00:00Patay ang dalawang rider sa magkahiwalay na aksidente sa Ilocos Norte.
00:05Sa Nueva Vizcaya naman, tatlo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang truck na may kargang mga tanke ng LPG.
00:12Narito ang unang balita.
00:18Nagkalat ang mga tanke ng LPG sa banginayan sa Dupacs del Norte, Nueva Vizcaya, matapos mahulog ang truck na may
00:25karga sa mga ito.
00:26Ayon sa pulisya, paahon sa kalsada ang truck nang biglang mapaatras hanggang sa mahulog sa bangin.
00:33Ide-deliver daw sana sa mga baryo ang mga LPG tank nang mangyari ang insidente.
00:38Nagtulong-tulong naman ang mga residente at otoridad para marescue ang driver at dalawang sakay ng truck.
00:44Sugatan ng tatlo na dinala na sa ospital.
00:48Dead on the spot ang isang rider matapos bumanga ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Bacara, Ilocos Norte.
00:56Batay sa investigasyon, nakaparada at nakahazard sa gilid ng kalsada ang truck nang bumanga ang 20-anyos na rider.
01:03Sa lakas ng impact, wasak ang motorsiklo.
01:06Ayon sa pulisya, nagkasundo na ang magkabilang panig at nangako ang driver ng truck na magbibigay ng tulong sa pamilya
01:13ng biktima.
01:14Sa bayan naman ang San Nicolás, patay rin ang isang rider matapos makabanggaan ang isang pickup.
01:19Base sa investigasyon, bigla o man nung lumiko ang pickup at bumanga sa kasalubong ng motorsiklo na papunta sana sa
01:27isang lamay.
01:28Sugatan naman ang angkas ng motorsiklo.
01:30Ayon sa pulisya, nagkasundo na ang pamilya ng mga biktima at driver ng pickup.
01:35Critical ang lagay ng isang menor de edad na motorcycle rider matapos makabanggaan ang isa pang motorsiklo sa Bindoy Negros
01:44Oriental.
01:45Sugatan ng kanyang lalaking angkas at ang rider na nabangga.
01:48Base sa investigasyon, nangyari ang insidente habang tinatahak ng mga biktima ang pakurbadang bahagi ng kalsada.
01:55Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng mga motorsiklo at wala rin suot na helmet.
02:01Wala rin daw driver's license ang menor de edad.
02:04Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang magkabilang panig.
02:07Ito ang unang balita.
02:09Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments