- 1 hour ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, October 31, 2026:
- Rider at angkas, nasawi sa pagdagan ng tumagilid na dump truck; 9 sugatan
- Mga Biyaheng Bicol, tuloy sa kabila ng ashfall ng Bulkang Mayon
- Bungo, nakausli sa butas na nitso sa Manila North Cemetery
- Undas long weekend, sinamantala ng mga turista sa Baguio
- Bulkang Mayon, muling nagbuga ng abo
- LPA, binabantayan sa loob ng PAR; Bagyong “In-fa” lumalapit din sa PAR
- Manila South Cemetery, nakahanda sa dagsa ng mga dalaw sa Undas
- Babaeng nag-a la-Doja Cat sa Halloween, namantal dahil sa adhesive
- GMA, inaaksyunan ang insidenteng sangkot ang sasakyan nito at isang aso
- Mga turista, dagsa sa Boracay ngayong Undas long weekend
- 190 inaresto sa “Project Huli-ween” ng CALABARZON Police
- Mga labi ng 26 aso at 3 pusa, itinapon sa tabing-kalsada sa Bulacan
- Shuvee Etrata, suportado ang pagpasok ni Anthony Constantino sa Bahay ni Kuya
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Rider at angkas, nasawi sa pagdagan ng tumagilid na dump truck; 9 sugatan
- Mga Biyaheng Bicol, tuloy sa kabila ng ashfall ng Bulkang Mayon
- Bungo, nakausli sa butas na nitso sa Manila North Cemetery
- Undas long weekend, sinamantala ng mga turista sa Baguio
- Bulkang Mayon, muling nagbuga ng abo
- LPA, binabantayan sa loob ng PAR; Bagyong “In-fa” lumalapit din sa PAR
- Manila South Cemetery, nakahanda sa dagsa ng mga dalaw sa Undas
- Babaeng nag-a la-Doja Cat sa Halloween, namantal dahil sa adhesive
- GMA, inaaksyunan ang insidenteng sangkot ang sasakyan nito at isang aso
- Mga turista, dagsa sa Boracay ngayong Undas long weekend
- 190 inaresto sa “Project Huli-ween” ng CALABARZON Police
- Mga labi ng 26 aso at 3 pusa, itinapon sa tabing-kalsada sa Bulacan
- Shuvee Etrata, suportado ang pagpasok ni Anthony Constantino sa Bahay ni Kuya
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Tulad po si Edsa Mandaluyong at si Five Road.
00:34Maluwag naman ang trafiko sa North Luzon Expressway.
00:38Sa mga sementeryo, terminal at tao na hipasyaran sa bansa,
00:42inaasahan naman ang dagsa ng mga bibisita at mga bakasyonista.
00:46Ang latest, yahatid namin.
00:49Maya-mayala.
00:55Magrahaapon po.
00:56O! Patay!
00:58Ang dalawang sakay ng motosiklo matapos madaganan ang tumagilid na dump truck sa Negros Oriental.
01:04Siyam ang sugatahan kabilang ang anin na guro na nakisakay lang sa dump truck.
01:09Nakatutok si Bon Aquino.
01:14Nataranta ang mga residente ng barangay Santa Cruz Nuevo sa Tanhay Negros Oriental
01:19nang makitang nakatagilid na dump truck na hapon ng hapon.
01:23Nadaganan nito ang dalawang taong sakay ng pumailalim na motosiklo.
01:27Dead on the spot ang rider na 25 anyos,
01:30pati ang 73 anyos na babaeng pasahero niya sa habal-habal.
01:34Ayon sa polisya, bago ang insidente ay magkasunod sa kalsada ang malaking dump truck at mini dump truck.
01:40Pero pagdating sa pababa at palikong kalsada,
01:43nawalan umano ng preno ang malaking dump truck.
01:46Nasalpok nito ang mini dump truck hanggang dumiretso ito sa bangin.
02:05Sugatan ang dalawang driver na mga nadisgrasyang truck,
02:08pati ang isang tauhan ng LGU at ang anim na gurong nakasakay sa mga truck.
02:12Batay sa investigasyon, parehong pag-aari ng tanhay LGU ang dalawang dump truck
02:17na naging service na ng mga trabahador ng LGU.
02:21Nakasakay na rin dito ang mga gurong na aksidente.
02:24Dalawang guru ang nagtamo ng fracture kaya kailangan manatili sa ospital.
02:28Hawak naman ang polisya ang dalawang truck driver na parehong tumangging magbigay ng pahayag.
