00:00Arestado ang dalawang lalaki matapos pagnakawan ng isang gusali sa Candaba, Pampanga.
00:06Sa kuha ng CCTV, kita ang mga suspect na sakay ng motorsiklo malapit sa gusali sa barangay Barit.
00:12Ayon sa pulisya, natangay ng mga suspect ang isang battery ng sasakyan at ilang appliances.
00:18Base sa investigasyon, nalaman na lang ng caretaker ng building ang pagnanakaw kinaumagahan.
00:24Nabawi naman ang mga ninakaw na gamit matapos ma-aresto ang mga suspect sa follow-up operation.
00:29Mahaharap sa kaukulang reklama ang mga suspect na walang pahayag.