Skip to playerSkip to main content
  • 4 minutes ago
Bago pa man mag-Halloween, mala-horror na ang bumungad na bill sa ilang customers ng Meralco.

Ang sinisingil kasi sa kanila, biglang dumoble?!

Pero ang ilang customers, nag-zero naman ang bayarin. Dahil daw ito sa refund at reimposition ng tinatawag na bill deposit.

Ayon naman sa Meralco, ipagpapaliban muna ang paniningil nito.

Para saan nga ba ang bill deposit? Alamin sa report ni Bernadette Reyes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Halos 32 centavos per kilowatt-hour ang dagdag signal na Miraco sa buwan Oktubre.
00:06Ibig sabihin, mas mataas ng 64 pesos ang bayarin sa kuryente ng isang bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour.
00:15Pero may ilang customer na nagulat dahil hindi lang ito ang dumagdag sa kanilang October bill.
00:21Dahil ang ilan, dumoble ang bayarin?
00:24May iba naman, biglang nag-zero.
00:27Dahil yan sa tinatawag na bill deposit na required bayaran ng lahat ng customers ng distribution utilities gaya ng Miraco.
00:37Ano nga ba ito?
00:44Batay sa Magna Carta for residential electricity consumers,
00:48ang bill deposit ay garantiya sa mga distribution utility sakaling hindi mabayaran ng customer ang kanyang outstanding balance.
00:57Halimbawa, sa mga pagkakataong maglilipat bahay o di kaya'y may ibang bansa ang isang customer,
01:02ang hindi nila nabayarang kuryente, kukuni ng Miraco sa kanilang bill deposit.
01:08Kinukwenta ito base sa average monthly consumption sa loob ng isang taon.
01:14Kung nasa 2,000 pesos ang lumabas sa computation, ito rin ang sisingiling bill deposit.
01:21Idadagdag yan sa kasalukuyang monthly consumption kaya dodoble ang dapat bayaran.
01:28Ang bill deposit ay sinisingil sa mga bagong customer na nag-a-apply na electric service,
01:34transfer of service,
01:35at increase in load o capacity.
01:40Kinukolekta rin ito mula sa mga customer na nagpapareconnect pero hindi pa nakapagbayad ang bill deposit.
01:47Maging sa mga consumer na mahigit 10% ang itinaas sa konsumo sa nakalipas na labindalawang buwan.
01:54Halimbawa, kung 800 pesos lang ang binayaran mong bill deposit,
01:59pero pagkatapos nito,
02:00umaabot sa 1,000 pesos ang average monthly bill mo,
02:05sisingilin ka ng karagdagang 200 pesos.
02:09Kung kalbaryo yan, para sa ilang consumers, may ilang tila naging blessing pa ang bill deposit.
02:15Dahil ang kanilang bayarin, biglang naging zero.
02:18Paano kaya nangyari yan?
02:20Ang bill deposit ay sinasaoli sa mga customer na good payer sa nakalipas na dalawang taon.
02:26Ibig sabihin, kung nakakabayad ka on or before due date, may refund ka.
02:32Isinasaoli rin ito sa mga customer na mahigit 10% ang ibinabasa konsumo sa kuryente.
02:39Kung 1,500 pesos na bill deposit ang siningil sa'yo,
02:44pero umaabot lang sa 1,000 pesos ang average monthly bill consumption mo,
02:49500 pesos ang isa saoli ng Miralco.
02:53Earlier this year, na-refund sa mga customer na good payer ang bill deposit.
02:58Pero ang mga pumalyas sa pagbabayad pagkatapos nito,
03:03muling siningil ng Miralco ng bill deposit nitong October 2026.
03:09Ayon sa Miralco, nasa 20,000 mula sa kanilang 8 million customers
03:14ang hininga ng bill deposit nitong October 2026 dahil sa late payment.
03:20Pero kasunod ng reklamo ng consumers,
03:24nagdesisyon ng Miralco na ipagpaliban muna ang paniningil nila.
03:28Batay rin sa inilabas na advisory ng Energy Regulatory Commission,
03:33wala munang bill deposit na i-re-reimpose
03:36para sa mga customer na eligible sa no disconnection policy.
03:40Bago rin maningil ng bill deposit ang distribution utilities,
03:44dapat silang magbigay ng written notice sa mga apektadong customer
03:48at ipaliwanag ang basihan nito.
03:52May option ang consumer na bayaran nito ng isang bagsakan o installment sa loob ng tatlong buwan,
03:58maliban kung papayagan ng distribution utility ang mas mahabang bayaran.
04:03Ang customer na hindi pa rin makakabayad, puputula ng kuryente.
04:09Sa hirap na raw ng buhay ngayon, bawat sentimo ay mahalaga.
04:13Kaya magbayad na ng kuryente agad kung may budget naman
04:16at kayang gawin itong maaga.
04:18Bawas alalahan niyan baka makarefund ka pa.
04:21Ako po si Brunadette Reyes para sa GMA News.
04:38Ako po si Brunadette Reyes.

Recommended