02:32Inaalam pa ng polisya kung aakuin ng LGU ang pagpapagamot sa mga sugatan
02:36at ang gasto sa mga nasawi.
02:39Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag ang tanhay LGU.
02:42Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.
03:05Mga kapuso, hindi po gaya sa mga nagdaang undas,
03:08kapansin-pansin mas kaunti ngayon ang mga bumiyake.
03:11Kamusya naman kaya ang mga biyaheng pabikol sa gitna ng pag-aalboroto ng Balkang Mayon?
03:16Mula sa naiyan, Nakatutok la si JP Surya.
03:21JP?
03:23Magandang hapon, Pia at mga kapuso.
03:25Sa kabila nga ng pagputok ng Mayon Volcano ay wala namang cancellations.
03:29Ngayong hapon sa mga flight, papunta po sa probinsya ng Albay.
03:37May build-up ng mga pasehero sa mga check-in counter ngayong hapon sa Naiya Terminal 3.
03:41Kasi sir, kahapon, hapdi pa po yung pasok ng mga opisina.
03:45So ngayon na po kami nakabiyahe.
03:48Ngayong araw, walang cancelled flights pa Albay sa kabila ng pagputok ng Balkang Mayon kahapon.
03:53Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, on time ang dating ng mga bus na biyaheng Teoduran at Legaspi-Albay.
04:02Pero inaalala ng mga pasehero pabikol ang ashfall.
04:06Kasi yung mga dust yung abo na nadadala ng hangin.
04:14Kasi sasara na lang bintana.
04:19Minsan po malalanghap kapag malakas yung hangin.
04:25Tsaka kung sobrang lakas po ng pagsabog na yun, yung usually po na nakaka-apekto yung sa paghinga.
04:33Ang driver na si Felipe, higit sa abo ng Mayon, mas inaalala ngayon ang kanilang kita.
04:39Lalo't tumaas ang pamasahe at presyo ng mga pangunahing bilihin.
04:43Anong nagkaroon, medyo marami yun. Ngayon wala talaga. Dalawang araw kami natampay dito.
04:49Si Olivet na pasamar, didiretsyo na ng sementeryo.
04:54Talagang yun ang time na aalis kami. Kahapon di naman dineclare na half day. Kaya Saturday talaga.
05:01Kabilang siya sa mahigit 70,000 pasaherong naitala sa PITX as of 11am ngayong araw.
05:08Mas kaunti man ang pasahero ngayong Undas 2026.
05:11Tuloy ang pagpapatupad ng mga alitong tunin para matiyak ang kaligtasan at siguridad sa PITX.
05:18Kinukumpis ka sa entrance ang mga matatalim na bagay gaya ng gunting at kutsilyo.
05:24Maigpit din ang security check sa Batangas Port.
05:27Mahigit 5,000 passengers ang dumating sa pantalan hanggang tanghali ayon sa Philippine Ports Authority.
05:34Mas kaunti kumpara sa mahigit 11,000 noong nakaraang taon ayon sa Philippine Ports Authority o PPA.
05:41Pusibling dahil ito sa mataas na pamasahe sa barko at maikling holiday break.
05:51At siyempre kung may mga umaalis, marami rin po ang arrivals dito sa NIA Terminal 3 mula sa iba't ibang
05:57bansa at patig na rin po sa probinsya.
05:59Doon naman po sa PITX as of 5pm, apot po sa mahigit 139,000 na pasahero ang umalis doon.
06:06At yan muna ang lites, balik muna sa iyo Pia.
06:09Maraming salamat, J.P. Suryano.
06:12Ngayong bispiras ng undas, idinaraing ng ilang dumadalaw sa Manila North Cemetery ang pagmahal ng mga kandila roon.
06:20Namataan naman ang bungo ng isang yumao na nakausli sa isang butas na nicho.
06:25Mula sa Manila North Cemetery, nakatutok live si Jonathan Nandang.
06:30Jonathan.
06:34Ivan, hindi ganun karami yung mga kumunta dito, dumisita dito sa Manila North Cemetery.
06:40Kukumpara ko sa nakita ko last year.
06:42As of 5pm, ang crowd estimate nyo yun dito ng Manila Police District na sa 93,000.
06:47Malayo po yan dun sa inaasahan ng pamunuan ng sementeryo na kalahating milyong bisita ngayong araw.
06:53Samantala, habang nagigikot kami sa loob, may nakita kami nakatiwangwang na bungo.
07:02Nagulat ang aming team nang tumambad ang isang bungo ng tao na nakausli sa butas na nichong ito sa Manila
07:09North Cemetery.
