00:00Bukas ng muli sa trapiko ang Pasig Boulevard C5 Flyover
00:06matapos ang ginawang retrofitting ng DPWH at DOTR.
00:10Madaling araw kahapon binuksan sa mga motorista
00:13ang southbound lane ng Pasig Boulevard C5 Flyover.
00:17Bandang tanghali naman nang naayos na ang northbound lane ng kalsada.
00:21Binisita po ang lugar ni na Public Works Secretary Giovanni Lopez
00:24at Transportation Secretary Vince Dizon.
00:27Muli nilang pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho
00:31at sumunod sa speed limit, traffic signage at lane markings.
00:35Patuloy ang finishing work sa flyover.
00:38Inanunsyo rin po ang pagsisimula ng C5 Rehabilitation ngayong Nobyembre.