00:00Naitala po sa Benguet kanina umaga ang pinakamalamig na temperatura para sa Amihan Season ngayong taon.
00:05Pero kung may mga lugar na sobrang lamig, ay may mga lugar din na nakakaranas ng matinding init.
00:12Saksi si Katrina Song.
00:17Naitala ang 10 degrees Celsius na temperatura sa Benguet State University sa La Trinidad.
00:22Ang naturang temperatura, ang pinakamababang naitala sa bansa sa panahon ng Northeast Monsoon o Amihan ngayong taon.
00:30Umaabot sa buong Luzon ang kasalukuyang bugso ng Amihan, kaya malaking bahagi nito ang nakaranas ng pagbaba ng temperatura.
00:38Sa ngayon po, meron din po kasi tayong, wala din po kasi tayong bagyo or anything na weather system na
00:44makakapigil para mag-flow ng maayos itong Northeast Monsoon dito po sa ating bansa.
00:49Pero ang lamig, posibleng pansamantalang mabawasan.
00:53So ngayon po, itong Northeast Monsoon po na naranasan po natin ngayong malamig na panahon,
00:57ay inaasahan po natin titigil po or magsusta po for a while,
01:01kadahil hihina po yung kanyang bugso,
01:03at susunod po next week po, posibleng may bugso po ulit tayo ng Northeast Monsoon.
01:07Ayon sa pag-asa, karaniwan ang ganitong paglakas at paghina habang nagsisimula pa lamang ang Amihan Season.
01:14Northern Luzon ang inaasahang pinakamaapektohan ng malamig na hangin.
01:19Habang ang Central at Southern Luzon naman, maaari namang magpalitan ang Amihan at Easter Lease.
01:25Sa Visayas at Mindanao, Easter Lease o hanging mula sa Pacific Ocean ang mas umiiran,
01:30kaya maaaring mas mainit at maalinsangan doon kasabay ng posibleng mga pag-ulan.
01:35Basis sa datos ng pag-asa, nakapagtala ang Borongan sa Eastern Summer ng 44 degrees Celsius,
01:41na pinakamataas na heat index mula nang magsimula ang Northeast Monsoon.
01:45Sa nalalabing bahagi po ng ating bansa, particularly Visayas at Mindanao,
01:50Moron Easter Lease po ang kanilang nararanasan.
01:52May mga pag-ulan po tayo na itatala dulot ng Easter Lease sa Eastern Seksyon ng Visayas at Mindanao.
01:58Binigyang diin ang pag-asa na kahit may elminyo,
02:01posibleng pa rin makaranas ng malalamig na umaga at gabi.
02:05Ngunit maaaring hindi raw maging ganoon kalamig kumpara sa mga taong walang elminyo.
02:09Inaasahan naman na sa Enero o sa unang linggo pa ng Pebrero aabot sa peak ang amihan.
02:15Sa panahon iyon, posibleng mas malawak na bahagi ng bansa na ang makaranas ng malamig na panahon.
02:21Paalala din ang pag-asa na maaaring makaranas ng mas malamig na temperatura sa madaling araw
02:26o kaya naman sa umaga o sa gabi.
02:28Pero mainit pa rin sa tanghali hanggang hapon.
02:32Ako si Katrina Son, ang inyong saksi!
02:40Baalala din ang inyong saksi!