07:10Maliit ang nicho, walang lapida o nakasulat na pangalan.
07:14Malapit ito sa gilid ng bakod ng sementeryo katabi ng A. Bonifacio Avenue.
07:18Agad itong pinaimbestigahan ng pamunuan ng sementeryo.
07:20Hinala nila, sinadya ito ng mga hinulian nila ng hagdanan na nagpapatawid sa mga tao sa bakod ng sementeryo kapalit
07:28ng pera.
07:29Sinadya siguro, siyempre, nawalan sila ng hanap buhay, imaakit sila doon sa hagdanan,
07:34tala ay posibleng mangyari, nakalawit eh.
07:37Pwede, nakabuksan, natapakan, nabasag, pero yan, nakalawit talaga.
07:41Talagang sinadya yan, nagulat nga ako sa nangyari na yan.
07:45Ipapasok sa nicho ang bungo at ipasasara ng pamunuan ng sementeryo.
07:49Pero ang nichong ito kahit walang pangalan, may buto pa.
07:52Si Irene naman hindi alam kung nasaan ang buto nang yumaon niyang 13 anyos na anak.
07:57Lagpas na kasi sa limang taong palugit ang anak niya sa tinatawag na apartment sa Manila North Cemetery.
08:16Kaya nagtirik na lang sila ng kandila sa mass grave ng sementeryo.
08:20Alam naman niya yun, saan siya ngayon. Alam niya na nadinalaw siya namin.
08:25Ayon sa direktor ng sementeryo, hanggang limang taon lang talaga ang mga buto sa apartment.
08:30Walang extension o renewal.
08:33Ito yung bone creep. Dito nililipat yung mga buto mula dun sa apartment na lumagpas na sa limang taon.
08:39Yun eh kung may claimant. Pero kung walang nagkiklaim ng buto after five years,
08:43yung buto po ay ililipat doon sa mass grave, doon sa may circle.
08:46Pero si Marde, walong taon na sa apartment ang yumaong lola.
08:50Nagpa-renew naman po kami every five years.
08:537,500 po ang renewal.
08:56Good for another five years na yun.
08:58Mabigat siya. Kailangan mangutang para pakapag-renew.
09:01Ang mga iligal po yun, yung mga pinag-renew. Bawal po yung renewal po nandun.
09:04Kaya si Nanay Renelia, para hindi na mangamba,
09:07bumili na ng maliit na espasyo sa halagang 40,000 pesos
09:10para paglibingan ng isang anak at dalawang apo.
09:14Hindi ka na mag-renew.
09:16Doon pag wala kang pera, hindi mo ma-renew.
09:19Matatanggal ang buto.
09:21Kaya napilitan ako bumili talaga niya.
09:24Inireklamo naman ni Mera ang sobrang mahal daw ngayon na kandila.
09:29Magkano lang last year?
09:30Parang ano ang ata? Parang sampu lang ata?
09:33Isang piraso?
09:34Oo.
09:34Ngayon, tatlo si kwenta na?
09:36Oo. Grabe sila.
09:37Sa entrada ng sementeryo, maraming nakumpiskang bawal
09:41gaya ng vape, sigarilyo, mga panglinis, loudspeakers, lighters, pati alagang pusa.
09:50Maluwag pa kanina sa loob ng sementeryo pero may pila sa libreng sakay.
09:54Marami rin nang hihiram ng wheelchair para makaikot sa 50 hektaryang libingang ito.
09:59Katabi ng Manila North ang La Loma Cemetery sa Caloocan.
10:03Bumigat ang trapiko rito sa dami ng mga dumalaw na lagpas 3,000 na hanggang kanina ka alas 2 ng
10:08hapon.
10:09Bukas, posibleng umabot sa hanggang 100,000 ang mga bibisita.
10:17Balik naman dito, Ivan, sa Manila North Cemetery.
10:20Bukas, ang sabi ng pamunuan ng sementeryo, posibleng raw umabot ng isang milyong tao ang bibisita rito.
10:26Bukas po itong sementeryo mula alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
10:30Bawal po mag-overnight dito.
10:31Yan muna ang latest mula rito sa Manila North Cemetery.
10:34Balik sa'yo, Ivan.
10:35Maraming salamat, Jonathan Andan.
10:38At dahil nga po, Undas Long Weekend, sinamantala na maraming turistang ilang araw na bakasyon sa Baguio.
10:44May mga maagaring pumunta sa Baguio Cemetery para iwas siksikan.
10:48At mula sa City of Pines, nakatutoklay.
