00:00Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga turista sa loob ng 6km Permanent Danger Zone ng Bulkan Mayon sa Albay.
00:07Kasunod ito ng pagtaas sa Alert Level 3 ng bulkan dahil sa tumitinding aktividad nito at posibilidad ng hazardous eruption.
00:15Kaugnay nito, pinag-iingat ng Department of Tourism ang mga turista at tour operators sa mga nakaplanon tour, trekking, excursion
00:23at recreational activities sa loob ng restricted area.
00:26Pinayuhan din ang mga turista may nakaschedule na biyahe sa mga apektadong lugar na makipag-ugnayan sa kanilang hotels, tour
00:34operators at local tourism offices para sa posibleng pagbabago ng itinerary.
00:39Pinag-iingat din ang publiko sa posibleng lahar, lalo na sa mga ilog at lugar na nakapaligid sa bulkan at
00:45pinayuhang sumunod sa mga abiso at evacuation order ng mga lokal na pamahalaan.