00:00Aabot sa isang daang bahay na sunog sa barangay E. Rodriguez sa Quezon City,
00:05ang samabumbero naging hamon ang supply ng tubig sa pag-apula na apoy.
00:09Saksi, si Rafi Tima.
00:14Mula sa himpapawid, kita ang naglalagablab na apoy na ito
00:17na lumalamon sa mga kabahayan sa New York Street Corner, Stanford, sa barangay E. Rodriguez, Quezon City.
00:23Nagsimula ang apoy 4.54 ng hapon at agad iniakyat sa ikaapat na alarma ng 5.21pm.
00:32Gawa sa light materials ang mga nasusunog na kabahayan, kaya mabilis daw kumalat ang apoy.
00:37Pero dahil sa mabilis na pagdating ng mga bombero, hindi na ito tumawid sa kabilang bloke.
00:41Gayunman, naging hamon ang supply ng tubig para sa 60 fire trucks na rumisponde sa sunog.
00:48Medyo putol-putol yung supply ng tubig.
00:51Although may hydrant tayo dito sa New York Street,
00:55pero kailangan pang lumabas ng ating mga fire truck para maghanap pa ng mas malakas na source ng tubig.
01:03Dahil dito, nagtulong-tulong na ang mga residente ng manumanong nagkarga ng tubig sa timba
01:08at pagpasapasaan ito hanggang makarating sa lead fire truck.
01:13Inaimbestigahan pa ang saninang apoy na dinaklarang fire under control bago magalas 8 ng gabi.
01:18Isa sa mga naapektuhan ng mismo executive officer o ex-o ng barangay.
01:23Wala raw siyang nailigtas na gamit.
01:24Sa sobrang bilis po talaga ng pag-alat ng apoy,
01:29mabilis kumalat so wala talaga kaming naisalba kahit na ano.
01:32Pero ano na nailabas niyo?
01:34Wala po.
01:35Ako nailabas.
01:36Yung PWD ko lang po na anak na bedray din.
01:38Yun lang po ang inilabas ko at saka alaga akong pusa.
01:41Ngayon lang daw nagkasunog na ganito kalaki sa lugar na ito sa loob ng mahabang panahon
01:45dahil maagap sila pag may nagsisimulang apoy.
01:48Masakit, nakakadurog ng puso.
01:50Pero wala po kami magagawa.
01:52Ako si Rafi Pima ang inyo.
01:54Saksi!