10:51Si Jasmine Gabriel Galvan na GMA Regional TV.
10:54Jasmine.
10:58Pia, ngayong Undas Long Weekend, dagsang mga turista sa mga tourist destinations kabilang dyan ng Baguio City.
11:05Bukod sa malamig na panahon, napakarami rin mga tourist attractions ang pwedeng pasyalana.
11:13To relax and enjoy.
11:15Yan ang sinadya ng Pamilya de Guzman sa City of Pines ngayong Undas Long Weekend.
11:20First stop nila ang pamosong Lion's Head sa Cannon Road.
11:24First time na mga ano ko na mag-visit sa Baguio, then mag-tour kami.
11:31Mag-enjoy yung mga bata sa pag-picture sa Lion's Head.
11:33Iba naman ang una sa listahan ng pamilyang ito mula sa Maynila,
11:37ang bagong bukas na arboretum sa loob ng Baguio Botanical Garden.
11:42It's nice, kasi it's very open air and there's a lot of nature.
11:47Perfect timing, lalot umabot sa 17.2 degrees Celsius ang temperatura ngayong araw sa Baguio.
11:53First time ko po mag-Baguio, okay naman po, masaya.
11:56Kasi hindi po siya masyadong crowded din talaga.
11:59Tapos okay naman yung weather niya din po.
12:03Bukod sa Botanical Garden, dumarami na rin ng mga namamasyal sa Burnham Park
12:08kung saan patok ang kanilang biking lane at boating sa bagong renovate na Burnham Lake.
12:14Inaasahan ng Baguio City Police Office na marami pang aakyat sa lungsod hanggang bukas.
12:19Pinag-iingat din ang otoridad ang mga turista sa mga modus ng pang-iiskam sa online booking sa mga hotel.
12:27Dahil undas, marami rin nagtungo sa Baguio City Public Cemetery.
12:31Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga gardening tools, sigarilyo, alak at maging ang mga alagang aso at pusa.
12:38Drop and go policy naman ang ipinapatupad sa sementeryo.
12:41Huwag po tayong magdala ng sasakyan dahil limited po ang ating parking area.
12:51Pia, kasabay ng dagsa ng mga turista ngayong araw, so far wala namang monitor na traffic build-up sa mga
12:57pangunahing kalsada sa lungsod ng Baguio.
12:59Samantala, nasa maygit 500 na police personnel na nakadeploy sa mga tourist attractions, ayon yan sa BCPO.
13:06Pia, maraming salamat, Jasmine Gabriel Galban na GMA Week.
13:12Muli nagbuga ng makapal na abo ang Bulkan Mayon kanina ang pasado alas 5 na umaga.
13:17Kitang-kita ang ash plume na umabot sa 200 metro ang taas.
13:22Sa ngayon, walang naitalang ashfall sa mga bayan ng Kamalig at Ginobatan.
13:27Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan mula kahapon kung kailan naitala ang moderately explosive eruption ng bulkan.
13:34At dahil po dyan, mahigit isang libong residente ang inilikas.
13:39Nanatili pa rin sila sa evacuation center.
13:43Samantala, isang low pressure area binabantayan ang pag-asa sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
13:50Mas lumapit naman sa PAR ang binabantayan din bagyo na may international name na INFA.
13:55Namantaan po yan sa layong 2,190 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
14:01Ang LPA naman sa loob ng PAR namataan sa layong 325 kilometers silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
14:09Ayos sa pag-asa, mababa ang chance na itong mag-iisang bagyo sa susunod na araw.
14:14Pero nagdadala ito ng maulap na parahon na may kalat-kalat na pagulan ngayong araw sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao,
14:21Zamboanga, Peninsula at Palawan.
14:24Shear line naman ang nakaapekto sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
14:29Northeast Monsoon o Amiha naman ang nararanasan sa Ilocos, Cordillera at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.
14:37Habang localized thunderstorms naman ang nararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
14:43Sa rainfall forecast sa Metro Weather, posibleng light to moderate rains buka sa ilang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon at
14:50Mimaropa.
14:51May chance na naman ng light to intense rains sa halos kabuan ng Visayas at Mindanao pagdating na hapon hanggang
14:59gabi.
14:59Hindi rin niya inaalis ang chance ng pagulan sa Metro Manila bukas ng umaga hanggang gabi.
15:06Nakaandaan na rin po ang Manila South Cemetery para sa nagsa ng tao simula po ngayong araw at nakatutok doon
15:12live si Bea Pinlak.
15:14Bea?
