00:00Hindi rao 24 oras na natiri sa kulungan ang personal assistant ni Congressman Martin Romualdez ayon sa warden ng New
00:08Quezon City Jail.
00:10Kahapon, kabilang sa mga ininspeksyoan ng mga mahistrado ng Sandigan Bayan, ang kulungan ni Romualdez.
00:16Balitang hatid ni Maki Polino.
00:21Para matiyak kung nasusunod ang initial commitment order ng Sandigan Bayan na hindi maaaring ilabas ng kulungan si dating Speaker
00:28Martin Romualdez nang wala nitong utos,
00:31mismo ang mga mahistrado ng graft court ang nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail.
00:36Gusto rin nilang matiyak kung nasusunod ang mga regulasyon sa nasabing detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology
00:43o BJMP.
00:44Selda ni Romualdez ang isa sa mga ininspeksyon ng mga mahistrado, pero di na ito pinakuhanan sa media.
00:51Tinignan rin nila ang CCTV recording system.
00:54Nang muling humarap sa korte si Jail Superintendent Maria Lourdes Passon,
00:59inamin niyang hindi kumpleto ang recording ng movement ni Romualdez dahil napatungan na umano ang ibang bahagi.
01:06Nataranta rin lang daw siya nang sabihin itong Huwebes sa korte na may personal assistant o PA ang dating speaker
01:12sa loob ng kulungan.
01:14Nakalistang bisita raw ang nabanggit niyang PA.
01:17Nasa visitor's area lang at umaalis-umano pag tapos na ang oras ng bisita.
01:21Sumasalang din daw ito sa security screening.
01:24Paglilinaw pa niya, hindi ito 24 oras sa kulungan pero 24-7 na on-call.
01:30Nagihintay lang umano ito sa labas ng kulungan kung tapos na ang visiting hours.
01:34Gingit ng jail warden, wala siyang nilabag na regulasyon ng BJMP.
01:39Inaprobahan niya ang request ng mga abogado ni Romualdez na ilistang bisita si De Guzman
01:43dahil sa epekto ng mga iniinom na gamot ng kongresista.
01:48Matagal ng personal assistant ni speaker.
01:51So, siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
01:55Kaya, and of course, yung diet ni speaker, siya rin nakakaalam.
02:00Matagal na niyang katulong yan.
02:02So, yun ang logical sa amin, sa akin, na pasamahan si speaker at that time.
02:10Sa pahayag ng korte na binasa ni Atty. Dennis Pulma, Executive Clerk of Court,
02:15sinabi nitong wala pang kontlusyon ang korte.
02:18At this stage, we would like to clarify that it's premature to announce any findings or conclusions.
02:25Makipuli doon nagbabalita para sa GMA News.
02:28Makipuli doon nagbabalita.