00:00Sa sunog sa Cubao, Quezon City, kagabi, dalawa ang nasawi at 200 pamilya ang nawala ng tirahan.
00:07Mag-aalauna ng madaling araw, nakita ang labi ng 30 anyos na lalaki at 26 anyos na kinakasama niya sa
00:14banyo ng inuupahang bahay.
00:16Nahirapan daw ang mga otoridad na makuha sila dahil bumigay ang tinitirhan nilang gusali, nagkalat ang mga yero at masikip
00:23ang lugar.
00:24Ayon sa kapatid ng lalaking biktima, kauwi lang ng kapatid niya mula sa pamamasada ng tricycle.
00:31Kumasok ito sa inuupahan para raw gisingin ang kinakasama hanggang sa hindi na makalabas.
00:36Ginawang evacuation center ang dalawang kalapit na paaralan kung saan nagtayo ng modular tents ang barangay para sa mga nasunugan.
00:44Apektado ng sunog sa barangay E. Rodriguez ang 120 bahay sa panulukan ng New York at Stanford Streets.
00:52Inaalam pa ang halaga ng pinsala at ang mitsya ng sunog.