15:18Pia sa pinakahuling tala ng pamunaan ng sementeryo, mahigit 37,000 na ang dumadalaw dito sa Manila South Cemetery ngayong
15:25Sabado.
15:26Medyo dumadami na yung dating ng mga tao kumpara kaninang umaga.
15:29Pero bukas November 1 inaasahan yung talagang dagsa ng mga tao rito.
15:38Kahit mainit at masakit na ang paa sa kalalakan, halos malibot na ng magkakapatid na si Nalordes, Luz Viminda at
15:46G.
15:47ang buong Manila South Cemetery kaninang umaga.
15:50Malayo at matagal pa ang binyahin nila.
15:52Pero tiniis nila ito para mabisitang magkakahiwalay na puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
15:59At least, bago kami mawala, masasabi niya na dumadalaw kami sa kanila, lalo noong nanay ko, lalo yun ang mahal
16:07na mahal namin sa lahat at saka ang tatay ko.
16:09Kahit wala na, 30 years ago na, still naminis pa rin namin sila.
16:15Yung binuo kong pamilya, dadalawin ko. Wala na ako na lang natitira.
16:19Ang magulang ni Rogelio, nakalagak sa apartments tayong napuntod o yung magkakatabing libingan sa sementeryo.
16:26May nabuti nilang ngayong araw na dumalaw kesa sumabay sa inaasahang siksikan bukas.
16:49Simula ngayong araw hanggang Lunes, November 2, bukas ang Manila South Cemetery muna alas 5 ng umaga
16:55hanggang alas 9 ng gabi. Ayon sa pamunuan ng sementeryo, posibleng umabot ng 1 milyon ang mga dadalaw dito ngayong
17:04undas.
17:04Pero bukas, November 1, ang inaasahang dagsa ng mga tao.
17:08Magdala ng tubig, payong, pamunas at kung meron tayong mga portable electric pansies, magdala na rin tayo para maibsan yung
17:17konting init.
17:18Tsaka yung mga pinagbabawal natin na huwag na magdala para maiwasan yung pagkaantala nila bago pumasok.
17:26Pinagbabawal sa loob ng sementeryo ang alak, sigarilyo, vape, iligal na droga at armas, baraha o anumang pansugal,
17:35mga maiingay na gamit gaya ng speakers at mga alagang hayok.
17:39Hiwalay ang entrada para sa mga person with disability at senior citizen, lalo na kung kakailanganin ng wheelchair.
17:46Ngayong araw, may ilan nang nirespondehan ng mga medical staff sa sementeryo, karaniwan dahil sa pagkahilo at pagod.
17:52Tadala na rin ng init tapos yung medyo malayo na yung pinanggalingan nila, nagbihay pa sila.
18:00Sarado muna sa mga motorista hanggang November 2 ang Kalayaan Avenue, South Avenue, Vito Cruz Avenue Extension at Pililia Street.
18:09Sa Manila Memorial Park naman, may ilang maaga na rin bumisita sa kanilang mahal sa buhay.
18:19Pia, halos buong araw maalinsangan yung panahon dito sa Manila South Cemetery.
18:23May mga panakanaka at mahinambuhos lang ng ulan pero hindi ito nagtatagal.
18:28Paalala, nang pamuna ng sementeryo maghanda pa rin sa parehong maulan at maaraw na panahon para laging handa.
18:34Yan ang latest mula rito sa Manila South Cemetery. Balik sa'yo Pia.
18:39Maraming salamat, Bea Pinla.
18:47Let's paint the town red ang atake ng isang babae sa Rizal para sa kanyang Halloween costume.
18:52Peg lang naman niya ang isa sa iconic looks ng American rapper-singer na si Doja Cat.
18:58Pero ang kanyang Halloween costume nagkaroon ng aberya?
19:02Uyakin, ano na?
19:07Ang Halloween costume sa taong ito ng social media personality mula kay Tarizal na si Apple, pasabog.
19:13Pininturahan niya ng pula ang kanyang katawan at binikita niya ang kanyang ulo at mga braso ng libu-libong kristal.
19:19Pero dahil naubusan na ron siya ng pandikit, ang ginamit niya para matapos ang kanyang costume,
19:23B-7000 glue, o yung multi-purpose adhesive na karaniyaw ang ginagamit sa pagkukumpuni at paggawa ng mga handicraft.
19:31Matapos ang halos talik isang oras.
19:33Ang kanyang fantasy, achieve na achieve.
