00:00Good news naman sa mga empleyado po sa Western Visayas at Soxargen Regions.
00:05Aprobado na ang dagdag sahod po dyan.
00:08Sa Western Visayas o Region 6, mula P550, magiging P590 ang sahod sa pribadong sektor
00:15sa non-agriculture, industrial at commercial na may mahigit sampung manggagawa.
00:21Base po yan sa inaprobaang kumento ng National Wages and Productivity Commission
00:25sa mga manggagawa ng pribadong sektor.
00:28Mula sa P525 naman, magiging P565 ang arawang sahod sa may sampung manggagawa pababa.
00:37P565 din ang magiging sahod sa mga nasa agrikultura mula sa dating P520.
00:43Para sa mga kasambahay, P500 ang madadagdag kaya magiging P7,000 ang kaninang buwan ng sahod
00:51mula sa dating P6,500.
00:54Epektibo ang taas sahod pagkatapos ng labing limang araw mula sa publication nito.
01:00Sa Soxargen o Region 12, may P41 na dagdag sahod naman para sa mga manggagawa at kasambahay.
01:07Ipatutupad po ito sa dalawang tranche.
01:10P16 sa unang tranche na magiging epektibo labing limang araw matapos ang publication nito.
01:16Ang ikalawang tranche naman ito na dagdag na P25 ipatutupad sa January 2027.
01:23Mula P460, magiging P501 ang daily minimum wage sa non-agriculture at retail and service sectors.
01:33Sa agriculture sector, mula P443, magiging P484 na po yan.
01:38Sa mga kasambahay naman, P450 ang madadagdag kaya magiging P6,450 ang kanilang buwan ng sahod.
Comments