00:00Gabi-kabilang mga cyber attacks sa loob at labas ng bansa.
00:04Dito sa Pilipinas, iniimbisigahan ng data breach sa St. Luke's Medical Center.
00:09Ayon sa National Privacy Commission o NPC,
00:12nag-abiso noong October 30 ang ospital na na-access ang datos ng kanilang mobile app
00:17na hawak ng isang third-party service provider
00:19at na-kompromiso ang mga personal na information ng kanilang mga pasyente at empleyado.
00:25Sabi ng NPC, isang daang libong tao ang apektado sa St. Luke's
00:29na anilay pinakamalaki sa labing walong ospital data breach na iniulat sa kanila ngayong taon.
00:36Ilang suki ng St. Luke's ang nagkumpirmang in-email sila ng ospital tungkol sa nangyari.
00:42Hindi pa tumutugon ang St. Luke's sa request na ma-interview ng GMA News.
00:46Pero naunang tinilak ng ospital sa isang pahayag na agad nilang in-isolate at sinecure ang apektadong platform
00:53at in-offline muna ang app.
00:55Agad din daw silang nakipag-ugnayan sa mga posibleng naapektuhan
00:59at sa cyber security experts para sa masusing imbesigasyon.
01:05Sa Europa, mga freezer.
01:08Sa supermarket ang nahak.
01:10Tinaasan ang temperature ng mga ref at freezer ng hanggang 50 degrees Celsius.
01:15Kaya nasira ang mga pagkain at iba pang iniimbak.
01:18Nangyari ito sa France ngayon at noong isang buwan,
01:22kung kailan daang-daang supermarket ang inatake.
01:26Kinababahala ito ng European authorities.
01:28Di bababa sa siyam na bansang inatake kabilang ang Estonia, Ireland, Italy, the Netherlands at Sweden.
01:35Pinakamalala ngayon ang pag-atake sa dose-dosean ng supermarkets sa Belgium.