Prof, eh, makikita mo, pag namili ka,
09:58yung pera mo, talagang, oh, dati ganito na nabibili ko, ngayon kunti na.
10:02Ano may papayon niyo, yung ibang, sunang mag-abroad?
10:04Eh, huwag mo na mag-abroad.
10:05Mahirap niyo magpunta sa ibang bayan, no?
10:07May gulo din, na nang iba.
10:08Mag-ugulo yun.
10:09Pero, siguro yung panawagan na sabihin na,
10:13oh, eto, konkreto ito, i-attras ang egg size tax.
10:176 pesos, 10 pesos yan, na mababalik sa bulsa natin.
10:21Siguro doon, sama-sama, yun ang pag-asa natin, no?
10:24Magkakaroon ng bahagyang maibsan ang hirap na dinaranas natin
10:30sa patuloy na pagtaas ng pressure.
10:31Oo, pero ang nakakaanin dyan, eh,
10:33eh, baka yung 64, hindi pa yan yung dulo.
10:37Mukhang hindi pa, eh, you know,
10:39lalo na nung sinabi ng Pangulo na,
10:41don't panic, we're doing everything.
10:43So, ibig sabihin, ang Pangulo,
10:44ay didepensahan ang piso.
10:47Pero, hanggang saan kaya kayang dipensahan
10:49ng Banko Sentral ang ating piso?
10:53Eh, hindi naman unlimited ang ating dollar reserve.
10:56So, ano na lang ho, ano natin, Prof, sa mga kababayan natin?
10:59May hawak kayong budget ngayon? May pera kayo?
11:02Ano ho ang may papayo nyo sa kanilang mga,
11:05para sa mga expenses?
11:07Sa paano ho yung mga paggasta nila na dapat
11:09maging behavior sa mga panahon na ito?
11:11Well, ituloy lang natin yung ginagawa natin
11:13na hinay-hinay tayo sa paggastos
11:15at hinay-hinay tayo.
11:17Kung meron pa tayong natatabi dyan,
11:18itabi natin.
11:19Ang talagang kailangan-kailangan.
11:21It's about time na maging masinop muna tayo.
11:24Tama.
11:24Maging masinop muna tayo sa hawak natin pera.
11:27Naku, maraming salamat po sa mga ibinahagi nyo
11:29si Prof. Emanuel Laycock.
11:30Isa po siya ekonomista.
11:32Magbabalik po ang unang hirit.
11:34Sir, thank you so much.
11:36I know.
11:38Araw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show
11:41kung saan laging una ka.
11:43Unang hirit.
11:44At para laging updated,
11:45like and subscribe na
11:47sa GMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended