00:00Kinilala ang entrepreneur at environmentalist na si Ginang Carolina K. Gosson Jimenez ng isang universidad ng Amerika.
00:07Iginawid ng Promise Christian University ng California kay Jimenez ang Doctor of Humane Letters,
00:13isa itong honorary degree para kilalanin ang kanyang mga ambag sa lipunan, lalo na sa humanitarian at environmental work.
00:20Inilarawan ng university founder at president na si Dr. Michael McKinney si Jimenez bilang unusual woman of God na kanilang
00:27kinahangaan.
00:29Sabi naman ng co-founder na si Dr. Adel McKinney, ang mga kwento ni Jimenez bilang author ay nagmumula sa
00:35positibong pananaw niya sa buhay at sa mga impluensya ng Panginoon.
00:402022, nang ilunsad ni Jimenez ang librong Recipes for Life, Hearty Servings for Joyful Living.
00:45Tungkol ito sa kanyang mga karanasan sa pag-aasawa, pagiging ina, sa negosyo at pagtulong sa kapwa.
00:53Dinaluhan ng mga kaanak at kaibigan ni Jimenez ang awarding sa Makati.
00:582024 naman ang i-confirm ng parehong universidad ang Humanitarian Award at Doctor of Humane Letters sa asawa ni Ginang
01:04Jimenez na si dating GMA Network President Menardo Jimenez.
01:08Ayon sa universidad, ang mag-asawang Jimenez ang kauna-unahang mga Pinoy na nakatanggap ng Doctorate of Human Letters na
01:16pinakamataas na award ng universidad.
01:19.