00:00Alos kalahating trilyong pisong halaga ng proyekto ng DPWH ang pinuna ng Commission on Order.
00:06Ayon sa COA, kaduda-duda umano ang kapasidad na magkondo ng mga kontratista nito.
00:12Saksi, si Mav Gonzales.
00:172025, nang magkaungkatan ukol sa mga flood control project,
00:21kabilang ang ilang ghost umano o hindi naitayo pero idineklarang tapos na,
00:26sa taong yan at sa naon ng taong 2024,
00:28may hihwalay na pagsusuri ang Commission on Audit.
00:32Pinuna nito ang P459B na halaga ng mahigit 11,000 proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:42Inaward kasi ito sa mga kontraktor na kaduda-duda ang kapasidad magkondo ng mga proyekto.
00:47Una, di kumpleto ang mga isinumiteng dokumento ng mga kontraktor,
00:52kaunay ng mga ongoing nilang kontrata noon.
00:54Malituloy ang kompetasyon ng Net Financial Contracting Capacity o NFCC nila
00:59na basihan para makita kung pwede silang magbid sa proyekto.
01:03Sa pagkukwenta, dapat ibawa sa pwede pa nilang kuning proyekto ang halaga ng ongoing projects nila.
01:09198 na kontraktor ang di na sana nabigyan ng dagdag na proyekto dahil di pa tapos ang una pero binigyan
01:16pa rin.
01:16Isa sa kanila, nakaapat na kontrata pa na P530M ang halaga,
01:22kahit dapat P81.59M na lang ang pwede nitong kunin.
01:26Meron din isang kontrakto na nakakuha pa ng 7 proyektong lampas P1B ang halaga,
01:32lagpas sa P189M na pwede nitong kunin.
01:36Base rin sa audit report, pinakamaraming na-award na kontrata sa mga bidder na kulang ang dokumento
01:42sa Ilocos Region, Northern Mindanao, Calabarzon, Cagayan Valley at Central Luzon.
01:48Pinakamalaking halaga naman ang na-award ng mga kontrata sa Mimaropa na lampas P65B.
01:54Sabi naman daw ng DPWH, vinalidate din ang NFCC nila sa post-qualification stage.
02:00Hindi pa rin daw na-award ang mga proyektong ito nang mag-bid ang kontraktor,
02:04kaya hindi ito kinonsidera sa komputasyon ng NFCC.
02:08Pero sagot ng COA, pwede namang i-review ng DPWH ang kwalifikasyon ng mga bidder
02:13sa kahit anong yugto na procurement process.
02:16May impormasyon na rin aniya ang DPWH na nakakuha na ng ibang proyekto ang mga kontraktor na ito,
02:22kaya may basihan para tingnan nila ulit ang kapasidad nilang kumuha pa ng karagdagang proyekto.
02:28Sabi ngayon ni DPWH Secretary Giovanni Lopez,
02:31ipinadala na nila ang findings ng COA sa mga implementing office para tugunan ito.
02:36Makikipagugnayan daw sila sa mga ito.
02:39Hinihingan din namin ang pahayag sinadating DPWH Secretaries Manny Bonoan at Vince Tizon,
02:44pero wala pa silang tugon.
02:46Ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.