Skip to playerSkip to main content
19-anyos na umawat lang sa gulo, sugatan nang tamaan ng sirang itak; sugatan din ang pulis at tanod 


Nauwi sa riot ang pangti-trip umano sa isang babae sa Maynila.


Sugatan ang isang pulis, tanod pati lalaking umaawat lang nang tamaan ng itak. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nauwi sa riot ang pangtitrip umano sa isang babae sa Maynila.
00:04Sugatan ang isang polis, tanod, pati lalaking umaawat lang ng tamaan ng itak sa ulo.
00:11Nakatutok si Jomer Apresto.
00:16Sugat sa ulo ang tinamon ng 19-anyos na lalaki habang umaawat umano siya sa away ng mga kabataan sa
00:23Sampaloc, Maynila,
00:24pasado alas 8 ng gabi nitong Martes.
00:26Sa kuha ng CCTV sa barangay 534, may kita ang dalawang lalaki na parehong may bit-bit na hindi tukoy
00:32na bagay.
00:33Maya-maya, may hinagis ang isa sa kanila.
00:36Tinamaan ang biktima na nooy papalapit sa dalawang lalaki.
00:47Isinugod siya sa ospital at kinailangan tahiin ang kanyang ulo matapos siyang batuhin ang sirang ita ayon sa barangay.
00:54Desidido raw magsampan ng reklamo ang biktima laban sa lalaking nakasakit sa kanya.
00:59Ayon naman sa barangay 535,
01:01kaaway ng kanila mga residente ang grupo ng mga kabataan mula sa kabilang barangay.
01:06Ang dahilan ng gulo,
01:07nagalit umanong isang babae nang pagtripan daw siya ng mga kabataan
01:11nang magpunta siya sa barangay 535 para hanapin ang nawawalang bike ng kanyang apo.
01:16Bumalik daw ang babae kasama ang kanyang mga kamag-anak at doon na nagsimula ang gulo.
01:20Hindi mabilang siya pero tanja akong mga nasa 15.
01:25Ang nangyari is parang may kumuwang video na kinikengoy daw yung matanda.
01:34May nag-upload doon sa GC ng mga kabataan.
01:38Dahil sa gulo, nasugatan ng tanod ng barangay 535 na si Armando matapos madapa habang hinahabol at inaawat ang mga
01:46kabataan.
01:47Nasugatan din ang isang polis korporal habang inaaresto ang isa sa mga sangkot.
01:51Hinabol ng polis ang isang lalaki.
01:53Tinutukan niya ito ng baril.
01:54Habang pumapalag sa pag-aresto, nabagsakan ng hagdang kahoy ang polis.
01:59Dumating ang isa pang polis na tumulong sa pag-aresto sa lalaki.
02:02Inaresto rin ang lalaking kapatid ng naunang biktimang nasugat sa ulo.
02:05Kasama raw siya sa sakay ng tricycle na pinara ng mga polis kung saan nakuhang isang pamalo.
02:11Sabi ng barangay 535, walang kinalaman sa gulo ang dalawang inaaresto.
02:16Ano nung parte ng dalawa is parang pigilan yung away.
02:21Dapat pagka-kapulisan diba, maximum tolerance ang inaano nila.
02:26Parang nangyari, siyempre, parang nagulat din yung mga kabarangay namin, yung dalawa,
02:31na bakit bigla silang inaaresto ng ganun.
02:34Kung umawat lang din po yung mga nahuli,
02:39so I think hindi naman po sila sana dapat nag-resist or hindi po sila dapat tumakbo.
02:44Kung meron naman po na irregularities dun po sa manner ng pag-aresto,
02:49karapatan naman po ng mga suspect na mag-countercharge po sila.
02:53Nasa pahanan ng patong-patong na reklamo ang dalawang nahuli,
02:56kabilang ang resistance and disobedience to a person in authority.
02:59Sinusubukan pang makuha na ng pahayag ang dalawa na nasa kustodian ng Sampaloc Police Station.
03:04Patuloy pang investigasyon para masampahan din ng reklamo ang iba pang sangkot sa nangyaring gulo.
03:09Jomer a presto na katuto, 24 oras.

Recommended