00:04Happy Friday, chikahan mga Kapuso!
00:07Nakaranas umano ng diskriminasyon ang aktor na si Ruro Madrid mula sa isang server ng restaurant sa Spain.
00:14Kung paano niya na-handle ang pambapaturao ng pagkain, itchichika ni Athena Imperial.
00:23Very memorable para kay Kapuso, primetime action hero Ruro Madrid, ang kanyang workcation sa Spain this year.
00:30Mula sa magagandang tanawin sa Valladolid hanggang sa mga kalya ng salamangka.
00:36Pero ang isa raw na tumatak na karanasan kay Ruro,
00:39Kumakain ako sa isang restaurant, mag-isa, and then nag-order ako ng steak pati ng fries.
00:47Yung nag-serve sa akin, binato lang niya yung pagkain ko sa harapan ko.
00:52Inisip ko, papalampasin ko na lang ba ito? Hayaan ko na lang ba na ganun yung trato sa akin?
00:59Ang ginawa ko, tinawag ko yung manager, nag-type ako ng Google Translate sa phone ko
01:06para sabihin na itong tao mo, tinrato ako ng ganito.
01:11Meron ang kakayanan na magbayad ng in-order ko, pero ganito niya ako tratuhin.
01:17So lumapit sa akin yung nagbigay, and then sinabi ko talaga sa kanya na hindi tama na tratuhin tayo ng
01:27ganito.
01:28Dagdag hugot ni Ruro para tumayo at ipaglaban ng sarili,
01:32Ang ginagawa nila noong historical film na Los Salvajes Bravos.
01:37Tungkol ito sa mga katutubong Pilipinong dinala sa Spain noong 1887.
01:42At pinangakuan ng magandang buhay, pero dignidad at kahihiyan pala ang kapalit ng kanilang pagkakakitaan.
01:49Dahil sinakop na nila tayo noon eh.
01:53Ngayon na meron akong kakayanan na bumili ng sarili kong pagkain,
01:58wala ka ng karapatan na gawin sa akin yun dahil costumer ako.
02:02Yung naranasan po ng mga Pilipino na dinala ko sa Madrid, Spain during 1800s,
02:08hanggang ngayon nararanasan pa rin natin ito.
02:11Hanggang ngayon nakakaranas pa rin po tayo ng diskriminasyon,
02:16hanggang ngayon nakakaranas pa rin tayo ng hindi pantay ang tingin sa atin.
02:23Mayroon mang di inaasahang pangyayari,
02:26masasabi ni Ruru na sulit daw lahat ng pagod nila sa pelikula
02:29dahil pasok ito sa 8 official entries ng 2026 Metro Manila Film Festival.
02:36Ang hamon daw ng pelikula, maging mapanuri at matalino tayo sa ating mga desisyon.
02:41Ano ba yung mga choices natin in life?
02:44Sino ba yung mga taong dapat na ilukluk sa kung anong pwesto?
02:51Marami pong mata ang mabubuksan nito.
02:56Maraming mga Pilipino ang magigising sa katotohanan.
03:00Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!