19:36Yun nga lang, nang kanya nang tinatanggal ang mga dilikit na kristal sa kanyang katawan,
19:40ang kanyang ulo at mga braso nagkapantal-pantal.
19:43Anong nyo ba?
19:47Alam nyo ba ng salitang Halloween na mula sa Old English expression, the All Hallows Eve?
19:53Tumutukong ito sa gabi, bagong araw ng mga santo, na tinatawag noong All Hallows Day.
19:58Sa paglipas na panahon, pinakitin ito at naging Halloween.
20:01Ang pagkiriwang naman ng Halloween, isang tradisyong nagpugat sa isang sinaunang festival, ang sawin.
20:08Paniniwala noon, minig isang pagitan ng mga buhay at patay tuwi All Hallows Eve.
20:12Kaya para hindi naman sila mapahamak, nililito nila ang mga pagalagalang espiritu
20:16sa mamamagitan ng pagsusot ng mga maskara at kasuot ang kahawig ng mga ito.
20:21Fast forward to 2026, hindi na lang mga espiritu ang ginagaya tuwing Halloween.
20:25Pero anyari sa balat ni Apple matapos siyang dikita ng kristal ang kanyang katawan.
20:30Ayon sa isang doktor, ang balat ni Apple nagkaroon ng chemical burns dahil sa ginamit itong glue.
20:35May mga glue tayo na nagtataglay ng cyano-acrylate
20:40na maaaring mag-cause na skin irritations or allergic reaction.
20:44Kapag ang skin irritations ay nangyari within minutes to hours,
20:51ito ay tinatawag na irritant contact dermatitis.
20:55Kapag more than 24 hours, allergic contact dermatitis.
21:01Para maiwasan ito ang payo ni Doc.
21:02Very important na hugasan ito agad ng running water with soap.
21:10Huwag nating biglaing tanggalin o tuklapin kasama ang balat
21:15dahil maaaring itong pasukan ng mikrobyo na mag-cause ng infection.
21:21Mas mainam na huwag na lang gumamit ng mga industrial hessives.
21:25Laging tandaan, kimportante ang may alam.
21:28Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 hours.
21:33Naglabas sa pahayag ang GMA Network
21:35ng kaugnay sa insidente yung kinasangkutan ng isang sasakyan nito.
21:39Batay po sa pahayag ng network,
21:41batin nila ang insidente yung kinasangkutan ng isang aso at isang production vehicle.
21:46Nakipaugnayan na ang GMA sa may-ari ng aso para mag-alok ng support at tulong.
21:51Binibigyan nito ng GMA ng kukulang pansin
21:53at sinisigurong maayos itong aaksyonan.
21:56Sa isang post ng kaanak na may-ari ng aso,
21:58sinabi niyang medyo nakakalakan na ang aso.
22:00Kasunod ng insidente,
22:02ipapacheck daw nila sa veterinaryo ang aso.
22:18Buhay ang turismo sa Boracay ngayong Undas Long Weekend
22:21at mas maraming turista ngayon kumpara noong nakaraang taon.
22:25Mula sa Boracay, nakatutok live!
22:27Si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
22:30Kim?
22:34Pia, maraming turista ang nagsidatingan pa sa Boracay ngayong araw
22:39upang ma-experience ang iba't-ibang water activities at maging ang Halloween events.
22:49Mula paglalangoy hanggang paglalaro ng volleyball,
22:52enjoy na enjoy sa ilalim ng araw ang pamilya at workmates na ito sa Sinagpa Beach sa Boracay.
22:58The scenery, sobrang nice.
22:59And then, yung white sand yun.
23:02Ang pamilang ito naman nagaling pa via Iloilo.
23:04Kadarating lang ng Boracay at excited na sa mga gagawing activities sa isla.
23:09Long overdue na kasi ito eh. Dapat kasi mga July. May trabaho din ako eh.
23:14Sa tala ng Malay Tourism Office, umabot na sa mahigit 156,000
23:19ang tourist arrivals mula October 1 hanggang kahapon, October 30.
23:23Lagpas ito sa 150,000 na inaitala sa kabuan ng October 2025.
23:29Humabol naman ang ilang residente sa isla sa paglilinis ng mga puntod
23:33nang namayapan nilang mahal sa buhay.
23:35Dumaan lang ako kasi pauwiin na rin ako sa bahay.
23:38Tapos bukas balik naman.
23:39Hinahanda po namin para sa kanila dahil isang beses lang po sa ilang taon.
23:45Mahigit sanda ang kabataan naman ang nakilahok sa isang Halloween costume contest sa isla.
