00:00Mahigit 200,000 piso ng halaga ng cash at alahas ang natangay ng grupo ng mga armadong lalaki
00:06mula sa isang barangay kagawad sa Maynila.
00:09Laging una ka sa balita ni Jomera Presto Exclusive.
00:16Pagkahinto sa tapat na isa nakaparad ng sasakyan,
00:19tinutukan ang baril ng dalawang riding in tandem ang isang lalaki.
00:23Pwersahan nilang kinuha mga gamit ng biktima saka tumakas.
00:26Nangyari yan sa bahagi ng San Rafael Street sa Quiapo, Maynila, mag-aalas 8 ng gabi nitong October 31.
00:33Ayon sa barangay 390, ang lalaking na hold-up kagawad ng kanilang barangay.
00:51Natangay sa biktima ang mahigit 200,000 pesos na halaga ng cash at mga alahas.
00:56Ano namin, nadaanan lang. Base doon po doon sa CCTV footage na pinanood po namin.
01:02Sa kuha ng CCTV ilang segundo bago mangyari ang pangu-hold-up,
01:06may kitang isang motorcycle rider na tila naging lookout at tinignan ang biktima.
01:11Sumunod ang dalawang riding in tandem.
01:14Nakauniforme pa ng ride hailing up ang mga driver.
01:17Lahat sila nag-U-turn at binalikan ang biktima makalipas lang ang isang minuto.
01:22Papunta sa direksyon ng Ayala Boulevard ang mga salarin nang sila'y tumakas.
01:26Sinubukan namin makipag-ugnayan sa biktima pero tumanggi muna siyang humarap sa kamera.
01:30Sa inisyal na impormasyon galing mismo sa kanya,
01:34narecover nila sa bahagi na ng Paranaque ang kanyang wallet kung saan nakalagay ang kanyang mga ID,
01:39debit card at ilang dokumento ng sasakyan.
01:42Patuloy pa ang follow-up operation ng polisya para matuntun ang mga salarin
01:45at mabawi ang iba pang mga gamit ng biktima.
01:48Ito ang unang balita.
01:50Jomer Apresto, GMA News.
Comments