00:00Rodrigo Rojo Duterte.
00:30Bago pa man magsimula ang paglilitis ng International Criminal Court o ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, may hiling na
00:38ang prosekusyon para raw mapabilis ito.
00:40Sa request na final ni Acting Prosecutor Mami Mandiay Niang, hiling nilang gamitin ang recorded interviews ng tatlong witness laban
00:48kay Duterte para di na raw ito ulitin sa korte at makatulong para di magtagal pa ang trial.
00:53Naka-blackout ang maraming detalye sa public version ng mga salaysay ni na-witness P1097, P1170 at P1318 para protektahan
01:04ang sensitibong impormasyon ng mga testigo.
01:07Kasama raw sa mga patutunayan ng mga testigong ito, ang papel ng Philippine National Police sa War on Drugs,
01:13ang pagbabago sa kapulisan ng maupo si Duterte bilang Pangulo at ang individual criminal liability ni Duterte sa pagtukoy ng
01:21high-value targets sa mga drug watch list.
01:23Nagtutugmaraw ang kwento ng tatlo at suportado ng ebidensya.
01:27Sabi ni witness P1097, pagpatay imbes nakatok at pakiusap ang tukhang, naglagay paumano sila ng warning placards sa ilang biktima.
01:37Ebidensya raw ito na tinarget ang ilang individual bilang high-value targets at inilagay sa narco list ni Duterte.
01:43Sa testimonya naman ni witness P1170, maipapakita raw ang mga akusasyon ni Duterte sa publiko
01:50na sangkot sa iligal na droga ang ilang individual na kalaunay napasama sa PRRD list.
01:56Habang si witness P1318 ipinaliwanag ang Operation Double Barrel at Tukhang
02:01kabilang ang ilang pagpatay na stitched umano sa pamamagitan ng kwentong ng laban, pagtatanim ng ebidensya at cover-ups.
02:09Sabi ng prosekusyon, pupunta pa rin naman sa korte ang tatlo para kumpirmahin ang salaysay nila at matanong ukol dito
02:16kaya hindi naman anila mayuyurakan ang karapatan ni Duterte.
02:20Samantala, hiniling naman ang depensa sa ICC na i-reject ang aplikasyon ng prosekusyon
02:25na i-admit ang recorded testimony ni witness P1357 para magamit ang testimony niya sa korte kahit hindi siya humarap
02:32dito.
02:33Sabi ni Defense Counsel Peter Haynes, ganitong tipo ng individual ang pinapaalis ng ICC trial chamber sa listahan ng prosekusyon.
02:41Hindi anay at tumutugon ang testimony niya sa research, mga aligasyon o findings.
02:46Nihindi raw pamilyar ang testigo sa mga pangyayari.
02:49Sa recorded testimony ni witness P1357, tinidetali ang operasyon ng Davo Death Squad.
02:56Hindi rin daw iko-cross-examine ang depensa si witness P0024 dahil natubunan na raw nila ang mga pahayag nito.
03:03Sa ikalima at huling status conference bago ang trial proper sa November 30,
03:08inilatag sa trial chamber na may opening statement ang Office of the Prosecutor,
03:12legal representatives of the victims at magsasalita rin daw ang depensa.
03:16Giniit din ang korte na dapat dumalo si Duterte sa mga pagdinig.
03:21Hindi papayagan ang mga salitang Tagalog,
03:24batay na rin sa Rome Statute na English at French ang lengwahe sa ICC trial.
03:28Five witnesses ang nakatakdang iharap ng prosekusyon hanggang Disyembre bago ang Christmas break ng korte.
03:3429 na testigo naman ang gusto nilang iharap via videoconference.
03:38May posibilidad din na mag-iba ang oras ng trial
03:40dahil sa time difference ng The Hague sa bansa kung nasaan ang mga testigo.
03:44Ito ang unang balita.
03:46Mav Gonzalez, GMA News.
Comments