Skip to playerSkip to main content
Dalawang loan ang nasa record ngayon ng isang miyembro ng Social Security System o SSS kahit hindi umano siya nangutang.


Magkasunod pa ang mga loan na tatlong araw lang ang pagitan. #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:04Mga kapuso, dalawang loan ang nasa record ngayon ng isang membro ng Social Security System o SSS.
00:10Kahit hindi naman umano siya ng utang, magkasunod pa ang mga loan na tatlong araw lamang ang pagitan.
00:17Amin niyang pinimbestigahan.
00:22Taong 1997 pa, membro ng Social Security System o SSS si Rubilin.
00:28Ni Minsan, hindi pa raw siya nakakapag-loan sa agensya.
00:31Pero nitong Marso, natuklasan niyang batay sa record.
00:35Hindi lamang isa, kundi dalawang beses na raw siyang nag-loan sa SSS.
00:40At ang dalawang loan application ng September 2020, tatlong araw lang ang pagitan.
00:45Isang salary loan na nagkakahalaga ng 6,000 piso noong September 9,
00:50na sinundan ng 6,000 piso calamity loan noong September 12.
00:54Pero dahil sa interest, ay lumaki na po umabot sa total na ng 25,000.
01:00Paano niyo kung nalaman na meron hong nag-loan sa paumagitan ng account ninyo?
01:06Dahil noong March 21 po is namatay yung aking father-in-law,
01:11so kailangan kong lakarin yung kanyang funeral.
01:14So kailangan pala dun sa SSS kapag ikaw ang magkiklaim,
01:19updated yung sa portal mo sa e-portal nila.
01:22So nung in-update ko yung aking e-portal,
01:24dun ko lang nalaman na meron pala akong existing loan noong 2020 pa.
01:29Piyak po kayo ha? Sa ating mga kababayan, hindi kayo ang gumalaw niyan?
01:32Ay, hindi po.
01:33Nung nalaman ko po na meron akong loan,
01:35nakalagay doon na account is *** na account.
01:38So agad-agad, tumawag ako.
01:41Pagtawag ko, sinigurado nila sa akin na hindi ko daw pangalan.
01:46Dismayado si Rubiline ng walang nangyari sa kanyang pagdulog sa SSS.
01:49Kaya napilitan po kong dumulog po dito sa inyong tanggapan
01:53kasi sobrang unfair na ambilis nilang mapasok yung account ko
01:58nakapag-loan sila without my authorization or without my knowledge.
02:02Tapos ang tagal po pala ng process.
02:05At hindi pa raw po yung sure.
02:06Basta within six months yung investigation.
02:08Ano pong perwis yung dulot nito?
02:11Frustrated and nakakatakot na pwede palang mapasok yung ating mga SSS account.
02:21Na kumbaga, hindi pa ganun pala kasi.
02:25Pakiusap ni Rubiline sa kensya.
02:27Tuloy-tuloy po yung interest ng loan ko.
02:29Since na nag-report na ako, dapat stop na yung aking interest.
02:34Mga kapuso, ang problemang idinulog ni Ms. Rubi ukol sa nagamit niyang SSS loan,
02:42personal ko pong ipapakatid sa pamunuan para ako mabigyang katugunan at solusyon ang kanyang sulirani.
02:52Ayon sa Special Investigation Department ng SSS,
02:55tatlong beses umanong nagkaroon ng pagbabago sa may SSS account ni Rubiline noong September 7, 2020,
03:01dalawang araw bago in-apply ang salary loan.
03:04Kasama sa nabago ang pagpapalit ng contact number, email address at bank details.
03:10Sinamahan ang inyong lingkod na makapaghain ng reklamo sa PNP si Rubiline.
03:14Bunsun nito, gumugulong na ang investigasyon ng SSS kung kaninong bank account number pumasok ang dalawang loan.
03:20Kanilang irerekomenda na mabura na ang dalawang unauthorized loans sa record ni Rubiline
03:25at itigil na rin ang pagpataw ng penalty sa kumargang utang.
03:32Tuntutukan namin ang sumbong na ito.
03:34Para po sa inyong mga reklamo, pwedeng mag-message sa Kapuza Action Man Facebook page
03:38o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Corner Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
03:43Dahil sa anong mga reklamo, pang-aabuso o katewalaan,
03:45tiyak may katapat na aksyon sa inyong Kapuza Action Man.

Recommended