Skip to playerSkip to main content
Aired (November 7, 2026): Dati itong covered court na nagsisilbing lugar para sa mga programa ng Barangay Talon Uno sa Las Piñas City, kabilang ang pamamahagi ng social pension sa mga senior citizen. Pero noong Enero 2025, giniba ito upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng isang multi-purpose building na nagkakahalaga ng ₱28.9 milyon.

Sa halip na bagong pasilidad na mapakikinabangan ng mga residente, natengga ang konstruksyon matapos ipahinto dahil umano sa kakulangan ng mga kinakailangang dokumento.

Bakit hindi natuloy ang proyekto, at ano ang naging epekto nito sa mga residente? Panoorin ang video. #ReportersNotebook

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Sa tabi ng Barangay Hall sa Barangay Talon Uno sa Las Piña City, isang covered court ang nakatayo.
00:11Nang aming pasukin, tumambad ang ilang mga poste ng bakal, iba't ibang construction materials, at mga hukay.
00:24Isang multi-purpose building ang naka-plano ro na itayo rito, pero ilang buwan na ang nakalipas mula nang mahinto
00:31ang konstruksyon, kaya ang resulta, nakatingga ang proyekto.
00:37Ang nagawa po ngayon dito, dati wala pong mga poste yan, wala pong mga bakal, ngayon po may mga nakatayo
00:44na. Dati po itong sa harapan, wala pong hukay ito.
00:47Sabi ng acting chairman ng Barangay Talon Uno, matagal lang nakatayo ang basketball court sa tabi ng Barangay Hall.
00:551980s, ito is an open space na tinayo ka ng basketball court na mga naulang pamunuhan.
01:06So, dumating ang 1990s, na-improve po ito, ginawa na pong covered court.
01:13Pinagdarausan din daw ang court ng iba't ibang mga event at pagpupulong.
01:17Naging very useful po, lalong-lalo na sa mga kabataan.
01:23Ganon din po yung dito ginaganap, yung ating mga senior citizens event, PWD event.
01:31Dahil matagal na ro'y problema sa barangay ang parking ng mga sasakyan,
01:36doon na ro'y naisipan ang dating punong barangay na ipaayos ang kanilang basketball court.
01:40Nag-propose ako, doon renovation or remodeling ng covered court.
01:47One-fourth will be multi-purpose na nandoon ang opisina ng PWD, opisina ng senior citizen.
01:54At ang kalahati ay gawing multi-purpose like pwedeng gawing burulan.
01:59Kasi ito nga yung hinihiling ng mga tao or sa mga any events or occasions na pwedeng mahiram for free.
02:07Sa tabing kalsada, nakapaskil ang dalawang tarpaulin na naglalaman ang mga detalye ng proyekto, pero may mga blanco.
02:15Walang nakasaad kung kailan ito nasimulan.
02:17Pero 210 calendar days o katumbas ng pitong buwan ang kontra-completion.
02:23Sa portal ng DPWH o Department of Public Works and Highways, natuklasan ang reporter's notebook na January 2025 pa pala
02:32dapat nasimulan ang konstruksyon.
02:34At may target completion date na August 2025.
02:3828.9 milyon pesos ang inilaang pondo sa multi-purpose building.
02:43DPWH Las Piñas-Bunting Lupa District Engineering Office, ang implementing agency.
02:50At ang contractor, Zero One Construction and Trading Incorporated.
02:55Ang malaking tanong, bakit nahinto ang pagtatayo ng gusali?
02:59Sabi ng dating punong barangay, kawalan ng building permit ang dahilan kung bakit nahinto ang konstruksyon ng multi-purpose building.
03:07Based dun sa kontraktor na pumunta sa akin is because of the building permit.
03:15The usual requirement kapag ka nagpapakonstruct ng mga structures, buildings.
03:23Hindi na nga natapos nasira pa ang dating covered court ng barangay Talon Uno.
03:28Ang naging efekte po nito, lalo-lalo na doon sa ating mga kabataan, na lagi po tayong kinukulit.
03:36At nagtatanong sila kung kailan matatapos ang ating basketball court.
03:39Hindi lang naman po basketball, volleyball, at marami pong ibang sports na ginagawa dito.
03:45Aspektado rin po yung ating mga senior citizen.
03:48Minsan po yung social pension dito po ginagawa.
03:50So nawala na po yun.
03:52Ayun po nga mga programs ng DPWD, yung mga activities po nila, dito rin po ginagawa.
03:59Isa sa mga dapat makinabang sa multi-purpose building, ang 80 taong gulang na si Lola Remedios Tanael.
04:06Kung dati, sa covered court sila tinitipon tuwing bibigyan ng social pension.
04:12Ngayon, bumibiyahe at namamasahe pa raw sila sa kabilang barangay para pumila.
04:17Dito kami napunta sa barangay ng Talon Uno.
04:21Diyan lahat ginaganat.
04:23Andiyan ang center, andiyan yung bunutan ng ngipin.
04:27Diyan kami pinapatahan ngayon.
04:28Nung nawala na nga, yun nasa color na.
04:32Dito, nagtitis na akong maglakad.
04:34Pag sinabi mo sa tricycle na doon kami sa pensions, yun doon kami dadalhin.
04:40Pagtitinda sa banketa sa harap ng barangay ang dating pinakaakitaan ni Lola Remedios.
04:45Yung nagtitinda akong isang puto-bumbong,
04:49misan pagkatag-araw, tagaano kami halo-halo,
04:52kung ano maitinda namin.
04:54Basta kukikita kahit konti.
04:57Nang magkaroon ng construction sa covered court,
05:00idagdag pa na nagkasakit siya noong Agosto.
05:03Hindi na siya nakabalik sa pagtitinda.
05:05Yung ubo ng ubo ako doon, may isang buwan yun.
05:09Kaya nagkaroon ako ng namunya tsaka bronco.
05:13Pagmunta ko ng center, sabi ni Doktora,
05:16Hoy, nanay, hindi ma rin hindi kayo kukumpayin.
05:19Hindi na ako nakakatinda dahil niya.
05:22Wala nga na akong puhunan.
05:23Tsaka isa pa nga, matumalang tinta.
05:27Bilang taxpayer, nangihinayang si Lola Remedios sa gusaling para sana sa kanila.
05:32Pero ngayon, natenga at hindi na pakikinabangan.
05:36Kung nagawa yan, hindi ako mapapalayo sa malayo.
05:40Dito na lang.
05:41Pakuha ng social pension.
05:44Kila ko kuya-kuya ko yun lang.
05:46Hindi electric pang, aircon.
05:49Pero ang naghihirap, taong bayan.
05:51Unti mong buwis.
05:52Magkano ngayon ang buwis ng lupa?
05:54Unti mong pag nagpabato kang ganito,
05:57magkano rin buwis?
05:58Lahat, bayad.
06:01Nakipagugnayan at pinuntahan namin ang opisina
06:03ng DPWH Las Piñas-Montendupa District Engineering Office
06:07sa Port Area, Manila
06:09na nagpatayo ng multi-purpose building sa barangay Talon Uno.
06:13Pero wala pa silang tugon sa aming programa.
06:16Nakipag-unayan din kami sa opisina ng
06:18Zero One Construction and Trading Incorporated sa Las Piñas
06:22para kunin ang kanilang panig.
06:24Pero wala pa silang sagot sa hiling namin na interview.
06:33Yeri hao toua lupa na pagi ager siya.
06:37You

Recommended