00:00Nataranta lang daw yung Jail Warden na una nagsabing may personal assistant sa detention facility si dating House Speaker Martin
00:07Romualdez.
00:09Ang sabi niya ngayon, ito, as a visitor, nakalista yung sinasabing PA at nandun lang during visiting hours.
00:16Pero wala naman siguro mag-re-register na PA, hindi ba?
00:20Malamang, visitor talaga yan.
00:21Well, let's give her the benefit of the doubt.
00:23Kasi syempre, pati naman yung mga sumasalang sa Senate impeachment, parang natataranta, nagkakasakin.
00:29Pero partner, may isa pang lumabas sa Sandigan Bayan hearing kanina, yung mahigit 27 billion pesos na insertions umano ni
00:37na Romualdez at dating Congressman Zaldico sa 2025 national budget.
00:40And here's what we know so far with Maki Pulido.
00:45444 infrastructure projects, marami dito, multi-purpose buildings, na may kabuang halaga na mahigit 27 billion pesos.
00:53Ang in-insert umano ni na dating Speaker Martin Romualdez at dating ako, Bicol Partylist Representative Zaldico sa 2025 national
01:02budget o sa General Appropriations Act.
01:04Sabi yan ang prosecution witness na si Peter Paul Cortez, Division Chief ng DPWH sa bail hearing ni Romualdez.
01:11Opisina ni na Cortez ang nage-encode ng mga proyekto na popondohan ng DPWH.
01:17Pero for the first time daw, ibinigay sa kanila ang listahan ng 444 projects worth more than 27 billion pesos
01:25nang maisabatas na ang national budget.
01:28Ibig sabihin daw nito, hindi dumaan sa regular na proseso ng budgeting process, kung saan pinag-aaralan muna ang proyekto
01:36bago ilista sa budget proposal ng DPWH para maisama sa national expenditure program na isusumite sa kongreso.
01:44Dahil hindi raw dumaan sa proseso ang more than 27 billion pesos worth of projects, wala raw feasibility study, walang
01:51vetting, walang evaluation o anumang dokumento, wala rin partisipasyon ang DPWH.
01:57Sabi nga ni Cortez, definitely no vetting.
02:00Nagkagulatan na lang daw ng maipasa na ang 2025 National Budget o General Appropriations Act.
02:06Sabi nga, posibleng na-insert ito sa bicameral conference nang tinalakay ang panukalang 2025 National Budget.
02:14Paliwanag din ni Cortez, ang listahan na nagtag ka nila Romualdez at ko ay galing sa yumaong dating DPWH Undersecretary
02:22na si Kathy Cabral.
02:24Ayon naman sa testigo, lahat nito si Cabral lang ang nagpalista kaya kung anong basis nun ay hindi malinaw.
02:32Muli namang sumalang sa witness stand si Jail Superintendent Maria Lourdes Pasion Warden ng DJMP Quezon City Mail Dormitory.
02:40Nataranta lang daw siya ng sabihing may personal assistant si Romualdez na kinilalang si Arvin De Guzman.
02:46Sabi ni Pasion, nakalista bilang visitor ni Romualdez at dumaraan din sa security screening.
02:52On call siya 24-7 pero nandoon during visiting hours lang at pagkatapos ay lumalabas na rao ng detention facility.
03:00Dagdag ni Pasion, hindi rin daw ito nananatili sa loob ng selda kundi nasa visitors area.
03:05Maliban na lang noong nasa infirmary pa si Romualdez dahil walang visitors area doon.
03:10Una nang pumalag si Ombudsman Jesus Crespin Remulia nang malaman na may PA sa BJMP Mail Dormitory si Romualdez.
03:17Labag daw yan sa batas.
03:19Hiit ni Jail Warden Pasion, wala siyang nilabag na BJMP rule dahil pumapasok si Reguzman bilang bisita at lumalabas after
03:27visiting hours.
03:29Pinayagan niya rin daw ito dahil sa assessment niyang hindi pa stable si Romualdez.
03:33Sabi rin ni Pasion, hindi kumpleto ang CCTV recording ng movement ni Romualdez mula nang makumit ito na wipe out
03:40na kasi ang iba o napatungan.
03:43Kinumpirma ni Atty. Jose Roy, abogado ni Romualdez, na nag-request sila na may assistant si Romualdez.
03:50Matagal ng personal assistant ni Speaker.
03:54So siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
03:57Kaya, and of course, yung diet ni Speaker, siya rin nakakaalam.
04:03Matagal na niyang katulong yan.
04:05So, yun ang logical sa akin na pasamahan si Speaker at that time.
04:13And that's what we know so far.
04:15Mackie Pulido, GNA News.