Skip to playerSkip to main content
Sakto dalawang linggo na lang bago ang ika-49 na ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.


Tuloy tuloy ang paghahanda lalo't mahigit 20 head of state ang bibisita.


May epekto po yan sa ilang flights pati sa magiging daloy ng trapiko sa kamaynilaan.
Nakatutok si Mariz Umali.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sakto, 2 linggo na lamang bago ang ika-40 na ASEAN Summit na gagalapin sa bansa.
00:05Tuloy-tuloy ang paghahanda, lalo't mahigit 20 head of state ang bibisita.
00:10May efekto po yan sa ilang flights, pati po sa magiging daloy ng trafiko sa kamanginilaan.
00:15Nakatutok si Maris, umari!
00:19Ngayong November 16, sana nakatakdang lumuwas muli sa Maynila mula Palawan
00:24ang cancer survivor na si Yana.
00:26Para sa kanyang regular na blood test at hemodialysis kada tatlong buwan.
00:30Ang kaso, natapat ito sa kansilasyon ng flight ng Philippine Airlines
00:34para sa 49th ASEAN Summit at related summit sa Maynila sa November 16-18.
00:40Kaya nag-aalala si Yana at nag-iisip na ng ibang paraan para makapunta ng Maynila.
00:45Kaya abala ito kasi health yung pinag-usapan.
00:48Health ko tiyo.
00:49Kung kailangan kong mag-barko o kailangan kong mag-bangpa
00:53o kung ano yung pwedeng sakyan o kung anong flight na pwedeng kahit idugtong-dugtong na connecting flight
01:00gagawin ko kahit magastusan kasi sa health.
01:03Ayon sa anunsyo ng Philippine Airlines,
01:05mahigit isanda ang international at domestic flights mula November 14 hanggang 18
01:09ang kansilado o magbabago ang schedule,
01:12bonsod na inaasahang pagdami ng mga pasahero sa paliparandal sa ASEAN Summit.
01:17Sabi ng PAL, direkta nga abisuhan sa pamamagitan ng email at text message
01:21ang mga apektadong pasahero.
01:23Ayon sa Philippine Airlines, maaaring magparibok ng libre
01:26o humingi ng full refund o i-convert sa travel fund ang kanilang mga ticket.
01:31Pinayuhan din ang PAL ang mga pasaherong babiyahe na maglaan
01:34ng mas mahabang oras sa pagpunta sa paliparan
01:37dahil sa posibleng road closures at mas mahigpit na security screening.
01:41Ang Cebu Pacific nauna nang nagbigay na anunsyo sa mismong mga pasahero
01:45noong pang October 23.
01:47Nari-accommodate na raw ang mga apektadong pasahero
01:50at nag-alok din sila ng libreng re-booking at travel fund o refund.
01:54Ang MMDA nagpatupad ng moratorium o pagtigil sa lahat ng mga roadworks
01:58sa mga pangunayang kalsada sa buong Metro Manila
02:00simula kahapon, November 1 hanggang hating gabi ng December 23
02:04bilang paghahanda rin sa 49th ASEAN Summit at Christmas season.
02:08Pagdating ng mga delegates, nakatiwangwang pa rin yung mga roadworks
02:13at mga excavations. Nakaka-traffic yan, lalo na sa main thoroughfares.
02:17I just imagine more than 20 head of state ang dadalo para sa ASEAN.
02:21Sa ilalim ng moratorium, pansamantala ang pinagbabawal
02:25ang mga dredging, road excavation at roadworks
02:28ng mga utility companies at mga water concessionaires.
02:32May mga exempted na proyekto tulad ng priority at flagship projects ng gobyerno,
02:36emergency road repairs at bridge repairs at construction.
02:39Simula sa Sabado, November 7, ilalockdown na ang buong PICC at CCP complex sa Pasay.
02:46Hinihikayat din ang MMDA ang publiko na iwasan muna ang mga lugar
02:50na malapit sa PICC sa Pasay at iba pang areas of concern sa panahon ng summit.
02:55Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.

Recommended