23:502,000 hanggang 5,000 pesos ang premyo ng top 3 winners.
23:55Butcher siya. Nakapagod pero masaya naman.
23:58Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng 195 personnel
24:02na idineploy ng Malay Police sa iba't ibang parte ng isla.
24:06Sumunod na lang po dun sa mga policies or alituntunin na itinakda ng local government
24:12at saka yung Philippine National Police.
24:20Pia, maigting na ang foot patrolling at pagbabantay ng PNP dito sa iba't ibang establishmento sa isla
24:29dahil nga sa mga napakaraming isasagawang Halloween activities at events.
24:35Pia?
24:36Maraming salamat.
24:38Kim Salinas na GMA Regional TV.
24:40Nagkasa ngayong Halloween ang Calabarzon Police ng Huliwin.
24:44Kasama sa mga inaresto nila ang dalawang one-tend na motoridad dahil sa isang dekadang pagtatago.
24:51Nakatotok si John Consulta, Exclusive.
24:58Nagro-ronda sa loob ng sementeryong ito sa Bacoorcavite,
25:01ang 72-anyos na force multiplier ng lokal na pamahalaan
25:05nang lapitan siya ng Regional Intelligence Division 4A.
25:09Ikaw po ay inaresto namin sa visa ng isang warag do pares sa kasong statutory rape.
25:14Matapos makumpirma ang kanyang pagkatao, inaresto ng mga polis ang suspect dahil sa krimeng ginawaraw niya isang dekade na ang
25:22nakakaraan.
25:232016 pa ito nangyari doon sa Tarlac, which is ang kaso niya is statutory rape.
25:29At mayroong nakapagbigay sa atin ng informisyon na dito nagtatago sa Cavite.
25:33Doon siya na pa-assigned sa isang malaking sementeryo.
25:37Ikaw ay may karapatan na naimik.
25:39Sa Rodriguez Rizal, agad pinusasan ng PNP Tracker Team ang nalaking ito na may warat para sa kasong sampung taon
25:46niyang tinaguan.
25:48Nangyari naman ito sa Unisan, Quezon, which is ang napatay nila is kamag-anak ng asawa
25:53kasi ang involved nito magkapatid.
25:55May nakapag-info sa atin na babalik sa Unisan kasi nga dito sa undas na ito.
26:00Ang mga pag-aresto, isa na gawa sa ilalim ng Project Huliwin ng Calabar Zone Police
26:06sa inaasahan daw nilang pag-uwi ng mga wanted personalities ngayong undas.
26:12Sa ngayon, ayon sa PNP Calabar Zone, umabot na sa 190 ang mga na-aresto nila
26:17mula October 26 hanggang ngayong araw, October 31.
26:22Ang PRO4A hindi tigitigil at dodoble o triple ng effort ng aming kapulisan
26:28para lahat ng gumagawa ng ganitong illegal activities ay mahuhuli natin dyan.
26:33John Consulta, nakatutok 24 oras.
26:38Inimbisigahan ngayon ang insidente ng mga natagpo ang labi ng 26 na aso at tatlong pusa
26:45na itinapon lang sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte Bulacan.
26:49Nakatutok si Von Aquino.
26:54Ganito ang kalunos-lunos na itsura ng mga bangkay ng mga aso at pusa
26:58na itinapon sa kalsada sa Newtown Street, Barangay Minuyan, proper sa San Jose del Monte Bulacan.
27:05Naaagnas na ang mga hayop na nakasilid sa mga plastik na may label ng pangalan at timbang.
27:11Ayon sa mga residente, merkoles ng umaga ito tumambad sa kanila.
27:15May sasakyan po dito na huminto, tas nagmaneobra po.
27:20Tapos hindi ko po napansin yung mga nagbaba.
27:23Hinapansin ko lang po, isang lalaki bumaba po.
27:26Tapos hindi ko na po napansin kasi umalis na po ako noon.
27:30Hindi ko po alam na may tinapon.
27:32Tas pagkagising ko po ng umaga, may mga sako na po dito.
27:35Nakakala ko lang po basura.
27:37Napipiruisyo po yung mga nakatira dito kasi ano po eh,
27:40hindi po kayo nakakaya yung amoy na.
27:41Nakala namin basura lang.
27:44Kung kinabukas ang pagbalik namin, may amoy na o i-best na eh.
27:48Nagreklamo ako sa barangay.
27:49Dito sa bahaging ito ng kasada, itinapon ng parang basura yung mga aso at pusa.
