00:00Napasana all ang ilang netizens sa isang Pinoy airline crew
00:04na nakapagsilbi at nakapagpa-autograph pa sa Hollywood superstar at humanitarian na si Angelina Jolie.
00:11Ibinida ng airline crew na si Ken Ortega ang kanyang phone case na pinirmahan ng aktres.
00:17Memorable daw para kay Ken na mapaglingkuran ang Hollywood actress sa isa sa kanyang mga flight.
00:24Kahit gusto daw ni Ken na magpa-selfie, pinili niyang igala ang personal space ni Angelina Jolie.
00:31Wala po kong picture kasi first, nakakahiya naman po.
00:35She was resting and sleeping and we didn't want to invade her personal time.
00:40Nakita namin siya, nakausap, sobrang bayit, sobrang ganda.
00:43Nagpa-autograph na rin po tayo kasi sabi naman niya na she's willing to sign any item or from the
00:51crew.
00:53Narito po sa Pilipinas, si Angelina Jolie bilang isa sa mga magsasalita sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit ngayong araw.
01:01Bukod sa kanyang mga sikat na pelikula at memorable roles, kilala rin si Angelina para sa pagsusulong ng human rights,
01:07lalo na ng mga refugee, mga babae at kabataan.
01:11Dati rin siyang Goodwill Ambassador na United Nations High Commissioner for Refugees mula 2001 hanggang 2012
01:17at Special Envoy hanggang 2022.