00:00.
00:03Patay sa aksidente ang isang rider sa Bacara, Ilocos, Norte.
00:07Base sa imisitisyon ng mga otoridad, biglang sumalpok ang mga motosiklo
00:12sa nakaparadang pickup truck na naka-hazard lights.
00:15Nawasak ang motosiklo dahil sa tindi ng pagsalpok.
00:18Ayon sa polisya, nagkaayos na ang mga kaanak ng rider at ang driver ng pickup truck.
00:23Tutulong daw ang driver sa pamilya ng nasawing biktima.
00:29Arestado ang dalawang lalaki matapos pagnakawan ang isang gusali sa Candaba, Pampanga.
00:35Sa kuha ng CCTV, kita ang mga suspect na sakay ng motosiklo malapit sa gusali sa barangay Barit.
00:41Ayon sa polisya, natangay ng mga suspect ang isang battery ng sasakyan at ilang appliances.
00:47Base sa imbistigasyon, nalaman na lang ng caretaker ng building ang pagnanakaw kinaumagahan.
00:52Nabawi naman ang mga ninakaw na gamit matapos ma-aresto ang mga suspect sa follow-up operation.
00:58Mahaharap sa kaukulang reklamo ang mga suspect na walang pahayag.
01:07Patay ang isang lineman matapos makuryente habang nagkakabit ng kable sa poste sa Lapu-Lapu, Cebu.
01:14Binatna ng mga otoridad ang lineman na nakalambitin sa kanyang safety harness.
01:19Pinatay ang power supply sa lugar para maibaba ang lineman.
01:23Binigyan siya ng first aid at binala sa ospital pero nasa week sa kalaunan.
01:28Ayon sa Lapu-Lapu City DRMO, walang suot na protective gloves.
01:33Ang lineman nang mangyari ang insidente.
01:37Wala pang pahayag ang kanyang kumpanya.
01:41Ginunita kahapon ang ikalabintatlong anibersaryo ng paghagupit ng Super Typhoon Yolanda.
01:47Sumalo sa Misa sa Tacloban City ang mga residente.
01:49Nag-aalarin sila ng mga bulaklak at nagtirik ng mga kandila.
01:53Idinaos ang aktividad sa napreserbang bahagi ng MV Eva Joseline,
01:57ang barkong sumadsad sa kasagsagan ng daluyong o storm surge noong Bagyong Yolanda.
02:02May hiwalay ring Misa at thriftlaying sa Holy Cross Memorial Garden.
02:06Kasabay ng muling pag-alala sa mga pamilyang hanggang ngayon,
02:09ay hinahanap ang pagkakakilanlan ng kanilang mga yumao.
02:12November 8, 2013, ang manalasa sa Tacloban ng Super Typhoon Yolanda.
02:18Mahigit 6,000 ang naitalang nasa winoon, habang mahigit 10,000 naman ang nawala.
02:24Mahigit 95 billion pesos ang iniwang pinsala ng bagyo
02:27base sa final situation report ng NDRRMC.
02:37Nagkabakbakan ang tropa ng pamahalaan at isang private army sa Pikong Lanao del Sur.
02:42Tatlong sundalo ang sugatan sa halos walong oras na bakbakan kahapon.
02:47Ayon sa polisya, nagsasagawa ng clearing operation ang mga sundalo at polis sa National Highway,
02:53sakop ng barangay Diyosong ng pagbabarilin sila ng armadong grupo ng isang kilalang pamilya.
02:58May kaalitan ito na ibang pamilya sa lugar.
03:01Agad dinala sa ospital ang mga nasugatang sundalo.
03:05Bukod o bunsod ng insidente, pansamantalang isinara sa trapiko ang National Highway
03:10para matiyak na walang madamay na sibilyan sa nasabing inkwentro.
03:14Bukas nang muli ang kalsala.