27:54At dahil po sa napakasangsang na amoy at peligro sa kalusugan ng mga residente dito,
27:59minabuti po ng barangay Minuyan proper na ilibing po yung mga kawawang hayop dito po sa bakanting lote.
28:07Inapura namin ilibing kasi halos 14 na aso yun eh.
28:12Ngayon nga may amoy pa, diba?
28:13Nagdalawang hukay kami.
28:15Disidido raw silang magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng walang awang pagtatapon sa mga hayop.
28:21May mga fur parents na rin daw ang nagpadala sa kanila ng mensahe
28:24na nakiklaim na sila ang may-ari ng ilan sa mga natagpuan doon.
28:28We're coming for you. We're going to find you and we will make you pay.
28:32There is no excuse. What you did is disrespectful, no regard for animals.
28:39And especially, especially if these animals were turned over to somebody to have their forever rest
28:47and this is what they did with them? Disgusting. Disgusting.
28:54Mag-iimbestiga raw ang San Jose del Monte, Bulacan City Police.
28:57Magba-backtrack po kami para makita yung plate number
29:02at may-ari ng mga hayop nang itinapon dito.
29:08Kung mapatunayan na totoo o nagkasala yung nagtapon dito,
29:14ay pailan po natin ang kaukulang demanda.
29:16Inaalam po kasi namin ma'am kung saan ang galing muna yung mga pets
29:21at kung ilan yung total.
29:24Handa raw ang Animal Kingdom Foundation na tumulong sa pagsasampa ng kaso.
29:29Pusiblian nilang magsampa ng kasong paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act
29:34laban sa mga nagtapon ng mga hayop at estafa kung mapapatunayang niloko nila ang mga pet owners.
29:40This case is not simply an issue of improper waste disposal.
29:47It is an issue of accountability, professional responsibility, and respect for life.
29:53We cannot claim to be a society na nagwa-value ng animal welfare
29:58if we cannot even ensure that our animals who have died
30:03are treated humanely and disposed with respect and dignity.
30:07Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras
30:10May billing si ex-PBB housemate Shuvie Etrata sa kanyang TDH na si Anthony Constantino
30:17na isa-isang ngayon sa housemates ng PBB Colab 3.0.
30:21Watch this.
30:25Hindi na naitago ni Shuvie Etrata ang kanyang kaba sa pagpasok ng kanyang TDH na si Anthony Constantino sa PBB
30:33Colab 3.0.
30:34Biro ng kapuso star, hindi na raw niya mag-gatekeep si Anthony.
30:39Ngayong mas makikilala na raw siya ng mas maraming tao.
30:42Oo, wala nang gatekeep.
30:44Mas marami na.
30:46Pero ano naman ako, more than the fear, mas happy.
30:52Mas happy ako na he's able to, you know, showcase himself as we is.
30:57Hindi na yung, alam mo yun, yung parang ito na siya na yun.
31:01Storyan niya na to.
31:02Sinabihan ko nga siya, huwag ka na masyado magsalita about me doon.
31:06Huwag mo na masyado ako i-mention doon.
31:09Parang gano'n. Sabi ko, ano mo na to? Storyan mo na to. Magpakilala ka na.
31:13Wala na rin daw silang pag-goodbye ng personal.
31:16Nang tawagin daw si Anthony para pumasok sa bahay ni Kuya,
31:20tanging bilin daw niya ay huwag mag-overthink at maging totoo.
31:25Bago siya pumasok kasi taping kami, so nasa pampanga ko nung umalis siya.
31:30So nag-video call lang siya.
31:32Natatakot ako pero ano din ako eh, may trust.
31:36May trust na kilala ko siya eh.
31:38So sana makita siya ng mga tao kung paano ko siya nakilala,
31:43paano ko siya nakikita, kung bakit siya yung pinipili ko araw-araw.
31:47Alam mo yun?
31:49O eh!
31:51Alam daw ni Shuvie kung gaano ka-unpredictable ang sitwasyon sa loob ng bahay ni Kuya.
31:56Pero huwag daw sanang malimutan ni Anthony to enjoy every single moment of it.
32:02I've seen how it changed my life.
32:05So I'm excited for him.
32:11At yun po ang mga balita ngayong Sabado.
32:13Ako po si Pia Arcanghel.
32:14Ako po si Ivan Mayrina.
32:16Ito ang GMA News.
32:17Walang kinikilingan.
32:18Walang pinoprotektahan.
32:19Noonat kayon.
32:21Servisyong totoo.
32:22At dahil hindi natutulog ang balita,
32:24Nakatuto kami, 24 oras.